(Amber)
"Ang tagal mo naman Trix. San ka na ba? Kanina pako naghihintay dito ah? Sabi mo OTW kana?"
'Otw na talaga ako bes. Sisihin mo kasi ang traffic, wag ako.'
"Haaays ewan ko sayong babae ka. Kahit kailan talaga napaka kupad mo!"
'Osya ako na ang mabagal, ikaw na ang madaldal. Matuto ka kasing mag-antay. Haha.'
"Bilisan mo na kasi! Hindi maganda ang pakiramdam ko dito! Pakiramdam ko may naka tingin sakin!"
Tinignan ko pa ang paligid ng cafe upang siguraduhing may nakatingin sakin pero wala. Walang ni isang tao sa cafe na ito ang nandito.
Biglang tumindig ang mga balahibo ko ng marealize nasa labas pala ang taong naka tingin sakin. Diretso ang tingin niya sakin at nakakatakot ito.
"Trix bilisan mo naman jan! Kinakabahan na talaga ako eh!"
'Haha. Oo na. Parating na ako. Sige na bye. Hahaha bantayan mo yang nakatingin sayo baka mamaya gwapo pala yan.'
Napailing ako sa sinabi niya at kumuha nlng ng magazine sa table. Ramdam ko parin ang mga malagkit na titig ng lalakeng nakatingin sakin kaya bahagya akong sumilip sa kinaroroonan niya.
Kasalanan to lahat ng kape at horror movies eh kaya napa praning nlng ako lagi.
Seryoso syang nakatingin sakin. I hate how he looked at me. Mas lumala ang kaba ko ng bigla sya'ng ngumisi na parang demonyo at nagsimulabg maglakad papasok sa cafe.
"Trixie. Trixie asan ka na ba kasi. Taena. Pag ako napahamak. ay! kakalbuhin talaga kita" bulong ko habang pinipilit ko ang sarili kong wag tignan ang lalaki.
Maya-maya pa ay may naramdaman na akong umupo sa upua'ngmasa harap ko. Siguradong sigurado ako na hindi ito si Trixie. Sya yun. Sya yung lalaking mukhang rapist kung maka titig.
"Grabe ka naman. I'm not a rapist. I'm a good guy you know."
Napalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Teka----- is he a mind reader!?
"Uh-huh. You shock baby?"
Umangat ako ng tingin at hinarap sya. May normal bang tao ang nakakapagbasa ng isip? Taena. Baka may sapi to.
"Hahaha. Nasobrahan ka na nga sa kape kaya lagi kang praning."
Sinamaan ko sya ng tingin.
"W-what do you need!?"
"I just want to tell you something baby."
Napalaki bigla ang mata ko ng tawagin niya akong baby. The heck? BABY!? I'm not his baby.
"Wag mo nga akong tawaging baby. Di mo ko anak. Tsaka, di kita kilala kaya please umalis ka na. Nakakatakot ka."
"Bakit? Anak lang ba ang pwedeng tawaging baby? Di ba pwedeng tawaging baby ang magiging syota ko?"
"Whaaat!?"
"Di mo ba ako kilala? Isa akong genie baby. I can make your wishes come true."
"You're crazy."
"Matatawag mo pa kaya akong crazy kung sabihin ko sayo'ng kayang kaya kung bayaran lahat ng utang ng pamilya mo. Na kaya kong solusyunan lahat ng problema mo?"
"E-excuse me!?"
Halos utal ko nang sabi. Paano niya nalaman lahat ng yun? Eh wala nga akong nasabihan tungkol sa problema ko eh. Kaya nga pinapunta ko si Trixie dito kasi plano ko pang ikwento sa kanya ang problema ko.