asdfghjkl

117 5 1
                                    

Sa pag alis ni Conan ay sinubukan kong matulog ulit. Ipinikit ko ang mata ko pero di na ako makatulog, sinubukan kong matulog sa ibang posisyon ng kama pero di parin ako makatulog.


Kaya Imbis na bumalik sa pagtulog ay tumingin nlng ako sa kisame. Tanginang panaginip yun napapamura ako ng wala sa oras. Bakit ba kasi ganon ang panaginip ko? And ang malala pa ay magkaparehas kami ni Conan ng panaginip. Ang awkward non. Tae.


Napatingin ako sa orasan na nasa gilid ng kama ko. 3:30 pa lamang ng umaga pero eto na ako gising na gising may nabasa pa naman ako sa isang page na kapag nagising ka ng 3 AM ay baka may nakatingin sayo. Nakaramdam naman ako bg takot pero agad ding nawala dahil naalala kong ginising nga pala ako ng walang hiyang stranger na yun.


Nagpa gulong gulong lang ako sa kama ko at nagbabakasakaling makatulog muli pero bigo talaga ako. Napakunot naman anv noo ko dahil sa pag vibrate ng phone ko. Tang*na! Naalala ko yung kwemtong nabasa ko sa FB yung story ni Lucia Joaquin! Agad kong kinuha ang Phone ko tsaka dahang dahang itinaype ang phone lock nito. I thought mag faflash ito or something pero hindi pala. Assuming na ata ako eh.


Nang ma unlock ko ito bumugad agad sa akin ang text ni Conan saying "You want to jog?" Nagdalawang isip pa ako at inisip muna ang isasagot ko dahil baka ma rape lang ako ng ugok na to.

I typed 'No.' pero agad ko rin itong binura at nag Isip muli. Wala naman atang mawawala kapag pumayag ako diba? Kaya nag type ulit ako ng 'Okay.' and this time nisend ko na sa kanya.


Tumayo agad ako sa kama at tumungo sa CR. Maliligo ba ako o hindi? Nag isip pa ako ng Five minutes pero sa huli di na lang ako naligo dahil napaka lamig. Subukan niyo kaya! Nag toothbrush na lang ako at nag bihid ng leggings at nagsout ng jacket at sapatos saka kinuha ang phone at daahan dahang lumabas sa kwarto.


I unlocked my phone and saw Conan's text.


From: Conan

'Hey. Lets Just Meet @ The Park. I'll wait you there. Hurry.


Dahan dahan akong humakbang pababa sa hagdan hanggang palabas ng bahay para walang magising at wala rin akong magawang tunog. Kasi kung nagkataon malilintikan ako nito sa mga tanong nila!


Nang makalabas na ako ay naglakad agad ako papunta sa Park. Nakakatakot pala lumabas ng ganitong oras? Bukod sa madilim ay napaka tahimik rin, feeling ko tuloy may nakatingin sakin sa likod ayaw ko naman lingunin dahil sa takot. Kaya imbis na lumingon ay tumakbo nlng ako malay natin aso? Tae. Bka habulin ako? Kaya mas binilisan ko ang pagtakbo hanggang di ko namalayang nasa Park na ako at patungo na si Conan sa kinaroroonan ko.


Hinihingal ko siyang sinalubong.


"K--kanina *pause* k-ka pa bah?" Naghahabol ng hininga kong sabi sa kanya habang nakahawak sa dibdib ko. Nakakapagod yun ah!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Conan's BiteWhere stories live. Discover now