Unspoken fears (One shot)

316 5 7
                                    

A GIRL'S POV

Intramurals namin! Hayyy pero nakakatamad naman. -____-

Since foundation week to, dapat sa school grounds lang kami magstay para sa iba't-ibang activities at booths.

Eh puro kain lang naman ginagawa ko. Hahaha

Nakaupo ako ngayon dito sa bleachers habang katabi ko yung isa kong kaklase. Nanunuod kami ng laban ng 3rd year students, volleyball girls.

"Uy, may bibilhin lang ako ah? Wait lang." Sabi ng classmate ko.

Maganda na yung laban nang mainjured yung isa sa players ng isang team. 

Ang ganda pa naman nya! Nagkasugat yata yung pareho nyang tuhod. Tsk tsk.

Tapos biglang may lumapit.

Akala ko sa fictional stories lang nangyayari yung mga ganito.

Lumapit yung boyfriend nung nasugatang player. Bagay sila, both good looking.

Mula sa kinauupuan ko, nadinig ko yung iyak nung babae.

Hindi sya makatayo kaya binuhat sya nung boyfriend nya, bridal style.

Nakikita ko yung pag-aalala sa mukha nung boyfriend habang inuupo ang girlfriend nya sa pinaka malapit na upuan, which is nasa harap ko.

Nanatiling nakatayo yung boyfriend nya habang nakaupo naman yung girlfriend na iyak pa din ng iyak.

Maya maya dumating yung school nurse at akmang hahawakan palang yung sugat nang...

"Waaaaaahhh Masakit!! Wag nurse! Masakit po talaga!" Sabi nung babae na yumakap at tinago yung mukha nya sa boyfriend nya.

Yung lalaki naman, napangiti. "Baby naman, wala pa eh. O eto kamay ko, pisilin mo pag nasaktan ka. Shhhh wag na umiyak. Palinis mo na yang sugat mo ha? I love you."

Pinunasan ko yung luha ko na di ko namalayang tumulo.

Ang sakit pala.

Nakakasakit pala yung inggit?

May mga tao talagang swerte dahil nabiyayaan sila ng ganun.

May mga tao naman, na tulad ko, na ginagawa naman ang lahat pero wala pa rin.

Gusto ko lang i-enjoy yung buhay dahil alam kong dadating din yung oras na may mag aalaga sa akin ng ganun..

Pero minsan kasi, talagang di mo mapigilang mainggit, masaktan, matakot.

Matakot na hindi ka pala makakahanap ng ganung tao, yung mamahalin ka ng buong puso. 

Kung meron man, hindi sa paraan ng gusto mo, na baka hindi ka matanggap ng buo.

Na baka hindi buong pagkatao mo ay kaya nyang tanggapin.

Hindi naman ako kagandahan.

Hindi ako sexy.

Hindi ako matalino.

Hindi ako mahilig sa sports.

Ni hindi nga ako makabuo ng rubik's cube.

Mainitin ulo ko.

Moody ako.

Wala akong kayang gawin.

Pano pa may magmamahal sakin?

Natatakot akong hindi tanggapin ng iba.

Natatakot akong walang magmahal sa akin ng totoo.

Natatakot akong mag isa.

Alam ko dadating yung taong mag aalaga sa akin.

But..

When?

Is he really going to come for me despite my imperfections?

Would he know how broken I am?

Would he know how to handle me?

Would he understand my..

Unspoken fears?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken fears (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon