Chapter Two

12 1 0
                                    

Chapter Two:
Xands + Engagement = RIP sa puso ko T_T

Brianna's POV
Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas na yung last teacher namin. Dali dali akong lumabas at dumiretso sa building nila xander. Alam niyo yung feeling na malungkot na masaya, yung malungkot kasi hindi ko na siya masisilayan pero masaya kasi nakakausap ko na siya. I guess may improvement sa relationship naming dalawa ^_^ (kung meron man).

Naglalakad ako habang nag iisip ng excuse para makita si xander.
Should I say na napadaan lang ako? Hindi pwede. Ang layo ng building nila tapos napadaan lang? Paano kaya kung sabihin ko na may kaibigan lang akong dinadalaw sa building na yon? Pwede. Kaso paano pag tinanong niya kung sino, anong isasagot ko? Uwaaah! Wala pa naman akong kilala don T_T bahala na nga si batman kung anong name ang sasabihin ko, hula hula nalang. Bumuntong hininga ako at tyaka ko lang napansin na nasa tapat na ako ng room nila pero napatigil ako ng mapansing wala siya sa loob. Nakakunot noo akong luminga sa paligid pero may nakatabig sakin. Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko na patuloy parin sa pakikipag usap sa kung sino man. Mukhang hindi ata naramdaman na nakabig niya ako. Hindi ko na sana papansinin ang lalaki ngunit naamoy ko ang pamilyar na pabango. Tinitigan ko ng mabuti ang likod ng lalaki. Mula sa magulo at brown niyang buhok na parang ang lambot hawakan hanggang sa damit niyang malinis at maayos tapos sa sapatos niyang nakintab pa na akala mo flinoor wax. Dumako ang mata ko sa singsing na nasa kamay niya. Agad kong nakumpirma kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Nanlalaki ang matang tumitig ako sa kaniya.

'Si Xander!!! Shit. Anong gagawin ko?!? Tatakbo ba ako at magtatago o maglalakad ako na parang normal na napadaan lang?'

Mas okay siguro yung second choice. Inayos ko ang medyo nagusot kong uniporme at sinuklay suklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Nang feeling ko ay maayos na ang itsura ko ay nagsimula na akong maglakad pero nakakaisang hakbang palang ako ng mamali ako ng apak dahilan ng pagkawala ng balanse ko.

Napapikit ako dahil alam ko na ang kahihinatnan nito. Makikita ako ni xander huhu. Ang lampa lampa mo kasi brianna!! Yan. Harapin mo ang sahig!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Handa na ako sa kung anumang kahihiyan ang mangyayari sa pakikipag face to face ko sa sahig pero bakit parang antagal ata? Idinilat ko ang aking mata at dun lang ako nabalik sa realidad. Hawak hawak ako ngayon ng pinapangarap kong lalaki. At alam niyo yung biglang nawala lahat ng tao sa paligid at kami nalang ni xander ang nandito habang nakatingin sa mata ng isa't-isa. Napahawak ako sa may bandang dibdib ko, nagwawala ang puso ko. Parang anumang oras ay sasabog ito.

"Brianna??" Banggit niya sa pangalan ko.

Patanong yun pero bakit naging malambing iyon sa pandinig ko?

"Xander ko" Wala sa sariling sambit ko.

"Excuse me?" sambit ng isang hindi pamilyar na boses

Napatingin ako sa babaeng kausap ni Xander kanina.

"Did you just call him xander 'ko'"mataray niyang tanong.

Maganda siya, may kulot na buhok tapos may maamong mukha at balingkinitang katawan. Halata na mula sa marangyang pamilya, para siyang modelo. Pero dahil sa pang-iistorbo niya ay naging witch siya sa paningin ko. Isa siyang witch na gusto kaming paghiwalayin ng prinsipe na walang iba kundi si xander. Pero teka, Anong tanong niya? 'Did you just call him Xander ko'?

Xander ko...

Xander ko......

Xander ko.........

Wait..

Xander ko...........

Napatingin ako kay xander na parang natatawa na humahanga habang nakatingin sakin. At doon ko napansin ang posisyon namin.
Agad akong namula at lumayo sa kaniya.

"Ah..... H-Hindi Xander ang binanggit ko. A-actually A-alexander yon, k-kaya A-alexander.. K-ko ang binanggit ko. Ano...a-akala ko kasi siya yung hinahangaan ko, k-kamukha niya kasi."utal utal kong paliwanag habang nakayuko.

"huh! Excuses! Who would believe that?! It's obvious that you're actually fantasising Xander! Don't deny------"yung babae na Hindi pinatapos ni Xander.

"Stop it Abbie. Don't make a scene. I know Brianna more than you do.......at least"cold niyang sabi kay Abbie kuno.

Aaminin ko, nasaktan at tinamaan ako sa sinabi ni Abbie. At gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.

"Pagpasensyahan mo na si Abbie Brianna. Ganiyan talaga siya eh, masungit pero mabait yan. Are you okay? Muntik ka nang masubsob. Sa susunod mag Ingat ka na ah? Baka wala ng sumalo sayo" nagaalala niyang tanong

Uwaah! He's such a prince! Kaso Pag nalaman mo bang gusto kita, sasaluhin mo parin ako xander? Hayss.

"I'm fine haha ayos lang. Kasalanan ko din naman"nahihiya kong sagot. Naramdaman ko ang masamang tingin sakin ni abbie. Naiilang tuloy ako.

Ngumiti sakin si xander.

"so... What are you doing here? " tanong niya.

"May dinadalaw lang akong kaibigan dito sa building. " natural na lumabas sa bibig ko yung sagot. Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Abbie.

"Oh. Sinong kaibigan naman yan?? " tanong ni Xander.

Patay!! Ito na nga ba ih.

"Ah. Si---"
"Xands. I just got a text from your mom. She wants to have a dinner with my Family. I guess they're going to talk about our engagement" putol ni Abbie sa sasabihin ko.

Teka....Ano daw?.

"Ah.. Sorry brianna but I need to go. May pupuntahan pa kami ni Abbie eh. See you....maybe next time? Mag-iingat ka ah" paalam ni xander at napatango lang ako. Naglakad na siya palayo at nakakakapit sa kaniya si Abbie na parang linta.

Pero teka. Xands?!? Family??! Engagement?!?

Gaano sila kaclose para Tawagin niya si xander ng Xands?!? Atsaka ampanget naman, Parang buhangin!! Siya kaya nag-isip non o si Xander.

Agad Pumasok sa Isip ko si xander habang Hawak ang kamay ni Abbie at seryosong sinabi.
"Abbie. I want you to call me Xands because you're so special to me. Nobody can replace you and I'm yours"

Agad akong nangilabot at nasaktan. Hindi ko kayang isipin na may iba siyang mahal T_T Pero Wala naman akong karapatan hayss. Atsaka engagement? Family? So nakilala na ni Abbie ang pamilya ni Xander at close pa sila? Pinagkasundo pa sila?? Parang sinaksak ang puso ko ng paulit ulit habang pumasok sa isip ko si xander at Abbie na kinakasal.

Xands + Abbie + Engagement = kamatayan ng puso ko T_T

Mistaken MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon