The Kiss.
Brianna's POV
"BRI?!! Anyare sayo? Mukha kang zombie, sadya ba yan dahil malapit na ang araw ng patay? O Hindi ka talaga nakatulog?"gulat na tanong ni riri pagpasok na pagpasok ko.
Buong gabi dilat ako kakaisip kung sino ba yung Abbie na yun sa buhay ng xander ko. Bakit di ko alam yun?!? Paano nangyari yon?! Arrrggh. Napasabunot nalang ako sa buhok ko.
"Hala siya! Tuluyan nang nabaliw ang bruha, weyt lang ah. Try ko kung gagaling ka. " si riri at pumikit.
"Mekeni Mekeni....dug dug Do re mi " tuloy ni riri.
Haayyss. Di ko na alam iisipin ko uwaaaah.
"Ririii T_T" pagpapaawa ko kay riri
"oh? Bakiit ba? Anyare sayo? "Tanong niya kaya kwinento ko lahat lahat ng nangyari at narinig ko.
"hmm. Ganon ba? "siya na nakahawak sa baba niya na tila nagiisip.
Sunod sunod naman ang ginawa kong pagtango habang maluha luhang nakatingin sa kaniya.
"pwede mo naman siyang tanungin. Ang kaso di kayo gaanong close kaya ang pinakaaccurate Ay obserbahan ang kilos niya habang kasama yung manananggal na yon." saad ni riri
"manananggal?ha?"nalilito kong tanong
"sino pa ba? Edi yung bruhildang abbie " nakanguso niyang sagot.
Napatango naman ako at nakuha ang sagot niya.
"Simulan na natin ngayon" saad niya at bigla akong tinulak kaya nahulog ako sa sahig.
Nanlalaking mata akong tumingin sa kaniya.
"omygooshh!!!! " tili niya
"Buenaventura what's wrong?? " tanong ng teacher sa kaniya."s-si bri poo, inaatake ng ulcer niyaa ms!" natataranta niyang sagot Kay ms. Santos
Kahit nalilito ay nakisakay ako sa sinasabi niya. Humawak ako sa tiyan ko at bumaluktot sa sahig na parang namimilipit sa sakit.
"Oh! Buenaventura please assist her to the clinic, I'll make an excuse letter for you two." nagaalalang saad ni ms. Santos
Agad naman akong inalalayan ni riri at dumiretso na kami sa clinic.
Pagpasok namin dun ay agad akong napaupo.
"Grabe!! Galing mong umacting don ah bri" natatawang sabi ni riri.
Natawa nalang ako.
"so tara naa!! Let's observe your prince charming and the witch " desidido niyang saad.
Tumango ako at patago kaming pumunta sa kabilang building.
Pagdating namin doon ay last subject na nila bago ang break.
Sumilip kami at nakita naming magkatabi sila.Dinadaldal si xander ni abbie pero di siya pinapansin ni xander .
"yan! Ganiyan nga xander, wag mong pansinin yang bruhang yan" bulong ko.
Natuwa ako ng buong klase nila ay hindi pinansin ni xander si abbie. Mukhang naiinis na si abbie pero hindi parin tumitigil. Sarap sabunutan hayss.
Break na nila at may mga lumabas nang estudyante pero si xander ay nag-aayos pa ng kaniyang gamit. Nung lumabas si xander ay parang buntot namang sumunod si Abbie sa kaniya.
"pigilan mo ko bri, nanggigigil ako sa babaeng yan. Balak ka pang agawan" naiiritang saad ni riri.
"tara na! "sabi ko at hinila si riri papunta sa pinuntahan nila xander. Pumunta sila sa Canteen. Umupo kami sa tagong table malapit sa kanila.
"Xaandss~ ginawan kita ng lunchbox. Maaga akong gumising para dito, I made this for you " nagpapacute na saad ni abbie kay xands.
Napangiwi nalang ako.
"I can't accept this." sabi ni xander
Agad namang kuminang yung mga mata ko sa narinig ko.
Yass!! Tama, don't accept it Xander ko!"what?"parang nabinging tanong ni Abbie.
"Ibigay mo nalang yan sa iba. " Cold na sabi ni xander at tumayo para bumili.
Parang nabuhayan ako nung makita ang inakto niya.
"prend may pag-asa ka pa!! "kinikilig no bulong ni riri.
Di ko tuloy maiwasang ngumiti.
Pagkatapos nilang dalawa kumain ay dumiretso sila sa rooftop. At siyempre nakasunod parin kami at nakatago.
Simula nung ang cold ni xander ay ang tahimik na ni Abbie.
"xands. Alam kong kaya ang cold mo ay dahil sa nangyari dati" pangunguna ni Abbie.
Nangyari dati??? Ha?
Magsasalita Sana si riri pero sinenyasan ko siyang wag magingay.
".........." si xander
"I'm sorry, sorry kung pinili ko ang mag-abroad at iniwan ka. Pero hindi ko ginustong makipagbreak sayo. Hanggang ngayon Mahal parin kita xands at Hindi yun magbabago. Ikaw lagi ang nasa isip ko nung nasa abroad ako, ikaw lang ang lalaki sa buhay ko xands. Alam kong nasaktan kita pero nasaktan din ako." Maluha luha niyang saad.
Wait..
Parang ayaw magloading.
Naging sila dati?? Kailannn?!?! Does it mean na mahal ni xander si abbie? Nagmamahalan sila dati?
Tumingin ulit ako sa pwesto nila at nakitang nakatitig lang si xander kay Abbie. Maya Maya ay bigla nalang hinalikan ni Abbie si xander.
Napaatras ako mula sa kinatatayuan ko. At kasabay din non ang pagvibrate ng phone ko.
"bri. I think we should go" nagaalangang aya ni riri
Pero ewan ko ba parang nastuck na yung paa ko sa sahig. Gustuhin ko mang umalis at kalimutan tong nasaksihan ko pero Hindi ih. Hindi ako makagalaw at nakatitig parin sa kanila.
Xander. Kung ayaw mo bakit hindi mo siya itulak? Siguro nga may feelings pa rin siya sa babae.
Agad namang nagsipagtuluan ang kanina ko pa pinipigilang mga luha.Sunod sunod namang nagvibrate yung phone ko. At dahil dun ay inalis ko yung tingin ko sa dalawa. Napakunot noo naman ako sa 5 text messages at 2 missed calls galing sa isang number na di ko kilala.
From: Unknown Number
Sht!! How dare you ignore me! Pagkatapos mo akong Ilagay sa sitwasyong to, iisnabin mo lang ako. Damn you! Get back here and help me get rid of this bitch. I swear you won't like what I'll do if you ignore this message again.
Iyan yung last text niya. Who the heck is this?! Anong pinagsasabi nitong taong to? Napatingin ako sa dalawang taong nasa harap ko at napalitan agad ng sakit yung Inis na nararamdaman ko. Agad akong tumakbo Paalis. Narinig ko pang sumigaw si riri pero tuloy parin ako. Nireplyan ko yung nagtext.
To: Unknown number
Who's this?
From: Unknown Number
Don't play joke with me. I'm serious val. Now get back here in the old library! I'm getting impatient.
Napakunot lalo ang noo ko. Who the heck is val? Kahit hindi sigurado ay pumunta parin ako sa old library. Habang papalapit ako ay lalong dumadami yung text na natatanggap ko galing sa unknown number na yon. Hindi na ako kumatok at binuksan agad ang pinto. Kasabay non ay ang pagvibrate ng phone ko at pagtingin sakin ng lalaking nakahawak sa phone niya at ng babaeng nakakapit sa lalaki."What is the meaning of this? Bakit sayo nagsesend ang messages ko? " naguguluhang Tanong ng lalaki na Hindi ko rin naman masagot.
Just what the hell... Prank ba to? Or just a mistaken message.

BINABASA MO ANG
Mistaken Message
Ficção AdolescenteThe right message sent to the wrong person. A Mistaken Message.