Seryoso ang mukha ko..
"Dahil sobra ang pagsisisi ko, sana kase sinunod ko ang payo ni Choline. Sana ngayon masaya pa rin tayo" habang nag gigilid na naman ang luha ko..
"Sorry. Ngayon ko narealize na may mga taong nahihirapan. Ngayon ko lang naintidihan ang lahat " sagot niya sa akin
"Wag ka nalang mag Sorry sa akin. Mas ok sa akin na itama mo na yung mga maling desisyon. Para sa huli hindi mo pagsisisihan katulad ko. Dinamay ko pa ang taong mahal na mahal ko na ngayon na dapat siya ang mag-aalaga sa akin"
At bigla siyang kumanta.
"If I can't find the cure, I'll
I'll fix you with my love
No matter what you know, I'll
I'll fix you with my love
And if you say you're okay
I'm gonna heal you anyway
Promise I'll always be there
Promise I'll be the cureAt nangiti nalang ako sa kanya.
"Parehas lang tayong nagkamali.. At ito siguro ang dahilan kung bakit tayo nagkita. Para i-tama ang mga mali nating nagawa. Through love" sagot pa niya
"Kaya gagamutin ko ang mga sugat mo emotionally at sakit mo physically .I'll fix you with my love" sunod pa niya.
Naisip ko na,.Siguro ,ito na ang tamang panahon para tumigil na. At maging masaya nalang kasama si Sir.
Muling nagluha ako. Nang mapansin ito ni Sir ay niyakap ako nito..
Nahiga kami sa buhangin at dito na natulog..
Kinabukasan nang pag-gising namin. Ay bumungad ang nakakasilaw ng liwanag mula sa paligid. Tumayo na kami at oumasok sa loob.
" Good morning!! Think positive lang Joyce. Magpakasaya muna tayo ngayon." Masayang bati nito sa akin
Ngumiti lang ako. At kumain na kami ng breakfast.
Habang naka-upo kami ay naisip naming maligo sa dagat..
"Maligo tayo sa dagat?" Tanong ni sir
"Tara bilis!! Haha " kinuha ko ag phone ko at nagpicture muna kami kasama ang dagat.
Napakalamig ng tubig.
Ibinaba ko na ang phone ko sa gilid at lumakad kami papalayo sa dagat at lalong kumalalim. Ang sarap sa feeling na kasama mo ang mahal mo.Nang hanggang leeg na namin tubig ay tumigil na kami. At bigla nalang siyang lumangoy papalayo sa akin..
"Hooy!!! Di ako marunong lumangoy!!" Tawag ko..
So kinakabahan na ako dahil nakita ko na ang layo naniya. Tas bigla siyang tumawa.
"Nakakainis ka!!! "Lumakad na ako papunta sa mababaw na parte ng dagat .
Nang nasa mababaw na ako. Ay sinundan ako nito..
"Kala ko marunong kang lumangoy" nakangiting sabi nito"Hayy. "
Sa inis ko ay binasa ko siya ng tubig gamit ang hampas sa tubig para tumalsik sa kanya..
At ganun din ang ginawa niya. Nagwawala kami na parang bata. Napakasaya, ang sarap sa feeling na kasama mo ang mahal mo at ramdam kong masaya ako dito.At hanggang sa nakayakap lang sa akin si Sir mula sa likod ko. At ramdam namin ang init ng tubig sa ilalim.
"I love you Joyce"
Ngumiti ako.
"I love you too SIR!. " sabay tawa ko.
Hanggang sa umabot ng hapon ang aming pag-stay sa Rest house.. Habang nakaupo ako sa sofa. At si sir naman ay nagluluto. Ay biglang yumanig ang lupa.. Pinakiramdaman ko muna kung totoo nga ba...
Mas lalong lumakas ito ,"Lumabas tayo!! Bilis"
Lumabas na agad kami ng bahay. At mas lalong lumakas ang pag-yanig. At unti-unting nagkalamat ang walk ng bahay. Mas lumakas din ang alon sa dagat..
Natakot ako. Umupo kami ni sir habang yakap-yakap ako. Upang hindi kami mabuwal.. Sobrang lakas dahil nagbuwalan ang ibang mga puno at wasak ang bahay..
Sobra ang takot namin ni Sir .
Nang matapos ang lindol ay naupo muna kami...
"Nasaktan kaba?" Tanong ni sir sa akin"Oo. Ok lang ako" sagot ko naman
Nang bigla akong mahilo at nawalan ako ng malay... Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Saturday.
Nang pagbukas ng mga mata ko ay bumungad ang puting lugar. Nasilaw ako mula sa liwanag. Ano naba nangyari?? At biglang narinig ko ang pagbukas ng pinto kay tinignan ko ito. Si Rence at si Choline.
"Kamusta? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Sir sa akin.
Ngumiti lang ako
"Oo. Ok lang ako".Naupo si Sir sa tabi ng higaan ko at hinawakan nito ang kamay ko.
"Pangako ko sayo hinding hindi kita iiwan." Habang naggigilid ulut ang luha niya.
Tumingin ako kay Choline na umiiyak na rin. Nagtaka ako kung bakit ganoon nalang ang kanilang pag-iyak
"Ano bang nangyari? Malapit naba akong mamatay?" Tanong ko na halos pigil ang pagpatak ng luha.
"Joyce. Sasabihin ko na sayo ang totoo." Sagot nito habang hindi maayos makapagsalita sa pag-iyak.
"Tatlong linggo nalang daw ang itatagal mo" sabay malakas na pagiyak ang ranging maririnig sa loob ng kwarto..
Napanghinaan ako ng loob..
"Matagal na daw yang sakit mo pero kahit isang beses ay hindi ka man lang nag-pagamot."
"Wala akong pera para pang-gamot ko.. Para kase ito sa mga kapatid ko" mahina kong sagot
"Mahal na mahal kita, wag mong kakalimutan yan" sagot sa akin ni Sir.
"May hiling sana ako sayo bago pa man ako mawala" mahina kong sabi sa kanya.
"Ano yun?!" Tanong niya
"Wag mong pababayaan ang mga kapatid ko hah.. "
"Oo naman. Wag kang mag-alala "
"At isa pa sa mga hiling ko ay itama mo na sana ang sarili mo. Maging fair kana sa lahat. Itama mo na ang lahat habang hindi pa huli ang lahat sa iyo. "
Hiling ko."Oo . Gagawin ko yan. Ipinapangako ko na magiging fair na ako sa lahat"
" at isa ko pang kahilingan ay hanapin mo ang taong magmamahal sayo ng totoo. Hindi katulad ko na niloko ka"
"Ikaw lang ang taong yun. At mamahalin kita ng walang hanggan"
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Salamat sa lahat. Salamat" pagpapasalamat ko dahil kahit na napakasama ng ugali ko sa kanila ay napakabait pa rin nila sa akin at hindi nila ako iniiwan..
YOU ARE READING
THE REVENGE - For the Justice and Freedom
Short Story............................................................. THE REVENGE For the justice and freedom Bakit ba may mga taong gumagawa ng mga bagay na nakakasama sa kanilang katawan? Bakit ba may mga tao na kahit alam nilang masam...