(Kinabukasan)
(Monday)
Start na ng Work ko sa Arthur Company.
Pumasok na ako at nakita ko ang mga sched this week. So ayun na nga. Start na nga ang mga gawain.
Nang dumating si Sir rence ay nagGreet ako. Sabay ngiti.
"Good morning Sir"
"Good morning" and smile.
Wala pa rin siyang alam sa mga nangyayari.
At bumungad ang isang sigaw mula sa pinto ng kanyang office.
"Sir! Sir! May problema po tayo!!" Sigaw ng lalaki mula sa pinto na hingal na hingal at halatang tumakbo.
"Ano na naman?" Inis na tanong ni Sir Rence
"Mga nagrereklamo na naman po yung mga taga Ubec!" Pagod na pagod na sagot.
"Diba maayos na ang usapan namin dyan ni mayor?!" Sagot ni sir rence.
Habang ako ay nasa isang sulok at tahimik lang na nakikinig sa kanila.
"Sir. Sinabi ko nga po iyan, pero parang pati si mayor ay nagagalit na rin." Sagot naman nung lalaki
"What??!! Ano ba naman yan!.. Sa lahat ng barangay na napagpatayuan natin ng Factory sila lang ang maaarte!" Inis na sagot ni Sir.
"Paano po gagawin natin sir?" Tanong naman nung lalaki.
"Sige umalis kana. Aayusin ko ito" sagot naman ni Sir.
At umalis na ang lalaki. Nang makalabas na ng pinto yung lalaki ay pumunta ako sa desk ni Sir.
"Sir. Pano po gagawin niyo?" Tanong ko
"Hindi ko pa alam ee. Naiinis ako puro nalang reklamo naririnig ko" sagot naman niya.
"Sir. Syempre may mga buhay din sila. Bakit ba kase lahat ng factoru niyo sa mga may tao mo nilalagay?" Tanong ko.
"Pinakamura kase ang mga lupa sa mga parteng tinatayuan ng mga factory namin. At mas madaling utuin ang mga mahihirap kaya mas madali kami nakakapagpatayo ng mga factory" sagot niya.
"Mali kase Sir na basta basta nalang kayong magpapatayo dahil lang sa alam niyong mauuto niyo sila" sagot ko
"Iyan ang turo ng tatay ko" sagot naman niya.
"Nasaan na ba ang tatay mo?" Tanong ko. Dahil gusto kong malaman kung nasaan siya para mapahirapan ko sila katulad ng pagpapahirap nila sa akin.
"Patay na siya" malungkot niyang sagot.
Nagulat ako. Shocksss! Bakit? Masamang damo yun aa. Bakit namatay?
"Ayy naku sorry.. "
"Ayos lang. .
At niyaya niya ako sa isang bar
Tugs!! Tugs... Tugs!!! Tugs....
Ang taray naman ng bar ng mga mayayaman. Ang ganda, , halatang mamahalin.
Habang umiinom kami ay tahimik lang kami . Siguro iniisip niya kung paano lulutasin ang mga problema. ...
"Naiinis ako sa dad ko" bungad niya habang nakatingin sa malayo kahit na maraming tao .halatang nahihirapan na siya.
Nagulat ako. Bakit kaya? Kaya tinanong ko siya.
"Bakit naman? Muka namang ginagawa niya lahat para sa inyo " sagot ko
"Hindi. Mali ka.. Lahat ng ginagawa niya ay pangsarili lamang niyang kasiyahan" seryoso niyang sagot sa akin.
Nagulat ako. Ganun nalang ba talaga kasama si Alvin Arthur??
Nagtaka ako.
"Hah? "
"Hindi mo alam. At sa aming magkakapatid ako lang ang walang kwenta." Sabay lagok ng beer.
NapakaGwapo niya kapag seryoso siya habang umiinom ng beer. Ang hot niya.. 😍😍 PROMISE..
"Alam mo. Kung ako sayo. Wag mo nang problemahin yung past mo. Patay naman na pala yung papa mo. Ang ayusin mo yung problema sa company. " sagot ko.
Tumingin lang siya sa akin at ngumiti.
So nagtaka ako.. Kaya nagtanong ako.
"Bakit?? ""Anong bakit?"
"Bakit ka nakangiti dyan?"
"Masama??? Hah masama?!".
At natawa nalang kami pareho.
Patuloy ang paginom namin hanggang sa hindi ko na maalala ang lahat. .
Nagising ako na nakaupo ako sa car. At inilibot ko ang tingin ko sa paligid.
"Uy gising kana pala.." Bungad sa akin ni Sir
"Ayy. Anong oras na sir?" Tanong ko
"1am palang. Binilhan na kita ng coffee" sabay abot ng coffee
"Thanks. " at hinigop ko na ang kape.
"May binili nga pala akong concert ticket" kwento sa akin ni sir.
"Kaninong concert?" Tanong ko.
"Kay lady gaga" sagot niya habng kinukuha yung ticket sa bag.
Whattt??!!! Lady Gaga?? Lalaking tao. Lady gaga ang gusto. At partida mahilig sa concert si Sir.. Hahaha
( Rara ra a a a!!! Roma!! Roma a a!! )
At dahil mahilig ako sa concert.
"Sige sir. Kelan ba yan? "
"Sa wed. Matagal na tong nakareserve. Sold out na kase ngayon." Pagmamalaki niya.
"Gusto ko rin ang mga performance niya. Ang galing kase niya" sagot ko.
"Yes. Kaya idol ko yan ee. Joanne world tour concert!!!! " sigaw pa niya.
Ako naman ay natatawa lang sa kanya. ."baliw kana ata sir". Hahahaha
At natawa rin siya..
Nang bigla siyang natahimik.
At tumingin sakin. Eye to eye kami..
"Do you want the story of white Goddess and the Prince? " habang napakalagkit ng tingin niya sa akin.At ngiti lang ang sagot ko .
Ito ang kwento ng "White Goddess and the prince"
Natapos ang aming masarap na kwentuhan..
Nanatiling nakahiga kami habang magkadikit kami at ramdam ang pawis naming dalawa.
"Ilan naba nagiging bf mo?" Tanong ni Sir sa akin.
"Hmmm. Bakit?" Tanong ko
"Masama bang magtanong?" Sagot naman niya.
"Wala pa."
"What?? Wala pa?"
Naging tahimik ako.
"Simula nang mamatay ang parents ko. Hindi ko na naramdaman ang magmahal"
Malungkot kong sagot."Oww. Sorry."
"It's ok.. Hmmm magkwento ka nalang about sayo"
"About sa akin?"
"Yes. Magwento ka para mawala na yung pain dyan sa loob ng puso mo" sagot ko.
"Ikaw bahala. Wag kang iiyak aa. Haha" pabiro niyang sagot..
"Baka nga ikaw maiyak dyan ee. Hahaha" sagot ko naman.
"Oo na. Eto na, sisimulan ko na po" hahaha.
At sinimulan nang ikwento ni Sir Rence ang story....
YOU ARE READING
THE REVENGE - For the Justice and Freedom
Storie brevi............................................................. THE REVENGE For the justice and freedom Bakit ba may mga taong gumagawa ng mga bagay na nakakasama sa kanilang katawan? Bakit ba may mga tao na kahit alam nilang masam...