girlfriend Here!
Its nice to be back again here! Hehehe paupdates lang noh!
Anyway this is our special day! Akalain niyo yon, umabot pa kami sa monthsary namin???kahit inis, tampuhan minsan galitan lang hehehe umabot parin kami hahahaha.
Well, di naman talaga maiwasan sa couple na nagkakainisan at nagkakatampuhan rin, walang kabuhay buhay relasyon if puro kayo ka sweetan noh! Hehehe
Magkaganoon paman, mahal na mahal ko author dito. Kahit nga lagi ako inaaway niyan eh, to point pa na pinapaiyak ako. ( baliw umiiyak ako dahol mahal na mahal lang talaga kita, nakakainis ka nga minsan pero diko magawa magalit sau kasi sobra kitang mahal, kaya idinadaan ko lang sa iyak)
Nga pala, itong author dito, pinaiyak ba naman niya ako sa araw na ito, monthsary namin tapos pinaiyak lang ako?? Tapos after niya ako paiyakin, saka ako nilambing??? Asan ang hustisya doon diba??? Naku talaga kahit kilan author dito sarap patayin sa sarap ezte bugbugin ng halik. Yon tipo na di na bibitawan labi niya hanggang di magmakaawa??? Hahahaha (kilan kaya yun baliw)
To my BALIW
Hon, alam ko na hanggang ngayon may pagkukulang parin ako sayo, kasi until now diko magawa yun dalawang bagay na gustong gusto mo.
Sana maintindihan mo ako sa ngayon, wag ka sana magalit o mainis sa akin, diko kaya isipin na nagtatampo ka, masakit yun sa akin hon sobra, kahit sabihin mo wag kita iyakan diko mapigilan kapag alam ko na nagagalit ka sa akin.
Alam ko rin na may mga kasalanan ako sayo, like minsan nakikipagkulitan ako sa iba pero hon hanggang doon lang naman, ganoon naman ako kahit noon pa bago mo ako makilala, saka di yun paglalandi noh! Friendly poh kaya ako. Diko lang kasi minsan matiis kausapin ang nakikilala ko kapag alam ko kailangan nila ng kausap.
Saka HON kahit wala ka man regalo sapat na sa akin makita ka at marinig boses mo lalo na yun....(alam muna hahahaha) best gift kaya yun sa akin, yon alam ko napapangiti kita. Ngiti mo lang kanina best ever gift na natanggap ko
Saka HON, wag mo naman sana tutuhanin yun sinabi mo na di kana uulit?? Na lalayo kana kapag inulit mu pah??? (Diko kaya HON)
Saka HON, sana wag ka magsawa sa kakulitan at kaartehan ko. Lalo na sa pagmumukha ko, hahaha napuno na yan gallery ng mukha q puro selfie hehehe
Saka HON, mahal na mahal kita, alagaan mo sarili mo kasi di pa kita nalafang ezte wala ako sa tabi mo para alagaan ka.
Saka HON, love you poh mwuaahhhh, mahal kita ok?! Ikaw lang kaya.
Saka hon, ano hmmmm wag ka nga magpagod lagi, para (alam muna hahahaha)
Saka hon, minahal kita kung ano ka ok, hindi kung sino ka.
Saka hon, hanggang dito nalang hahahaa love you mwuaahhh
Love you Baliw.