Kaguluhan sa Syria

2.3K 2 2
                                    

Kaguluhan sa Syria

                                   Ang pagkakaiba ng pananaw sa gobyerno ay siyang nagdudulot ng sigalot sa mga mamamayan sa isang bansa. At ito ay  dahilan kung bakit ang Syria ay may air strikes. Ang pagpapatalsik ng pangulo ng bansa na si Bashar al-Assad.                                      

                                 Ang panawagan ng mga mamamayan ng Syria na magbitiw ang kanilang pangulo ay magbibigay o magdudulot ng pagbabago na salungat sa mga mithiing ng mga ibang mamamayan. At ito ang dahilan ng sigalot o problema ng bansang Syria. Ang estado unidos ay nakialam narin dahil sa mabilis na paglala ng sitwasyon sa Syria patungo sa giyera, sibil o sanhi ng kaguluhan.

                                  Dahil sa pakikialam ng estados unidos napalala ang sitwasyon sa bansang Syria. Dapat lamang na ang mga mamamayan ang siyang magresulba sa mga alitan nila na kung saan sila lang ang nakakaalam kung paano isasaayos ang pagbabago na sa tingin nila ay kapaki-pakinabang sakanilang bansa.

                         Ang mga mamamayan sa Syria ang siyang magtulong tulong para sakanilang karapatan at magayos ng mga sigalot para sa ikauunlad, sa pagbabago at higit sa lahat kapayapaan sa bawat mamamayan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaguluhan sa SyriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon