"Ha? Break na kayo? Bakit? Anong nangyari?"
Kasama ko ngayon si Julia sa park ng school. Hindi naman siya actually park, pero may mga benches siya kung saan pwede mag-rest yung mga students kapag vacant time nila.
Bestfriend ko siya simula elementary. Sinasabi ko lahat ng nararamdaman ko at lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Pati nga yung pagpatay ko ng ipis namin sa bahay, kinukwento ko pa eh.
At siya rin ang nakasaksi sa love story namin ni Eivan..
Kinwento ko sakanya lahat ng nangyari. Sinabi ko rin kay sakanya na iniwan ako ni Eivan nang hindi man lang nagpapaliwanag kung bakit niya ako iniwan, kung bakit siya bumitaw ng ganun ganun nalang.
"Eh gago pala yang Eivan na yan eh! Sasabihin niya na mag-move on ka? Eh hindi pa naman malinaw sayo lahat kung bakit siya nakipaghiwalay sayo ah!"
"Makaka-move on din ako." sabi ko nalang sakanya.
"Alam mo girl, hindi ko alam kung nagpapaka-tanga o nagpapaka-martyr ka eh. Ano ka ba, kailangan mong kausapin si Eivan. Kailangan niyong mag-usap. Yun yung importante sa ngayon."
"Kaso sabi niya malalaman ko rin daw balang araw."
"Gusto mong pahirapan ang sarili mo no? Hindi ka makaka-move on pag hindi maayos ang break up ninyo!"
Hindi ako umimik.
"Not unless ma-in love ka sa iba. For sure, makaka-move on ka."
Napaisip ako sa sinabi ni Julia. Sa tingin ko may point naman siya eh.
Kasi I'll be having less time to think about Eivan. Tapos may insperasyon ako, kaya hindi ko na masyadong mararamdaman lahat ng sakit.
Pero hindi. A big NO. Mahal ko parin si Eivan. 2 years na akong may feelings para sakanya, at hindi ko naman kakayanin an kalimutan siya ng ganun ganun nalang no.
PUSO: Malay mo may iba pa siyang dahilan kung bakit siya nakipag-break sayo diba? Malay mo para sa ikabubuti mo rin yun. Kaya mo yan Karen. Mahal mo diba? Hindi naman siya mawawala sayo kung susubukan mo siyang ipaglaban. At kung talagang mahal mo siya, patunayan mo sakanya na hindi mo siya kayang mawala sayo. Mahal na parin nun Karen. Magtiwala ka.
UTAK: Tumigil kana nga sa imahinasyon na yan. Sa tingin mo ba makikipaghiwalay siya sayo ng walang maayos na dahilan? Syempre meron! Malay mo nagsawa na siya sayo. Malay mo nakahanap na siya ng mas better kaysa sayo. Think of the worst!! Hindi kana niya mahal. Wag kanang umasa. Lalo ka lang masasaktan. Move on kana.
PUSO: Mahal ka parin niya. Magtiwala ka. Matagal din ang pinagsamahn ninyong dalawa. Through thick and thins, magkasama kayo. Sa tingin mo ba agad agad mawawala ang feelings niya sayo just for 1 day? Of course not.
UTAK: Sabi ng hindi kana niya mahal! ihinto mo na yang pantsya mong yan. Puso, mag-isip ka nga! May utak ka ba?!
PUSO: Ikaw utak, MAY PUSO KA BA?!
"Karen, nalulunod ako."
"Huh?"
"Ang lalim kasi ng iniisip mo! Booooom!"
"Huh?"
"Slow gets mo! Maiwan na nga kita jan!"
"E-hh, ang korni korni mo naman kasi."
"Ang lalim kaya ng iniisip mo! Ang tagal mo pang nakatulala! Pasalamat ka hindi kita na-picturan. Baka i-post ko pa yun sa Instagram. Hahahaha!"
"Okay Julia. Whatever."
Patuloy ang asaran namin ni Julia. Wala eh, ganyan talaga kami. Ganyan ang way ng pagiging sweet namin sa isa't-isa. Grabe diba.
Ehh, para naman kasi akong baliw kanina. Iniimagine ko na nagkakaroon ng arguement yung PUSO at UTAK ko kanina. Haaaay, kaloka.
Dismissal na, at nagkahiwalay na ang landas namin ni Julia. marami pang school works na kailangan tapusin kaya kailangan ko na agad umuwi. Si Julia naman, may bibilhin pa daw sa mall kaya nauna na ako.
"Hi maaaaaaaaaaaa!" bati ko kay mama na nasa garden, nakaupo siya sa upuan na parang benches.
"Hi anak! How's school?"
"It was great. I'm having fun."
"That's nice."
"Oh yeah. Wait lang ma. kakain muna po ako ha. Then mag-aaral ng lessons. May 3 quizzes po kasi kami bukas."
"Sure anak. Aral mabuti ha, good luck. Love you."
"I love you too ma."
Umakyat nako then I took a shower.
After that, umupo ako sa kama at nakita sa side table ko ang picture naming dalawa ni Eivan. Sa picture na 'to, makikita mong masaya pa kami. Ang lalaki ng mga ngiti sa mga labi namin.
Parang perpekto talaga kami para sa isa't-isa.
Parang pinagtagpo talaga kami ni Lord para iparanas ang salitang habangbuhay.
Kaso wala na ngayon eh. Bumitaw na siya. Kaya heto ako ngayon, pilit na nasasaktan at nahihirapan.
May mga luha na naman sa pisngi ko..
I have to let go of him because he wants to. I don't have to wait for him. Ayokong umasa na babalik pa siya, kasi alam kong hindi na talaga.
To make things short, kailangan ko ng mag-move on.
Matapos pumatak ang luha sa picture frame na hawak ko, bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Julia.
"Not unless ma-in love ka sa iba. For sure, makaka-move on ka."
"Not unless ma-in love ka sa iba. For sure, makaka-move on ka."
"Not unless ma-in love ka sa iba. For sure, makaka-move on ka."
