Karen's POV
10:00 am
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Ugh. Sino na naman 'to? Ka-aga aga eh! Natutulog pako oh.
Dahil sa antok ko, hindi ko na tinignan kung sino. Agad ko ng sinagot.
"Hello?" *sleepy voice*
"Hello."
"Sino ka?"
"Hindi ako sinoka. Iniri ako ng nanay ko."
"Aba, punyemas naman! Ang sarap sarap ng tulog ko tapos gigisingin mo ako, tapos wala namang kwenta yang sinasabi mo!"
"Akin ka nalang miss."
"Sino ka ba?! Atsaka saan mo nakuha yung number ko!?"
"Napulot ko sa tae ng kalabaw kanina sa farm. Teka miss, wag kang magali---"
"Kadiri ka naman kuya. Hinawakan mo yung tae ng kalabaw? Eww! Dyan kana nga. Atsaka magmumog ka muna ng bibig mo! Ang aga aga, panloloko agad alam mo! Naamoy ko pa hininga mo dito! Kadiri ka naman. Yuckk! Bye!"
*toot toot*
Binaba ko na. Jusko, ang sarap sarap ng tulog ng tao tapos iistorbuhin ako! Akala ko naman si Julia yung tumatawag. Curse that guy! May nalalaman pang tae ng kalabaw! Talaga namang! Nakakainis. Sayang, hindi familiar sakin yung boses.
Tinanggal ko yung battery ng phone ko para hindi na tumawag yung lalaking yun. Makatulog na nga lang ulit. Hays.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Julia's POV
10:15 na. Hindi ko matawagan si Karen. Kapag talaga Sabado, ang tamad tamad nun kahit kailan.
Text ko na nga. Leche.
To: Karen Batugan
HOY KAREN! GUMISING KANA! MAY SASABIHIN AKONG IMPORTANTE SAYO!
After 10 mins, wala parin siyang reply. Tawagan ko na nga!
The subscriber cannot be reach. Please try again later.
Pupuntahan ko nalang nga sakanila! Tutal walking distance lang naman yung sakanila dito sa bahay namin.
After 5 minutes na paglalakad..
"Hi tita!"
"Hi Juls. Nasa kwarto pa si Karen. Tulog pa eh. Akyatin mo nalang ah."
"Oo nga po eh. Tinatawagan ko po pero nakapatay po phone niya."
"Ahh ganon ba. Osige. Puntahan mo nalang sa taas. Gisingin mo nalang ah? Kailangan ko na kasi pumasok sa trabaho eh. Ingat kayo!"
"Kayo din po tita. Ingat po."
Odiba, welcome na welcome nako dito. Hehe.
*Lakad lakad*
*Akyat sa hagdan*
"GOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOD MORNING KAREEEEEEEEEEEN!!!" sabi ko pagpasok ko sa kwarto niya.
"Kyaaaaaaaaaaaah! Sino ka?! Lumayo ka sakin Demonyo!" guess what? nahulog siya sa kama niya! Nyahahahaha.
""Hahahahahahahahahaha! Ano ka ba! Si Juls 'to. Grabe ka naman kung maka-demonyo ah."
"Sorry, nananaginip kasi ako eh. Hehe." sabi ni Karen.
"Haynakooo. Magpapasama kasi sana ako sayo sa mall. May bibilhin ako dahil birthday na ni mama bukas! Tinatawagan kita, pero naka-off yung phone mo."
"Ehh kasi naman, may tumatawag na di ko kilala kanina!"
"Huh? Anong sabi?"
"Sabi niya ' miss akin ka nalang.'"
"Patingin ka ng number."
Pinakita niya sakin yung number nung tumatawag.
"O M G!"
"Bakit Juls? Sino yan?"
"Karen! Si Christian Jimenez yan!"
Huh? Christian Jimenez?
