Chapter 1: The Man In The Rain

572 17 4
                                    

A/N: hello guys here's the chapter 1 . Like what i said yung bida na po yung mag P-POV sa chapter 1.  enjoy reading.

**

Yoona's POV

9 years later

*knock*

"Bhest." sabi ng babaeng nasa labas.

Bumukas yung pintuan ng kwarto ko at bumangad sakin ang pagmumuka ng bestfriend kong si kazel.

"Anong ginagawa mo dito??". Pagmamsungit ko . Feel ko lang magsungit ngayon. Bakit ba.

"PMS aga aga ganyan ang bati sakin. Wala man lang good morning. Di mo ata ako namiss eh. Siguro ayaw mo na akong maging best friend. Ilang araw lang akong nawala nakahanap kana kaagad ng kapalit ko. Sige, kung sa kanya ka masaya aalis na ko." Naglakad siya papunta sa pintuan ng kwarto ko. -____- Grabe napakadrama ng isang to.

"Pag lumabas ka ng pintuan na yan mag kalimutan na tayo ha, at hindi narin kita ilalakad kay kuya Jongin. Sisiraan pa kita sa kanya. sayang nagagandahan pa naman sya sayo." Haha tingnan lang natin kung lalabas ka pa jan sa pintuan na yan.

Humarap siya sakin at nag puppy eyes pa. "Yoona, best friend, ikaw naman hindi ka na mabiro. Syempre naman alam kong di mo ako pag papalit kahit kanino eh. Alam ko namang mahal mo ko eh."

"Sinong nag sabi na mahal kita?? Wag kang assuming malapit na kitang palitan " sabi ko at nag smirk narin ako.

" Best naman eh.  Di ka naman seryoso sa mga sinasabi mo diba??" Ang cute niya grabe teary eyed na kasi eh.

"Tama na nga yan maiyak ka pa niyan eh. Syempre hindi totoo yung sinabi ko."

"Pinag tatawanan mo pa ako." Ngumuso pa ang loko. Haisst nakakaakit. Kung lalaki lang ako niligawan ko na rin tong babaeng to. Ewan ko ba kay kuya Jongin kung bakit di niya pa aminin ang nararamdaan niya dito sa babaeng to.

"Ewan ko sayo, tsaka wag ka ngang ngumuso diyan di sayo bagay."

"Pero best totoo bang nagagandahan si Jongin sakin??. Ang swerte mo naman pala pag nagkataon magkakaroon ka ng hipag na ubod ng ganda." Hay naku po nagpapantasya na naman ang magaling kong kaibigan. "Maiba tayo friend, Bakit parang ang lalim ng iniisip mo kanina at kailangan pang tumingin sa labas ng bintana. Huwag mong sabihin na iniisip mo parin yung batang nagligtas sayo. Hindi ka parin maka move on. Grabe naman." Psychic ba tong si kazel at alam ang iniisip ko bago siya pumasok. Galing naman

"Oo siya nga yung iniisip ko. Kasi pano kung buhay pa siya . Ano na kaya itsura niya ngayon at ano na kaya ang kalagayan niya ngayon. Iniisip ko rin kung saan kaya siya nakatira. Kasi hindi ko talaga siya malimutan , siya kasi yung nagligtas sakin." Tumingin ulit ako sa labas ng bintana. Bumabalik na naman ang mga alaala na yon.

Lumapit sakin si kazel at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Tumingan ka nga sakin Yoona."  Sinunod ko siya at nakita ko sa mga mata niya na seryoso ang mga sasabihin niya."Eto ha. Uulitin ko for 987,654,321 times may 99.99% na possibility na wala na sa mundong ito ang lalaking nag ligtas sayo.  Baka namatay na siya dun sa sunog nayun kaya lang hindi nakita ang katawan niya. Yoona 9 years na ang nakalipas kaya please accept the truth."

Iniwas ko yung tingin ko at saka nagsalita.  "Pero may 0.1% na possibility din na buhay pa siya."

Bimitiwan na ni kazel yung balikat ko. at nag lakad papuntang pintuan. Bago siya lumabas ay lumingon muna siya sakin. "Kapag tapos ka ng paasahin ang sarili mo ayusin mo naman yung mga gamit mo para makaalis narin tayo.Nandun lang ako sa baba." Tuluyan na siyang lumabas ng kwato ko.

Naligo na ako atsaka ko kinuha ang gamit na dadalhin ko.

Kung nagtataka kayo kung saan kami pupunta ni kazel sasabihin ko na sa inyo last month kasi pumunta na yung parents ko sa Canada for there bussinessdahil sa madaming aasikasuhin 2 years din silang mawawala.  Si kuya Jongin naman nasa Manila na, dun kasi siya mag aaral.  1st year collage na siya ngayong taon.  Dahil sa walang magbabantay sakin kaya no choice ang parents ko kundi hayaan na maging independent ako sa buhay kahit na 16 years old lang palang ako. Kaya napagdisisyunan namin ni kazel na lumipat ng bahay para makapagbukod na talaga. Wala din kasi yung parents ni kazel nasa ibang bansa din. Titira kami ni kazel sa bahay na binili ng mga parents namin sa Westville subdivision. Malayo yun dito kaya kailangan din naming lumipat ng school na siyang pabor saming dalawa. Ang dami kasing bawal dun nakakapikon.

Bumaba na ako at nadatnan kong nagbabasa ng libro ang kaibigan ko. "Huwag mong sabihin na pati ang mga libro mo ay dinala mo pa." sabi sa kanya at saka umupo sa tabi niya. "Ano ba yang binabasa mo??"

"Harry Potter and the Sorcerer Stone. Gosh friend ang ganda nitong libro na to."

"Ngayon mo palang ba nabasa yan?" Marami kasing libro si kazel bookworm po kasi.

"Ito palang ang meron ako. Wala na kong mahanap na mga libro ni harry sa mga bookstore."

"Tara na nga umalis na tayo bago ka pa mag drama diyan" At umalis na nga kami.  Ako na nag drive kasi ako lang naman ang may student licence.

As i was expected di ko makausap ng matino ang magaling kong kaibigan dahil sa kababasa ng libro.

Huminto ako sa isang food chain para makapag tanghalian kami. At nung natapos na kami kumain umalis narin kami kaagad.

"Bhest anong oras na?" sa wakas at nag salita din siya.

"1:32 pm na bakit??"

"Malayo pa ba tayo?" Adik ba tong babaeng to at hindi napansin na nasa subdivision na kami.  Tumingin ako sa salamin. Anak ng kambing na tinola.

"Hoy babaeng adik nandito na tayo sa westville" Sabi ko sa kanya.

"Ha!? Bakit di ko napansin nakakapagtaka naman bakit di ko napansin"

"Paano mo mapapansin e kulang nalang ingudngud moyang mukha mo sa libro. At tingnan mo nga yang pwesto mo kulang nalang kumot at unan para damang dama mo nayang pag ka kahiga mo." Inihinto ko na yung kotse at saka tumingin kay kazel "If you still don't notice, nandito na po tayo sa bahay"Bumaba na ako ng kotse at kinuha yung mga gamit ko sumunod narin si kazel. Sabay kaming pumasok sa bahay mas maliit siya kaysa sa dati naming bahay pero malaki para sa dalawang tao. Malinis narin naman yung bahay at may mga gamit narin inayos na kasi to ng parents namin.

Dumiretso na ko sa taas nasa dulo ng hallway yung kwarto ko na nasa right side tapos katapat siya ng isang kwarto na siyang gagamitin ni kazel. May guest room din sa baba.

Nang nakapasok na ako sa kwarto ko agad akong dumiretso sa kama at agad ding nakatulog.

****

7:30 pm na ng nagising ako. Tumayo na ako at pumunta sa banyo upang maligo. After kong maligo nagbihis na ko at kinuha yung cellphone , wallet at mga susi.

lumabas ako ng kwarto ko at kumatok sa kwarto ni kazel at saka pumasok.

"Kaz, lalabas lang ako saglit para bumili ng makakain natin. Huwag mag papasok ng hindi kilala mahirap na at uso pa naman ang 'GPG'"

"What do you mean by 'GPG'?" takang takang tanong ni kaz

"Gupit Panty Gang. Jalga (bye)" sabi ko sabay labas ng kwarto niya hahaha epic yung mukha niya. lumabas na rin ako ng bahay at sumakay sa kotse kona syang sakto kasi bigla nalang umulan.  Haiisst kanina ang ganda ng panahon tapos ganito.

Nang nakabili na ako ng pagkain sumakay na agad ako sa kotse ko.  Patuloy parin kasi yung ulan.

Medyo malayo narin ako sa Gate ng subdivision,nasa loob na ko. Binuksan ko yung radio ko at ang kanta ay Walking in the rain by A1 adik ba tong kantang to. Hindi po ako naglalakad nag dadrive po ako.  May bigla akong naramdamang kakaiba na parang nagtutulak sakin na tumingin sa bintana.At may nakita akong isang lalaki na sa tingin ko kasing edaran ko lang din na nasa damuhan.  Dahil sa light post nakita kong maigi ang mukha niya. Ang gwapo niya para siyang anghel.  Ang sarap niyang pagmasdan habang nakatingala siya sa langit at nakangiti. Unti unti na siyang nawawala sa paningin ko. Kasabay nun ang unti unting pagbigat ng nararamdaman ko. Bigla nalang akong nalungkot.

***any violent reaction??? simply comment guys even if its postive or negative cause I need to know :) Vote also kamsahamnida :)

Open Hearts ♥♥♥ (EXO fanfic ft Yoona) #Wattys2016 #JustWriteItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon