YOSI - 5

4.3K 162 25
                                    

Nagising ako dahil may marahang humahaplos sa ulo ko.

Si Nathan.

"Okay ka na ba? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong nya. Umiling ako bilang sagot.

Hinalikan nya naman ako sa noo pababa sa ilong at labi. Yumakap naman ako sa leeg nya at ninamnam ang labi nya.

"Bangon ka na, kanina pa umiiyak si Noah, hinahanap ka.." sabi nya matapos ang halikan naming dalawa.

Tumango ako, bumangon na sya kaya bumangon na rin ako. Medyo naguguluhan na ako sa mga nangyayari pero hinayaan ko na lang, sasakit lang masyado ang ulo ko kung mag-iisip pa ako ng kung ano-ano.

Pumunta kami sa kwarto ni Noah. Naabutan namin sya na nakahiga sa kama nakaharap sa bintana habang umiiyak.

Lumapit ako at tinabihan sya. Pumihit naman sya paharap sakin sabay yakap. Yinakap ko na rin sya at hinaplos sa likod.

"Tahan na Noah, tahan na.. anak" pagpapatahan ko sa kanya. Mukhang epektibo naman kasi tumigil na sya sa pag-iyak.

Nginitian ako ni Nathan. Ngumiti rin ako sa kanya. Nakatulog si Noah sa ganoong posisyon namin. Sa tuwing babangon ako ay lalong humihigpit ang yakap nya sakin, minsan pa ay iiyak.

Napagdesisyunan namin na manatili muna sa tabi ni Noah.

"Nathan.." tawag ko kay Nathan na nakahiga rin sa tabi ko, nakaunan ako sa braso nya habang nakaunan naman si Noah sa braso ko.

"Uhm?" sagot nya sabay yakap sa tyan ko. Napangiti ako.

Parang nangyari na 'to noon.

"Wala.." sagot ko na lang. Hinalikan nya ako sa batok.

Pumikit ako hanggang sa tamaan ulit ako ng antok.

-----------------------------------------

Kasalukuyan akong nagmamaneho habang sinusundan ang isang itim na kotse. Hindi ko alam kung bakit sinusundan ko sya.

Tumigil sya sa harap ng bar, bumaba at dumiretso sya loob. Bumaba na rin ako. Umupo sya malapit sa bartender at umorder ng alak.

Maya-maya ay may lumapit na babae sa bartender at binulungan. Medyo nag-alangan ang bartender. Pero nakita kong tumango-tango na lang sya. Tumalikod ako at naghanap ng pwesto na makikita ko ang taong sinusundan ko.

Panay ang lagok nya ng alak. Napatingin naman ako sa babae, nakaupo sya sa upuan apat na pagitan mula sa lalaking iyon.

May lumapit sakin na sa tingin ko at bartender din. Umorder ako ng vodka.

YOSI •manxman•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon