YOSI - 8 (Wakas)

4.3K 190 79
                                    

Eksaktong tatlong taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang insidenteng yun. Pinipilit pa rin naming bumangon, ganoon rin sina Papa at Kuya.

Pitong taon na si Noah ngayon at sobrang kulit pa rin nya. At wag ka grade one na sya ngayong pasukan. Lumaking matalino, gwapo at mabait na bata si Noah.

Pumunta ako sa kwarto nya para i-check kung nakapagbihis na sya, ngayon kasi ang eksaktong araw kung kailan sya nawala.

"Noah? tapos ka na ba?" katok ko sa pinto.

"Malapit na po Daddy, wait lang.." sagot naman nya. Mahahalata sa boses nya ang excitement. Pinangakuan ko kasi na gagala kami kapag sumama sya ngayon sakin.

"Bilisan mo, baka nandun na sina Lolo at Tito.." sabi ko ulit na sinagot nya naman ng 'opo'

Lumabas ako ng bahay para i-start na yung sasakyan. Baka magtampo pa sya sakin kapag nalate pa kami.

Nakita kong palabas na si Noah. Tinawag ko sya at pinaupo sa tabi ko. Nag-drive na ko papunta sa sementeryo. Oo, mabigat sa pakiramdam pero pinipilit naming bumangon.

Naabutan namin doon si Papa at Kuya Royce.

"Lolo! Tito Royce!" sigaw ni Noah at tumakbo palapit kina Papa at Kuya.

Ngumiti naman silang dalawa at niyakap si Noah.

"Kamusta na ang makulit kong apo ha?" tanong ni Papa kay Noah habang kinikiliti.

Napangiti ako. Matapos ang pangyayaring iyon ay bumalik na ang lahat sa dati.

"Kamusta Nathan?" tanong ni Papa saakin.

"Ayos lang po pa. Kayo po?" sagot naman. Medyo lumungkot naman ang ekspresyon nya.

"Heto, awa ng Diyos. Medyo okay na rin.." sabi nya habang nakangiti mababakasan pa rin ng lungkot ang mukha nya.

Napatingin naman ako sa puntod nya. Ramdam ko ang presensya nya ngayon sa paligid. Ramdam ko rin na natutuwa sya dahil naayos na ang lahat.

Pagkatapos ng idinaos na misa ay nagpaalam na muna si Papa at Kuya na isasama nila si Noah sa paggala. Pumayag na ako. Gawa ng gusto ko pang manatili dito.

Kasabay ng malakas na kulog ay ang pagbuhos ng ulan. Tumakbo ako sa pinakamalapit na pwedeng masilungan.

Kasabay ng pag-pasok ko ay ang pag-upo naman nya.

"Lakas ng ulan 'no?" sabi ko habang nakangiti.

"May yosi ka ba dyan?" tanong nya agad namang nag-react ang alaga ko.

Napatingin ako sa kanya. Habang nakangisi.

"Ops! Joke lang hahaha" tumatawa nyang sagot. Tumawa na rin ako. Hays! Nakakamiss talaga yung tawa nya.

"Asan si Noah?" tanong nya ulit.

"Kasama nina Papa at Kuya, gagala daw. Bakit ang tagal mo? Hindi mo tuloy naabutan ang misa para kay Mama.." sabi ko.

"Nako baka ini-spoil nila masyado yung anak.. natin. Traffic po kasi masyado kaya na late ako. Sorry Ma!" sabi nya at isinigaw ang huling mga kataga na binitiwan nya. Napangiti ak bago tumawa. Napamaloko talaga ni Jayce.

Tatlong taon na mula ng mawala si Mama, ang mama ni Jayce dahil sa heart attack. Nangyari iyon ng aksidenteng mabaril si Jayce. Ginawa nila ang lahat pero dead on arrival daw sya.

Lumapit si Jayce sakin gawa ng nilalamig siguro. Niyakap ko na lang sya saka hinalikan sa noo.

Masasabing may mga dumaang pagsubok nga para saaming dalawa, pero nalampasan namin lahat ng iyon. Basta't magkasama kami. Yakang-yaka!

Si Jayce at Noah. Silang dalawa lang masaya at kumpleto na ang buhay ko.

Wakas.

A/N: Ayan! Tinapos ko na. Bye! Madami pa sanang mangyayari kaso.. basta. Nakakatamad na nakakainis.

YOSI •manxman•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon