YOSI - 4

5.1K 171 23
                                    

Alas singko na ng hapon ng magising ulit ako. Grabe! Ang sakit ng katawan ko. Medyo madulas rin ang pakiramdam ko sa butas ko. Hayop! Ginawang imbakan ng tamod.

May narinig akong katok mula sa labas ng pinto. Pinatuloy ko. Pumasok yung bata. Hays! Sobrang cute nya.

Lumapit sya sakin at yumakap na naman. Iba ang pakiramdam ko sa yakap nya, parang.. parang pamilyar.

"Anong pangalan mo, baby?" tanong ko. Ngumiti muna sya bago sumagot. Ang cute nya talaga.

"Noah po, Papa" sagot nya. Magalang din. Noah? Noah.. Pero nagtaka ako sa pagtawag nya sakin ng Papa. Parang narinig ko na yun sa kung saan. Hindi ko lang matandaan.

Nginitian ko na lang si Noah.

"Asan si Daddy?" tanong ko ulit. Hinahanap ko yung lalaking yun, na hanggang ngayon ay 'di ko pa rin kilala.

"Nasa baba, nag-luluto po!" masigla nyang sabi. Hinalikan ko sya sa pisngi, hindi ko alam kung bakit ginawa ko yun. Parang, kinasanayan ko na kasi.

"Baby, Ano bang pangalan ni Daddy?" sa bata ko na tinanong. Nangangati na kasi akong malaman yung pangalan nya.

"Nathan po.." ngiti nyang sagot. Nathan.. parang.. parang.. Ahhh!

Napahawak ako sa ulo ko! Damn! ang sakit. Pinilit kong wag sumigaw dahil baka matakot ko yung bata.

"You okay, Papa?" tanong nya. Tumango ako at sinabihan ko sya na maliligo na muna ako. Nag-thumbs up sya sakin.

Kumuha ako ng boxer shorts, brief, tsaka itim na T-shirt na sa tingin ko ay pag-mamay-ari ni Nathan.

Nathan.. Saan ko nga ba narinig ang pangalan na yan?

Pumasok na ko at tumapat sa shower. Umire ako para lumabas yung naipon na tamod sa butas ko. Hindi naman ako nabigo. Maya-maya pa'y tumulo na ang malabnaw nang katas ni Nathan. Parang binuro nya sa loob ng butas ko.

Inabot ako ng halos lagpas tatlumpung minuto sa loob. Nag-iisip kasi ako. Kung paano ko ipapaliwanag sa pamilya ko ang pagkawala ko. Yun ay kung makakauwi o pauuwiin nya pa 'ko.

Nagbihis na ko bago ako tuluyang lumabas. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Nathan na nakasandal sa dingding, naka-cross-arms. Medyo kinabahan ako ng mapadako ang tingin nya sa suot kong T-shirt.

"Ah.. eh.. sorry ginamit ko yung damit mo" sabi ko. Imbes na magalit ay ngumiti sya ng ubod ng tamis.

Lumapit sya sakin saka ako hinalikan sa labi at niyakap ng mahigpit. Pamilyar talaga.. ang yakap.. ang halik.

"Ayos lang. Kahit ilang beses mo pang gamitin lahat ng damit ko dito.." sabi nya saka kumalas ng yakap.

Hinawakan nya yung kamay ko. Naglakad kami ng sabay pababa ng hagdan.

"Uhm, Nathan.." panimula ko. Napatigil sya sa paglalakad at biglang humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Napatitig sya sakin. Anong ibig sabihin ng mga titig nyang iyon? Parang sabik na malungkot pero masaya.

Nawala rin kaagad ang ekspresyon nyang iyon bagkus ay napalitang ng isang ngiti.

"Baba na tayo, Jayce.." sabi nya. Nanlaki naman yung mata ko? Paanong? Paano nya nalaman ang pangalan ko? Hindi pa naman ako nagpapakilala sa kanya.

"Kilala mo ko?" takang tanong ko. Pero sinagot nya na lang ako ng isang ngiti.

"Tara na. Baka naghihintay na si Noah" sabi nya ulit. "Oh baka gusto mong tirahin muna kita dito sa hagdan bago tayo bumaba?" dugtong nya pa ganit ang mapang-akit na tono.

Kinabahan naman ako. Eh! Masakit pa ang butas ko! Tang-ina. Kaya mabilis akong pumanaog. Tawa naman ng tawa si Nathan. Pati yung tawa nya pamilyar.

"Maligayang pagbabalik ho, Sir Jayce" bati sakin ng isa nilang housemaid. Ngumiti lang ko.

Teka? Pagbabalik? Ang sa pagkakatanda ko ay ngayon pa lang ako nakapunta dito.

Inilibot ko yung paningin ko sa kabuuhan ng bahay, sobrang laking chandelier ang nakasabit. May magagandang painting rin sa paligid.

Pero ang higit na umagaw sa atensyon ko ay ang isang Family Picture na nakasabit sa pinaka-sentrong dingding ng bahay. Lumapit ako. Doon ko nakita ang dalawang lalaki at isang bata.

Si Nathan, nakaakbay sakin. Habang si Noah naman ay napapagitnaan namin. Hindi matatawarang kasiyahan ang nasa mukha namin dito.

Pero paanong nangyari iyon? Ngayon pa lang ako nakapunta dito.

Bago pa ko makapag-isip pa ay biglang sumakit yung ulo ko. Kaya napasigaw ako.

"Papa!/Jayce!" rinig kong sigaw nina Noah at Nathan. Nanghina ang tuhod ko. Bumulagta ako sa sahig.

Nathan, mahal.

YOSI •manxman•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon