Chapter 3: "She's That Girl"

1.6K 24 1
                                    


(Monique Salvador's Point of View)

Maaga kong pumasok ng school, I'm one hour earlier sa clsss time ko, dumiretso ko sa org room namin, I'm the President of the Debate Club here, sakto wala pang tao, dito muna ko magiistay hanggang wala pang klase.

"Hello?" Napatingin ako sa pintuan ng makita ko si Jacob. Ngumiti agad sya pagkakita sakin.

"Ikaw pala Jacob, pasok ka." Ngiti ko sakanya. Pumasok sya at tumabi sakin.

Jacob Enriquez, Vice President ng Debate Club, isa rin sya sa mga ka-close ko dito sa school besides kila Mariel, kaklase niya rin si Hero at pareho silang section one.

"Bat ang aga mo ata ngayon? One hour before class pa ah."

"Oo nga, wala natripan ko lang pumasok ng maaga. Ikaw din ang aga mo." Matamlay akong ngumiti sakanya.

Nakakainis at mabigat parin ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kahapon lalo na dun sa paguusap namin ni Hero. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi niyang desperado ako at panget.

"Ang gloomy mo, may nangyari ba?" Tanong nya. Napabuntong hininga ko at umiling.

"Wala, nabobother lang ako diba sabi nila birds of the same feathers flocks together?"

Naguguluhan naman nya kong tinignan. "Uhh oo? Anong tanong yan?" Natawa sya ng bahagya, napatawa narin ako, ang cute talaga nitong si Jacob no wonder crush sya ng bestfriend kong lukaret na si Mariel.

"Kasi ikaw mabait ka naman bat yung kaibigan mo napakasama ng ugali?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magkwento.

"Sinong kaibigan?" Tanong niya. Napatingin ako sakanya, sasabihin ko ba?

Bumuntong hininga ko ng malalim. Si Jacob naman to, mapagkakatiwalaan.

"Si Hero, alam mo bang ang kapal ng mukha ng hayop na kaibigan mo na yun, oo crush ko sya, di ko naman tinatanggi yun. Pero ang kapal nya para sabihan akong panget at desperada sakanya!" Nakita ko ang unti unting pagbabago ng expression ni Jacob, mukhang naiinis na sya ngayon.

"He told you that? And what? You have a crush kay Hero?" Nahihiya akong tumango sa tanong niya.

"Oo Jacob, ang sama ng kaibigan mo bat ganun sya? Hindi naman ako desperada sakanya! At panget daw ako nakakahurt sya ng feelings! Oo mataba ako pero hindi naman ako panget diba?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na naman ako.

All this time I've been so insecure about how I look, lagi kong tinatago pero inggit na inggit ako kila Mariel na fit and slender yung katawan.

Damn Hero Morales!

Nagulat ako ng yakapin ako ni Jacob. "Ssshh Monique, tahan na, hindi worth it iyakin ang gagong yun, di ka nya kasi kilala kaya nya nasabi yun." Singhot lang ako ng singhot.

Nakakahiya ka Monique! Talagang umiyak ka pa. Niyakap nya lang ako hanggang sa tumahan ako. Mga 10 minutes din nya kong yakap.

"Sorry Jacob, nagusot pa tuloy yang uniform mo." Triny kong plantsahin yung uniform nya gamit ang kamay ko pero hinawakan nya to.

"Okay lang Mon, wala yun." Tinignan nya ko sa mata. May something sa mata nya, unlike Hero's eyes na singkit, bilugan ang kay Jacob at kulay almond brown. Umiwas ako ng tingin sakanya. Nakakailang kasi.

"Uhh sige na Jacob, pasensya ka na ulit ah, secret lang natin to ah? Alis na ko." Tumayo ako inayos ang gamit ko. Nginitian ko sya.

"Monique.." Tinawag nya ko, nilingon ko sya and I found him staring at me intently.

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon