(Monique Salvador's Point of View)"Moniqueeee! Sorry talaga huhu!" Sumalubong sakin si Mariel pagpasok ko ng classroom. Niyakap nya ko ng mahigpit. Natawa naman ako. May pagka-OA talaga tong si Mariel minsan.
"Okay lang ano ka ba, dinelete mo naman na eh."
"Pero kahit na! Ang kapal nyang Hero na yan akala mo gwapo, mas gwapo si Jacob!" Tuloy tuloy nyang salita, napatawa ako. She didn't even realize na nasa labas parin si Jacob.
"Monique una na ko." Paalam ni Jacob. Tumango lang ako kay Jacob at ngumiti.
Napatingin si Mariel kay Jacob at biglang namula, I heared her cussed at agad agad na bumalik sa upuan niya. Napatawa ko ng malakas sabay sabay kasi siyang inasar nila Claire.
"Ayieee! Mariel! Si Jacob oh nasa labas!" Asar ni Claire at Vanny.
Pumunta na ko sa upuan ko at inayos ang mga gamit ko.
"Mon, di mo manlang sinabi na nasa labas yung babe ko. Narinig nya ata yung sinabi kong gwapo sya!" Nahihiyang sabi ni Mariel. Natawa ulit ako pati na rin si Claire.
"Ayaw mo nun? Nageexist ka na sa world nya!" Singit ni Claire.
"Oo nga naman." Pag-sang-ayon ko.
Nagsimula ang klase namin at wala kong ibang ginawa kundi bumuntong-hininga. Ang boring kainis. Tinignan ko ang mga kaibigan ko, si Rigel ayun nagdradrawing ng kung ano, si Adrian naman inaasar na naman si Claire eto namang si Claire inis na inis na. Si Vanny nakikinig ng mabuti sa teacher namin ngayon, si Mariel at Sky nagkukulitan. Ako lang ba bored na bored dito?
Calling the attention of Miss Monique Salvador please go to the faculty room now..
Napatigil ako ng marinig ko ang pangalan ko sa speaker. Kung sinuswerte ka nga naman, maeexcuse ako!
"Miss Salvador, you may go now." Pagexcuse sakin ng teacher namin.
Nangiingit kong tinignan sila Mariel at binelatan lang nila ko. Pero teka, bat ba ko pinapatawag sa faculty? Wala naman akong ginawang masama ah! Bigla tuloy akong kinabahan.
*boogsh*
"Aray!" Natumba ako ng tumama ako sa isang pader ba yun? Wala namang pader sa gitna ng hallway!
"Sorry di ko sadya mabangga ka." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita and viola.. Hero Morales' face welcomed me. Kita ko rin sa mukha niya ang gulat. Muntik na kong mapairap.
Fck. Kalma lang Monique.
Iniabot nya yung kamay nya sakin pero di ko ito tinanggap. Wow ha. Bat ang gentleman nya naman? Wala sa ugali nya ah. Ay oo nga pala di nya alam na ako yung babaeng sinabihan nya ng panget at desperada.
"Let me hel--" I cut him off.
"De, okay lang ako, kaya ko tumayo mag-isa." Tumayo ako at pinagpag yung kamay at palda ko. Kumunot ang noo nya. What? May sinabi ba kong masama?
Hindi ko na sya hinintay magsalita at tumalikod na ko.
"Monique." Napatigil ako ng tawagin nya ko. Naramadaman ko yung dibdib ko na parang sasabog sa bilis ng tibok.
Lumingon ako sakanya kita ko sa mata nya ang guilt. So kilala nya pala ko? Akala ko hindi nya ko kilala.
Wtf. Kilala nya ko?!
"Kilala mo ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.
"Kahapon lang, tinuro ka sakin ng kaklase ko. I wanted to know you." Napaarko ang gilid ng labi ko.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan, mas bumilis yung tibok ng puso ko ngayon.
Am I really hearing this from him? He wanted what? To know me?
Napakurap ako, Monique calm yourself! Wag mo pahalatang kinakabahan ka sakanya!
"Bakit?"
"Anong bakit?" Tanong nya rin. Naningkit ang mata ko.
"Bakit gusto mo ko makilala?" Tumaas ang gilid ng labi nya. Para bang naaamuse sya sakin. He smiled, fck! That smile!
He reached for my hand, hindi ko na sya napigilan makuha ang kamay ko dahil masyadong mabilis.
"I'm very sorry for what happened Monique, kahapon palang gusto ko ng pumunta sayo at humingi ng tawad. I'm deeply sorry for saying such things to you." Seryosong sabi nya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Umiwas ako ng tingin at napakagat ng labi, fck I can't even look at him straight, feeling ko natutunaw ako!
And he apologized to me! Parang kanina lang galit na galit ako sakanya ngayon isang sorry nya lang natunaw na ang galit ko!
"Monique, please?" Tawag nyang muli ng di ako kumibo. Lumunok ako ng ilang beses.
"Y-You hurt my feelings." Napaiwas ako ng tingin. Ano ba yan Monique bat ka ba kinakabahan?!
"I know, and I'm deeply sorry for that. Let me make it up to you." Naguguluhan ko syang tinignan. He is looking at me with a grin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I want to be friends with you Monique." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. He want to be friends with me?!
"Bakit gusto mo kong maging kaibigan?"
"Because I know na mabuti kang tao, and what I did with you, the way I acted towards you was not acceptable, so let me make it up to you by being your friend." Napalunok ako.
He wants to be my friend. Tatanggapin ko ba?
"Please Monique? Will you accept my apology?"
Hindi ko alam pero napatango nalang ako sa kanya ng dahan dahan.
Ngumiti sya ng matamis sakin, yung ngiting halos mawalan na sya ng mata dahil sa pagkasingkit ng mata nya.
"Thank you Monique, san ka pala pupunta? Hatid na kita."
I smiled. "Ah sa faculty lang pinapatawag kasi ako." Sagot ko.
"Talaga? Sabay na tayo, pinapatawag din ako." Tumango ako at sabay kaming naglakad.
Habang naglalakad ay di ko maiwasang tignan sya, I can't nt believe this! Kaibigan ko na si Hero! Kaibigan ko na ang crush ko! Kung kanina galit na galit pa ko sakanya ngayon I can't help but feel giddy by the thought na magkaibigan na kami.
Is this normal? Normal pa ba tong nararamdaman ko para sa isang crush lang?
Umiling ako.
Naalala nya pa kaya ko? Three years ago.. naaalala nya pa kaya na sya yung tumulong sakin noon? Siguro hindi na.
Huminto kami sa tapat ng faculty room. Agad kaming dumiretso sa Principal's office.
Sinabi lang samin na ayusin ang kanya kanya naming section dahil ang section namin ang pinakamaingay. Pareho kaming VP ng sections namin.
"Hatid na kita sa room nyo?" Tanong nya sakin. Namilog lalo ang mata ko.
Tinaas ko ang kamay ko at umiling.
"Nako wag na, magtaka pa sila na kasama kita." Natatawang sabi ko.
I can imagine Claire and Mariel's face once na makita nila kami ni Hero na magkasama.
"Ayaw mo bang makita ka nila na kasama ko? Gusto ko rin magsorry sa friends mo dahil sa pagcomment ko sa status na nakatagged sayo." Umiling ako.
"Next time nalang Hero." Tumango sya.
"Osige, talk to you again soon." Ngumiti na naman sya.
Sht. Nakakainlove.
What Monique?! Nakakainlove?

BINABASA MO ANG
Crush
أدب المراهقينFEELINGS SERIES #1 It started out with a simple harmless crush, pero hindi inakala ni Monique Denise Salvador na yung simpleng crush niya ay lalalim pa, and what she didn't expect was the sleepless nights, tears and heartaches she felt because of...