Chapter 2

29 1 0
                                    

Maaga akong nagising to prepare myself for the first day of my class. Or should I say, hindi naman talaga ako nakatulog sa sobrang kabado na din. Napansin ko na medyo maingay na ng konti sa labas. Nung sumilip ako sa bintana, nakita ko na may mga female students ng nasa tapat ng main door sa dorm building ng mga lalake.

Ano kayang nangyayari? Sa isip isip ko. May relief goods bang pinamimigay dun o kaya naman audition sa PBB house ni Kuya at para puntahan nila ng napaka aga?

Pero hindi ko na lang muna pinansin yun at dumeretso na lang ako sa pag-aayos sa sarili ko. Umabot lang naman ng mga 2 and a half hours yung preparation ko, wala pang hilamos at tooth brush yun ah. 

Maya maya pa, natapos na din ako mag-ayos at lumabas na din ako sa dorm. Gusto ko muna kasi makapag libot-libot sa buong school bago magsimula yung klase. Pero habang tumatagal, napansin ko na kumakapal na ng kumakapal yung dami ng female students sa harap ng dorm ng mga lalake. Yung iba may hawak pang placards, yung iba may banner.. yung iba naman may mga tarpaulin na winawagay way. Kaya sa sobrang curious ko, lumapit ako dun para malaman kung ano yung nangyayari. 

"U-Uhmmmm.. Excuse me." Tanong ko sa isang babae. "Anong nangyayari dito?"

Lumingon siya sakin, kasabay din ng paglingon nung dalawa pa niyang kasama na babae. Infairness, ang gaganda nila ah. Toroy!

"And you are?" Tanong naman niya sakin na may pagmamaldita na tono.

"B-Bago lang ako dito sa school." Inabot ko yung kamay ko para makipag shake hands. "Morgan nga pala, by the way."

She chuckled. "Morgan, huh?"

Nang-aasar ba 'tong babae na 'to? Ayoko na, binabawi ko na yung makipag shake hands sa kanya. Nakakatawa ba pangalan ko para pagtawanan niya? Wala naman akong sinabi na clown Morgan diba? Pero I can't be that hot-headed too easily. Calm Morgan.. calm down.

"S-So.. anong meron dito? Bakit ang daming tao?"

"Gosh.. that's why I hate transfer students." Sagot naman nung girl #2. "Daig pa na parang batang tinuturuan maglakad."



"Well, this would be the best time para malaman niya yung patakaran natin dito sa school." Sabi naman ni girl #3. "Hindi naman natin pwedeng pabayaan na parang may asong kalye dito sa school na aanga-anga pagdating sa mga restrictions.. lalo na sa iPrinces natin."

Wow. Eh mga timawang echusera pala itong tatlong maria na 'to eh. Ang ayos ayos ko makipag usap tapos bastusan talaga?? Mga put-a-little-more pala sila eh.

"I'm warning you, Ms. Morgan.." Tinignan ako ni girl #1 simula ulo hanggang paa. "You better should know your place when it comes to our iPrince. Wag na wag mo silang lalapitan or yet titigan man sila. You're not even worthy to go near them."

"Teka nga, sino ba kayong tatlo?? Kung makapag-salita kayo sakin akala niyo mga pulis pangkalawakan kayo na pinaglalaban yung batas ah. Tsaka ano ba yang iPrince iPrince na pinagsasabi niyo? iPhone alam ko kasi yun yung cellphone ko." Toroy.. iPhone pa ang peg ng lola niyo.

"Ako si Brianne.. ang president ng iPrince fan club."

"My name is Mayumi.. vice-president ng iPrince fan club."

"And I am Erika.. m-member ng iPrince fan club."

Kaso, bigla na lang ako natawa nung pinakilala na nila sarili nila sakin.

"Excuse me.. at anong nakakatawa dun??" Tanong ni Mayumi.

Umiling naman ako agad. "A-Ah wala.. So.. kailan kayo mag vo-vault in?"

"WHAT?"

"Ah hindi! Ibig ko sabihin.. uhmmmm.. ano na ngayon yung magaganap dito?"

All of a sudden, bigla na lang nagsigawan yung mga female students. Pati yung tatlong maria na gusto pa atang agawan ng role yung power puff girls eh nakisali na din. At nanguna pa talaga. Syempre ako naman, sa sobrang curiosity ko eh talagang pinagsiksikan ko sarili ko na makapunta sa unahan para malaman ko kung ano ba yung nangyayari. At nung nakarating na ako sa unahan, nakita ko na naglalabasan na yung mga male students.

Ang gara nga eh. Ano ba 'to? Fashion show? Eh kaya naman pala ganito na lang mag abang yung mga female students kasi ang gagwapo nila at sobrang may mga ibubuga. 

Maya maya pa, biglang mas lumakas yung hiyawan ng mga babae nung makita nila na may lumabas na apat na boylet. Kahit din ako muntikan ng mapahiyaw kasi akala ko mga sikat sila na artista dahil sa sobrang kagwapuhan nila. Akala ko nga, sila na yung f4 ng boys over flower. Super fanatic kaya ako nun. Pero..

"Grabe.. sobrang gwapo talaga nilang apat 'no!"

"Pakasalan mo na ako Marco!"

"Kyaaaahh!! Ang gwapo mo Brennon!"

"I LOVE YOU ARTHUR!!"

"iPRINCE! iPRINCE! iPRINCE!"

Parang nag-slow motion yung mundo ko. Kahit na parang mga naka mega phone na yung mga bunganga nitong mga babae sa kakasigaw, hindi ko sila naririnig. Sobrang nagblurred yung paningin ko pero naka focus lang sa isang taong hindi ko inaakala na makikita ko sa ganung sitwasyon. 

"E-Eric."

The Boy Next DormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon