Chapter 3

29 1 0
                                    

Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit na ba nagmatured na yung itsura niya at sobrang nag-level up pa yung kagwapuhan niya, alam na alam kong siya si Eric. At kasali siya sa iPrince?

"ERIC!"

Sinigaw ko ng malakas. At infairness huminto naman siya. Pati yung tatlong kasama niya napahinto din sa paglalakad. Lumingon siya sakin at lumapit. Sobrang namiss ko siya. Yung excitement sa puso ko, halos hindi ko na mapigilan. Finally! Finally I meet him again.

"Anong tinawag mo sakin?"

"H-Huh?"

"I said.. what did you just called me?"

Tinitigan niya ako ng masama. Hindi ko alam kung ano yung dahilan ng pagtingin niya sakin ng ganun. As if my nagawa ako na sobrang karumal dumal sa harapan niya.

"E-Eric. Ikaw si Eric.. diba?"

Nagulat ako nung mas lalo niya akong tinitigan ng masama. Si Eric siya diba? Hindi naman ako pwedeng magkamali. Shonga shonga lang ako minsan pero alam kong yung Eric na kaharap ko ngayon, siya din yung Eric na tinitingala ko noon pa.

"I'm warning you. Wag mo ako tatawagin ng ganyan. You don't even know me." Babala sa akin ni Eric.

"P-Pero.. ikaw si Eric diba? Hindi mo ba ako naaalala? Ako 'to. Ako si Morgan. Yung kalaro mo dati. Wala ka bang naaalala tungkol sakin?"

He smirked. "Wala akong kakilala na desperadang babae na kagaya mo."

Tinalikuran na niya ako at lumakad na siya paalis kasunod nung 3 pa niyang kasama. Iniwanan niya ako na lahat ng atensyon, na sa akin. I was so speechless. It feels like I was shattered into pieces. Ano yung nangyari? Bakit nagkaganun? Hindi na ba niya talaga ako kilala? Hindi niya ba ako matandaan? Kinalimutan na niya ako?

"Tinawag siyang desperada ni Enrique."

"OMG. That's too embarrassing."

"If I know, ginawa niya lang yun para mapansin siya ni Enrique. Ang cheap."

"Buti nga sa kanya."

"Eeeww. She's gross. Scary."

Oo. Kahiya hiya talaga yung ginawa ko. Hindi ko inakala na ganito yung magiging resulta ng pagpapakita ko pa sa kanya. Ang tanga tanga ko talaga. Ilang taon kaming hindi nagkita.. kaya hindi imposible na hindi na niya ako makikilala.

"That's why I told you, sobrang hate ko yung new students. Masyado pang nagmamaganda." Bungad ni Mayumi na nakangising lumapit sakin.

"Ang bilis mo namang umakto na loser!" Sabi naman ni Erika tapos tumawa.

Bigla naman akong tinulak ni Brianne. "Hoy desperadang babae.. this is just a warning for now. Mas higit pang pagpapahiya yung gagawin ko sayo if ever I saw you go near to them again. You should be grateful na maganda yung mood ko ngayon, pero next time.. hindi ko na papalampasin yun. You should know your place.. desperate girl!"

Enrique's POV:

"Grabe.. sobrang gwapo talaga nilang apat 'no!"

"Pakasalan mo na ako Marco!"

"Kyaaaahh!! Ang gwapo mo Brennon!"

"I LOVE YOU ARTHUR!!"

"iPRINCE! iPRINCE! iPRINCE!"

The Boy Next DormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon