Chapter 1- I'm in

19.8K 326 4
                                    


Kaye's POV

Being a stylist/designer/boutique owner is a dream come true for me. Actually interior designer ako by profession but the dress is my life and shoes and bags and jewelry and hats... You get what I mean?

Habang nag-aaral ako ng college, nagco- customize ako ng mga bags saka shoes. Tapos ipopost ko online. Hanggang dumami na ang namimili, tapos naging made to order na. Doon ako nagsimula sa fashion industry. Yung mga shops ko na lang ang nagiging customer ko sa interior design.

Tapos nakilala ko sa Lise sa isang photoshoot which Trisha will feature on her Magazine.
From Trisha nakilala ko si Sam. Then sinama kami ni Trisha sa Country Club for simple party ng kakambal nya na member doon. Then it hits me... to open a shop inside this Country Club. That's where I met Cheska. And you knew how we met Marie... and now Kath.

Matagal tagal na din pala kaming magkakasama.

Ang nakakainis lang sa trabaho ko na ito ang mga brat na anak ng mayayaman na akala mo prinsesa kung magdemand.

"Bakit hindi kasya ang shoes? Sabi ko di ba I want this by today? I called you and you confirm you have my size." Maarteng pag-dedemand ng costumer namin sa boutique sa Greenbelt 3
"Ma'am sorry po. Try kop o sa ibang store namin." Sagot ng sales lady ko.

"What's the problem in here?" I asked.
"Ms. Kaye, your sales lady gave me size 7, my shoe size is 8." She replied like a brat she is.
"I am the who answered your call and didn't I told you we only have size 7 in here. I even told you to go to Trinoma if you really want those shoes." Mataray na sagot ko.
"But I thought you will extend your service by asking someone on Trinoma to delivery size 8 in here." Aba, minsan lang lumabas sa commercial akala mo sikat na.

"Then you thought wrong. Next time please respect my employee. You are not the one who give pay to them, so be polite." Tinalikuran ko siya at ang alalay niya.

Kapag naiimbyerna ako gaya ngayon, pumupunta ako sa Country Club. Doon kasi ang una kong shop. Nandoon ang mga sketches ko, ang makina ko, mga sample ng shoes.

Nandoon ang mga kaibigan ko.

Naging tambayan naming ang boutique ko sa Country Club. Nandoon kami lahat minus si Sam na nasa Uni at nagpapakasubsob na naman sa pag-aaral. Kasama naming si Yumi. Ang uber professional to the point na walang lukot ang unat na unat na slacks at blouse pati na rin ang naka frech twist laging buhok. They are finalising Lise wedding.

Trisha is preparing to leave for Nevada to be with Kian for his final year for NASCAR. Sana lang wag magpakasal doon.... Ulit.

"Ano na naman ang naencounter mo at busangot ka?" tanong ni Cheska.
Dahil weekdays, madalang ang mga tao sa boutique ko.

"Yung isang wanna be na hindi pa sikat meron ng attitude problem." Kwento ko.
"Sinabi mo pa." sagot ni Trisha. "Yung tipong, Pigrolac ang minodel pero may alalay agad sa mall."
"Demanding pa ang mga yan. Dinaig pa si Lisa Soberano na sobrang ganda na pero humble pa rin." Sagot ni Cheska.
"Mismo." Lise replied.

"Uy Marie, ano ginagawa mo diyan sa laptop mo?" Tanong ni Diane na karga karga si Cailee.
"Business proposal." Sagot nito na patuloy pa rin sa pagty-type.
"Para saan?" tanong ni Kath.
"Para sa inyo."

"Para samin?" sabay sabay na sagot naming lahat.

"Yeah. I am... Well, sabihin ko na nga. This is my proposed Hotel." Pinakita ni Marie ang design ng Mid-rise Hotel. Overlooking sa Taal.

"I already settle with Red about the land. I am planning to bought part of the land in here, yung malayo dito sa village, para gawing hotel."
"Bakit bibilin mo pa?" tanong ko.
"Para wala siyang say sa hotel it will be purely us kung papayag kayo sa proposal ko." Paliwanag ni Marie.
"OMG... So we will be partners?" tanong ni Lise.
"Yes. Equally shared partners." Sagot ni Marie.

Nagtilian kami. Napalakas yata at nagising si baby Gab.

"Tell us... Excited ako." Cheska said. "Iexplain na lang natin kay Sam...Ulit..."
"Yung hotel natin is not for short time...if you know what I mean. I want to build a 7-storey Hotel with small establishments sa paligid. Target ko yung mga family na nagbabakasyon, or yung gusto makita yung view natin pero dahil sinawing palad na babae sila at hindi makapasok sa Country Club without invitation, at least meron silang tutuluyan."
"Yeah true. Bakit nga ba panay lalaki lang ang members na pwedeng bumili ng lupa dito?" tanong ni Kath.
"It's their paradise as they said. Si Red ang may pasimuno noon para daw control nila yung mga babae na pupunta at hindi maging tambayan ng mga gold-digger." Trisha replied. "Yun ang explanation ni Tristan sakin."

"Hindi ko din maintindihan kung bakit so that's why I saw the opportunity to open a small part of Country Club to the public without sabotaging the privacy of members."

"Malayo sa village, malayo sa lahat ng facilities ng Club but still part of the club."


"I'm in." sagot ko. "I love this idea."     

Design for Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon