Nerd na Jade Clementine sa Media
Chapter 1:
Jade Clementine's POV
*Kriiiiiiinnnggggg Kriiiiiinnnnggggg*
"Hmm" Ungol ko dahil sa malakas na pagtunog ng alarm clock.
'Hayss ano ba yan ang ingay, kainis talaga itong alarm clock na ito'
*Kriiiiinnggggg kriiii-*
Umupo ako para patigilin ang nakakainis kong alarm.
'Wahhhh gusto ko pang matulog, Pero no choice na eh. Yaan ko na nga' pagrereklamo ko sa aking utak.
*Kusot kusot ng mata*
(O_-)
(-_O)
*Hikab*
Kinuha ko ang alarm clock na nasa tabi ng kama ko at tinignan kung anong oras na.
"Sheeemmmsss! (◎O◎) " Pagpa-panick ko dahil alas sinko na pala ng umaga. Paktay nanaman ako kila ate at kuya netooo eh.
Dali dali akong bumangon sa aking higaan at sinuot ang aking malaking salamin. Nagsipilyo din ako kase nakakahiya naman sakanila, baka lalo pa kong pandirian ng mga yon'. Pagkatapos ay agad na akong bumaba sa kusina para magluto ng makakain nila kuya.
"Damn!" Nagulat ako ng may biglang magsalita sa aking likuran, si kuya matthew lang pala, kala ko naman kung sino na.
"Bakit di ka pa nagluluto ng pagkain ha?! Dalian mo nga at nagugutom na kame!" Bakas sa boses nya na naiinis talaga sya sa akin.
"Pshh, Wala man lang GoodMorning o kaya naman Hello." Pabulong kong sabi para di nya marinig.
"What did you say brat?" Pagtatanong nito sa akin.
"Wala po sir" pagsagot ko naman sakanya. Oo, kahit magkapatid kame ay Sir ang tawag ko sakanya kase ayaw nya na tawagin ko syang kuya dahil daw wala syang kapatid na tatanga tanga at mahina.
Tumingin muna sya sa akin ng masama bago tuluyang umalis sa kusina. Ako naman ay nagsimula ng magluto ng kakainin nila.
Ay, Oo nga pala. Di ko pa napapakilala yung sarili ko. Well, My name is Jade Clementine Verano, 18 yrs old, 4th year college na ko. Actually ga-graduate na nga ako next year eh. Kilala ako bilang isang "Nerd" sa school namen dahil sa aking buhag-hag na buhok, malaking salamin at dahil na din sa mga pimples sa aking mukha. At ang Kaninang lalake naman na yun ay si Kuya or should I say Sir Matthew Lloyd Verano. Katulad nga ng sinabi ko kanina. Ayaw nya saken kase nga Nerd at mahina lang daw ako. Totoo naman eh. So tanggap ko na naman na di nya ko gusto na maging kapatid.
Pagtapos kong magluto ay pumunta na ako sa hapag-kainan upang ihanda at para makakain na rin sila ate at sina kuya.
"Arghhhh, Finallyyyy" Maarteng pagkakasabi ni ate charmaine atsaka binaba ang cellphone na hawak hawak nya.
"What took you so long peasant?!" Inis naman na sabi ni kuya michael saken. Samantalang si ate Charlotte naman ay di na lang umimik at nauna nang kumain.
Hindi ako sumasabay kumain sakanila dahil sinubukan ko na itong gawin dati ngunit nagkagulo lamang kameng lima. Kaya sa sariling kwarto ko na lang ako laging kumakain magisa.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na lahat ng pinggan na ginamit ko pati na rin ang mga pinggan na ginamit nila. Inayos ko na rin ang mga susuotin nila na uniform dahil mamayang 7 pa naman sila aalis. Atsaka 6 pa lang naman eh.
Kung susumain ay parang ako na yung naging katulong dito sa bahay namin eh. Dahil ako ang taga gawa ng lahat ng bagay na kailangan nila.
Pagtapos kong tapusin ang mga gawaing bahay na dapat kong gawin ay naghanda na ko para sa school. Ang pinapasukan naming school ay ang JG Royal East High. Walang kahit sinong estudyante ang nakaka alam ng ibig sabihin ng JG kahit nga ang mga staff ay di rin alam eh dahil di pa nila nakikilala ang tunay na may ari.
Nung nakapaghanda na ako para sa school ay sakto namang pagtawag ulit sakin ng malakas ni ate charmaine kaya dali dali ulit akong umakyat.
"Bitch, What did you do to my uniform?! Inis na inis na tanong nito. Kaya tinignan ko naman ang uniform nya. May itim ito na mantsa at tingin ko pa lang ay alam ko na, na mahirap iyon tanggalin.
"Ate di ako ang gumawa nyan" Pagtatanggi ko dahil di naman talaga ako ang gumawa nun.
"You liar, Ikaw ang gumawa neto kase naiingit ka sa mga damit ko na laging bago at hindi katulad ng iyo na mukha ng basura." Sabi nya ng may pandidiri sa mukha.
"Ate di nga ako ang gumawa nyan ba't ba ayaw mo maniwala sa akin ha?
"I won't believe you because you're just garbage. At isa pa dahil mamatay tao ka. And don't call me Ate because I'll never have a sibling who kills her own family member." Sabay sampal nya sa pisngi ko.
Agad ko namang naramdaman ang sakit sa pisngi ko at kasabay nito ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
I never did that. Di ko sya pinatay. They never believed me. And I know that they will NEVER believe me. Kahit na sarili pa nila akong kapatid
"What happened here?" Nagaalalang tanong nila kuya michael at kuya matthew sabay lapit kay Ate Charmaine.
"Look what that bitch did to my clothes" sabay pout naman neto kila kuya. Tumingin namen saken ng masama sila kuya. If looks could kill kanina pa ako naka handusay dito.
Nung tumingin naman sila saken ay agad kong pinunasan ang luha sa mata ko at dali daling tumayo at pumunta sa kwarto ko.
"Papaalisin nyo na lang sya ng ganun ganun lang?! What about my clothes?"
"It's ok princess we'll buy you a new one. And she's just garbage we can't waste our time on her" ayun ang huli kong narinig pagkatapos kong isara ang pintuan ng aking kwarto.
Sa Bahay pa nga lang gantong gulo na. Ano pa kayang mangyayari saken neto sa school?
Well. I guess di ako makakapasok ngayon. Hayss. Sabi ko sa aking isipan at sabay na nahiga sa aking lumang kama at unti unti na nga akong nilamon ng antok.
======================================
Author:
Hehehe. Sorry din po kung ang boring ng update. Sorry po kung ganun na agad sa unang update pa lang. Pero makikilala nyo na po bukas sa chap 2 si Nixon the Ultimate Playboy at ang bitchesang si Penelope.
Lovelots♥♥♥
YOU ARE READING
My Unlucky Fate
Ficção Adolescente"Kung di lang nangyari ang trahediyang yun at kung di lang kita nakilala edi sana maayos pa ang buhay ko! Sinusumpa kita Nixon Donovon Montecillo!!" -Jade Clementine Verano Jade Clementine Verano. Isang simpleng "Nerd" na mas...