"Hi, Ladies." Andrew said. Kung hindi nagsalita si Andrew siguro kanina pa ako nawala sa sarili ko. Eh paano ba naman kasi ang gwapo niya.Madison smiled. "Hey. Andrew right?" Andrew then nodded. Maria feels uneasy right now.
Tinignan naman ako ni Madison ng masama. "What?" Pagtataka ko.
"Eh kasi naman! Di mo pinapansin si Andrew! Kanina ka pa tingin ng tingin sa kanya." Napahiya naman ako. Sorry naman, di ko kasi alam kung paano magreact.
"S-sorry." At nauutal pa ako. Nako naman talaga. "No, no. It's fine, Alexa. Napadaan lang ako ng MOA and I saw you guys here." He said.
"Ah ganun ba." I said. Then he nodded again.
"Nga pala guys. Birthday na ng kapatid ko bukas, punta ka Andrew ha." Madison said.
Birthday na pala ni Kuya Mars bukas. Parang ang bilis lang ng panahon. Pero what the heck? Ini-nvite niya si Andrew?
"Alexa will just message you the exact address of the venue." Madison continued.
"Aight. Noted," he paused. "So paano ba yan? dadaanan ko pa ang mama ko. I'll see you tomorrow, I guess?" Pagpaalam ni Andrew.
"Bye, ingat ka Andrew." I said. He just winked as his reponse.
"Omg! bakit ang cute ni Andrew?" Tanong ni Madison. Ewan ko sa kanila.
Ng matapos kaming nagkwentuhan tinext ko si Butler para magpasundo na sa MOA. Nagpaalam na din sina 'Madison at Maria kanina lang dahil bibili pa raw sila ng gift para kay Kuya Mars bukas.
"Di ka pa sinusundo?" It was Andrew. Nasa starbucks pa kasi ako naka-upo. Dito ko raw kasi aantayin si Manong.
I smiled. "Di pa rin eh. Baka natraffic lang." Sabi ko habang tinatawagan si Manong.
"Hatid na kita." He offered.
"Wag na, papunta na si Manong." I said.
"Gabi na Alexa, delikado. And besides kanina ka pa tinitignan ng mga lalaki sa likuran oh." He said. Wala naman akong magawa kundi ang sumunod nalang kay Andrew.
-
"Uhm. Di dito ang daan patungo bahay namin, Andrew." Sabi ko sa kanya. Medyo kinakabahan na ako dahil parang dinala niya ako sa malayong lugar.
"Relax, Alexa. I'm not going to kidnap you." He said smiling habang nagdadrive.
Tinignan ko ang wrist watch ko and to my surprise it was already 9:30pm. Papagalitan na ako ni Kuya Alex nito. Kasi naman dapat before 8 nauwi na ako.
"Saan mo ba ako dadalhin?" I asked. Pansin ko lang parang nasa mataas kaming lugar.
"We're here." Sabi niya at hininto ang kotse. "Saan tayo?" I curiously asked.
"Sa tuwing masaya ako pumunta ako dito." He assisted me in opening the front seat's door tapos bumaba na ako. I was speechless, napakaganda ng lugar na to!
"Ang ganda naman." Nasa taas kami ng bundok na tanaw na tanaw mo ang mga city lights, mahangin, napakapeaceful ng lugar. at higit sa lahat napakaraming stars ngayong gabi.
"Kasing ganda mo, Alexa." He complimented. Bigla namang namula ang pisngi ko buti nalang gabi na di na masyado makita.
Inilapag ni Andrew ang isang piknik mat galing sa sasakyan niya. Naglabas din siya ng pagkain na nakalagay sa tupperware.
"Specialty yan ng mama ko." He said. Grabe naman ang perfect ng lugar na'to.
"Hinanda mo ba to? Lahat?" Pagtataka ko. Hindi kasi ako nainform eh.
He just nodded silently while busy preparing the foods. Saktong sakto lang ang hangin dito di na kelangan ng aircon.
"Alam mo, promise ko noon sa sarili ko ang dadalhin ko lang dito ay ang mamahalin ko habang buhay." Simula niya. Tinabihan niya ako sa pag squat ko sa mat.
"T-talaga." Wala akong masabi. Andrew is the sweetest. At baka sandali nalang mahulog na ako sa kanya.
"Mhm. At sabi ko kay Mama nakita ko na ang babaeng para saken." He continued.
Binigyan niya ako ng disposable plate at spoon and fork. "Sorry, ito lang ang nadala ko." He apologized.
"O-kay lang." Yan lang talaga ang nasabi ko. Ang effort naman ni Andrew ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam.
I started eating the adobong chicken and believe it or not ang sarap talaga! Kain lang ako ng kain, di pa kasi ako nakapag-dinner.
"Masarap ba?" tanong nya habang sinusubukan ko namang tikman ang porkchop nya.
"Ang sarap, sobra! salamat dito, Andrew ha. Di ko to inexpect." I said.
Andrew smiled. "Anything for you, Alexa." Bigla niya namang kinuha ang phone niya at kinuhaan ako ng picture.
"Ang ganda mo talaga, sobra."
Di ko alam kung lalamunin na ba ako ng land. Ang sweet kasi ni Andrew, di tuloy ako nakakain ng maayo dahil sino ba naman ang hindi na co-conscious.
"Hindi ka ba kakain, Andrew?" I asked. Para naman mawala ang awkward silence na namamagitan samen ngayon.
"I'll take the salad. Diet kasi ako ngayon, you know may upcoming event pa kami next week." He explained.
Oo nga pala. Naging busy na'rin kasi ang mga models para sa upcoming event namin next week. Next week would be the my last week of summer job at tiyak akong ma-mimiss ko ang mga models.
"Oo nga pala. S-sorry." I said. Agad naman niyang kinuha ang tupperware na may salad at mayonnaise katabj niya rin ang apple cider vinegar.
"Eh di ka naman mabubusog sa salad. Para kang kambing." I teased him. Nagstart na kasi siyang kumain ng salad niya.
"Sa gwapo kung 'to? magiging kambing? wag ka Alexa ha." Sabay tawa niya.
Matapos naming kainin ang mga nakahanda sa picnic mat namin ay naglibot-libot muna kami sa place. Ang ganda talaga ng view from the hill top. No wonder, hobby niya talaga ang pagakyat ng bundok.
-
"Thank you for tonight, Andrew." I said as I hopped out from his car.
He smiled. "Consider this night as a memorable one, rare lang kaya ako nagdala ng babae sa happy place ko." He explained. "I mean, ikaw lang ang babaeng nadala ko doon." He continued.
I smiled. "I'll always will. See you tomorrow at Kuya Mars' birthday. I had a great night." I said. Upon saying that nagwave na saken si Andrew papasok sa kotse niya. At ako naman hindi maitago ang nararamdaman ko.
Ganito ba talaga ang feeling na mainlove? Hay nako. Agad naman akong pumasok sa loob para makapagpahinga na, I checked my phone's time it was already passed 11:30pm.
"Where have you been?" Kuya Alex and Everson was there infront of me sitting on one couch.
I rolled my eyes. "I'm tired, bro. bukas nalang ako magpapaliwanag." I said habang unakyat patungo sa kwarto ko.
indeed, a beautiful night.