Chapter 1

19 4 6
                                        

Kyla POV

"Nay alis na po ako"

"Oh asan na naman ba ang lakad mo?" Nanay

"Tinawagan kasi ako ng isang kaibigan ko nay sabi niya may i.offer siyang trabaho"

"Anak di mo naman kailangan magtrabaho eh summer nga diba ibig sabihin kailangan mo magrelax" Nanay

"Nay, ayoko naman pong maging pabigat rito kahit summer wala nang pasok maghahanap ako ng part time job kasi po para pagdating ng pasukan may naipon na po ako"

"Anak.. 4th year college ka naman konting kembot nalang kaya pa namin yan tustusan ng tatay mo" Nanay

"Nay, nakakatamad din naman po rito kaya hayaan niyo nalang po ako para may silbi din ako kahit summer"

"Kung hindi ka talaga magbago yang isip mo sige basta wag mo lang papagurin yung sarili mo ha?" Nanay

"Opo nay, sige po mauna na ako"

At ayun umalis na ako sa bahay, sumakay ng tricycle para pumunta sa usapan namin ni Jean..

Summer Job Hunting muna ako ngayon para naman di lang ako tambay sa bahay, natutulog lang at kumain..

Nandito na ako sa People's Park at biglang may sumigaw..

"KYLA!!!!"

Lumingon ako kung saan galing ang sigaw na yun at nakita ko si Jean habang kumakaway at agad naman akong pumunta sa kinaroroonan niya..

Siya si Jean High School classmate ko kahit apat na taon na nakalipas hindi parin nawawala ang pagkakaibigan namin.. Naisabi ko sa kanya na kailangan kong maghanap ng trabaho pansamantala habang di pa pasukan, at ayun pag may alam siyang trabaho tinatawagan niya ako...

"Jean pasensya natagalan ako traffic kasi"

"Naku walang problema.. By the way about sa trabaho kahit ano ba gusto mo?" Jean

"Oo kahit ano wag lang yung di marangal ha.."

"Naku marangal to kaya lang nakakapagod at tsaka sobrang mahirap" Jean

"Construction worker ba yan??"

"Hindi.. Yaya slash Personal Assistant" Jean

"Dalawa?"

Naku naku isang trabaho lang yung hinihingi ko naging dalawa pa OMG

"Oo 20K a month" Jean

WHAT?? 20K as in twenty thousand pesos a month at tsaka 2 months lang ako magtatrabaho so may 40K na ako may pang tuition na ako!

"Ok sige kukunin ko yang trabaho sanay naman ako sa gawaing bahay eh"

"Sure ka?" Jean

"OO as in YES!"

Di na ako magdadalawang isip sayang naman kung palalagpasin ko lang...

"Kung ganun itetxt ko sayo bukas yung address dun tayo magkita kailangan ka kasi muna makita at mag.interview kay sir" Jean

"Ok sige sige salamat ha"

"Naku walang anuman pupunta kasi ako sa probinsya kaya ikaw muna papalit sa akin dun" Jean

"Kaya pala ang gara muna ah.."

"Hahaha de ne nemen mesyede.. O sige mauna na ako ah kailangan ko pa kasing mamalengke eh" Jean

"Sige salamat ulit"

Naku!! Sobrang yaman siguro nang amo ni Jean OMG! Wait may interview pala kailangan kong magpractice..

Pero bago umuwi pumunta muna ako sa paborito kong tambayan ang tindahan ni aling brenda

"ALING BRENDA!!!"

"Ikaw pala yan Inday!" Aling Brenda

Yeah Inday yung palayaw ko..

"Aling Brenda isang banana cue nga at..." Naputol kung sabi

"Isang buko juice na di lalagyan ng laman ng niyog" Aling Brenda

"Ayun buti naalala niyo aling brenda"

"Ako pa matalas pa kaya ang memorya ko inday" Aling Brenda

Habang kumakain ako sa hindi kalayuan may narinig akong isang iyak at nakita ko isang bata na mukhang nawawala na panay ang iyak...

"Aling Brenda pabili nga po ng Lollipop"

At ayun pumunta na ako sa bata na kanina pa umiiyak..

"Oh bata ba't ka umiiyak?"

"Im lost" sabi ng bata habang umiiyak

Wow english bes..

"Para hindi ka na iiyak ito oh lollipop" sabay abot nito

"Thank you" sabi ng bata habang pinupunas yung luha niya

"Anong pangalan mo?"

"I'm Christian" Christian

"Christian sino ba kasama mo na pumunta rito?"

"Im with my kuya" Christian

"Ok samahan ka nalang kita rito and we will wait for your kuya if lagpas isang oras na we will go to the barangay office ok?"

He nodded

At ayun naghintay na kami at halos kalahating oras na pero wala pa ring kuya ni christian na dumating..

"Where did you bought that lollipop by the way?" Christian

"Kay aling brenda gusto mo pa?"

He nodded

"Oh ito may isa pa ako rito"

"Thank you, by the way what should i call you?" Christian

"You can call me ate inday"

"Ate Inday? That's your real name?" Christian

"No, Inday is just my nickname my real name is.."

"CHRISTIAN!!" A voice.. Ano? Nahawa na ako Hahaha btw, isang sigaw na mula sa malayo ang nakakuha ng atensyon namin ni Christian

"Kuya!" Sigaw naman din ni Christian

Tumakbo yung isang lalaki papunta sa direksyon namin, isang matangkad, medyo may malaking katawan, maputing lalaki marahil siya na nga ang kuya ni Christian..

Agad namang yinakap ni Christian ang kuya niya habang umiiyak..

"Tayo na in a second time around sinira mo na naman schedule ko" Kuya ni Christian

"Im sorry kuya" Christian

"Tara na!" Kuya ni Christian

At ayun umalis na sila pero bumalik si christian at yumakap sa akin

"Thank you ate inday" Christian

"You're welcome christian"

"Christian!!" Sigaw ng kuya ni christian

"Sige na christian baka mapagalitan ka pa"

At umalis na sila sakay ng magarang kotse nila...

Ang sungit naman ng kuya ni christian nawala na nga kapatid niya pinagalitan pa tsk tsk tsk

At pagkatapos nun bumalik na ako kay aling brenda at pagkatapos kong kumain agad naman akong umuwi..

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon