Chapter 2

12 4 4
                                    

At ngayong araw na magaganap ang Interview!!

Kinukulit ko kagabi si Jean para bigyan niya ako ng konting pointers kung ano-ano ang mga tanong na sasabihin ng sir nila at kung ano dapat gawin kung kaharap ko na ito.. At mukhang medyo ready na ako, may halong kaba pero excited din 😂

Nagriritwal ako ng ano ano para mawala yung kaba ko sinuot ko pa ang lucky charm ko na bracelet para maging kampante ako..

Nag almusal na ako, nag on ng tv habang kumakain..

"Luh! Ang Gwapo talaga niya!!!" Synthia

Si Synthia kapatid kong babae at typical fangirl ba ka mo? Daig kayo ng  kapatid ko 😂

"Hoy Synthia ano na naman yang sinisigaw mo diyan?"

"Ate di mo ba alam? May bagong artista at tsaka ang Gwapo sobra" Synthia

"Naku di yan magtatagal basta walang abs at appeal wala yang patutunguhan sa industry ng pag aartista"

"Diyan ka nagkakamali ate hindi pa nga niya pinapakita abs niya, may pabraso na siya at appeal? Naku sobra sobra ate" Synthia

"Naku asan ba diyan? Wala namang malakas ang appeal diyan eh"

"Wait ate magfofocus yang camera sa kanya ngayon wait lang" Synthia

At maya maya pa biglang nagfocus ang camera sa isang tao..

"Yan ate yan!" Synthia

Parang pamilyar yang lalaki yan.. Nakita ko na ba yan? O baka ex ko hahahaha joke saan nga ba ko siya nakita? Urrrrggghh! Familiar...

"Ate? Ate? Ate? ATE!" Synthia

"O bakit?"

"Tulala ka.. Diba sabi ko sayo ate ang lakas ng appeal niya tagos sa tv" Synthia

"May potential pero di yan tatagal"

"Ang dami na kaya niyang fans agad sobrang dami at isa na ako dun" Synthia

"Iligpit mo na rito may lalakarin ako saglit"

Nagtoothbrush na ako, nag make up ng konti para naman presentable ako sa harap ng mag.iinterview sa akin..

Maya maya nagtxt na sa akin si Jean ang address at kinuha ko mga gamit ko at nag abang na ng tricycle..

Ilang minuto pa dumating na ako kung saan yung address na binigay sa akin ni Jean at may nakita akong 4 na babae sa may gate..

Nagtxt ako kay Jean na nandito na ako sa labas at maya maya lumabas na siya..

"Pumasok na kayong lahat" Jean

Lahat? Applikante din sila tulad ko?

Bumulong ako kay Jean

"Silang apat din ba ay mga aplikante?"

"Oo pero kaya mo yan" Jean

Napakamot nalang ako sa ulo ko.. Pumasok na kami sa loob ng bahay at WOW ANG GANDA NG BAHAY!! Parang nasa isang palasyo ako..

"Umupo muna kayo, akin na mga resume niyo ibibigay ko lang to kay sir" Jean

Sinunod naman namin si Jean at tsaka naaamazed talaga yung mga mata ko sa ganda ng bahay sana magkaganito din kami..

Ilang minuto pa isa isa na kaming tinawag para sa interview at buti im the last.. Parang confident yung mga kasama ko ako rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko dahil sa kaba.. Parang pageant lang search for best yaya in town 2018 jusko! Kaawaan sana ako...

At nung turn ko na di pa rin nawawala yung kaba sana di nalang ako nagkape kanina God help me..

Pumasok na ako sa isang kwarto at may nakita akong isang lalaki na nakatalikod at parang may kausap sa phone niya..

Sinara ko na ang pinto at tumayo lang naghihintay.. Medyo matagal din kasi mukhang importante talaga ang kausap niya..

"Oh nandito ka pa la please sitdown" Sir

"Thank you sir"

"I read your resume it's quite interesting and you're the one who recommended by Jean na pumalit sa kanya" Sir

I nodded and smile

"Why should I hire you?" Sir

"Sir kahit wala po akong experience sa pagiging maid pero sanay po ang buto ko sa gawaing bahay, maybe hindi ito sapat na rason para matanggap ako pero i assure you sir try me and you'll see"

Mukhang bastos yung sagot ko ha 😂 ito kasing kaba ko nakakataranta..

Biglang pumasok si Jean..

"Lando nandito na si sir luke" Jean

Ha? Naguguluhan ako..

"Ok sige sige, by the way miss tatawagan ka nalang namin ok?" Sir

At lumabas si Sir na tinawag ni Jean na Lando

"Kyla pasensya ha di yun yung boss namin assistant lang yun ni sir" Jean

"Ano? So yun na yun?"

"Oo tatawagan ka nalang ni Lando pag ikaw yung nakuha" Jean

"Ok sige sige"

At ayun lumabas na ako sa bahay nila at naglakad lakad nalang ako at disappointed talaga sa nangyari mukhang di ako matatanggap..

Sa paglalakad ko biglang may sumigaw..

"Ate inday!!!!"

Lumingon ako at nakita ko isang bata na bumaba ng kotse at tumakbo papunta sa akin

"Christian?"

At yumakap yung bata sa akin..

"Ikaw nga christian!"

At yinakap ko rin siya..

"Kumusta ka na?"

"Ok naman po" Christian

"Pauwi ka na? Dito ba sa village na to ang bahay niyo?"

"Yes ate" Christian

"Mabuti kung ganun"

"Ate I should go na" Christian

"Sige Christian pauwi na din ako mag-iingat ka ha"

"Nice to meet you again ate inday" Christian

At ayun bumalik na si christian sa kotse at ako patuloy na sa paglalakad..

Hahanap na siguro ako ng ibang trabaho mukhang wala na akong pag-asa dun sa inaapplyan ko..

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon