Chapter 3

5 3 2
                                    

Ilang araw na ang lumipas pero wala pa ring tawag na dumadating galing kay Lando at tsaka sabi ni Jean di daw niya alam kung anong dahilan..

1 week na yata ang lumipas mukhang kailangan ko nang maghanap ng ibang trabaho 😖

*clinnnggg 1 message

Baka yun ba yun emeeegeedd!!

Agad kong kinuha yung phone ko at binasa yung isang txt..

"Ang unli mo ay na-expire na mag load ulit para tuloy tuloy ang ligaya..."

Bw*s*t akala ko yun na yun wag kasing mag assume 😑

"Kyla!! May naghahanap sayo" sigaw ni nanay

"Nandiyan na po"

Bumaba na ako para tingnan kung sino yung naghahanap sa akin at kung ano ang pakay niya

Binuksan ko yung pinto at nagulat ako na si Jean pala..

"Jean ikaw pala"

"May pupuntahan ako diyan lang, kaya dinaanan nalang kita" Jean

"Ahhh.. Ano ba pakay mo?"

"Magsimula ka na bukas" Jean

"Ha? Anong sisimulan?"

"Ikaw yung kinuha ni sir na maging yaya na kapalit ko" Jean

"Talaga?? Talaga??"

"Oo at bukas ka na magsisimula ituturo ko lahat dapat mong gawin" Jean

I nodded

"At tsaka magdala ka na ng mga gamit mo ha" Jean

"Sige noted, maraming salamat"

"Sige alis na ako ha" Jean

"Sige maraming salamat ulit"

Kyaaahhhhh!!! Ako? As in ako? Akin yung Crown meegaadd!

"Ma!!!"

"Napano ka?" Nanay

"Buntis po ako"

"Ha? Sino ang ama dapat panagutan ka niya!" Galit na sabi ni nanay

"Relax nay joke lang po yun ang totoo natanggap ako sa trabaho!"

"Totoo na ba yan o joke na naman" nanay

"Totoo na po ito!"

"Talaga? Buti kung ganon pero sure ka na niyan?" Nanay

"Nay 2 months lang po ito tapos malaki laki yung sweldo sayang naman po"

"Anak di mo naman talaga yan kailangang gawin eh" Nanay

"Nay wag na po kayong mag-aalala hindi naman po ako susuong sa gyera, yaya lang ho"

"Ano pa ba magagawa ko.. Hintayin nalang natin yung mga kapatid mo at ang tatay mo" Nanay

Agad na din ako nagsimula magligpit ng mga gamit ko..

At ilang oras unang dumating ang kambal kong kapatid na lalaki si Mark Philip at si John Philip..

"Nandito na po kami" sabay na sabi ng dalawa

"Kayong dalawa amoy araw na naman kayo" Nanay

"Naku mga binata na kayo isip bata pa rin kayo"

"Ate 15 palang kami pag 16 na kami, dun binata na talaga kami" John

"Oo nga ate at tsaka buti pa si ate synthia may boyfriend na ikaw wala pa din" Mark

"Uy uy paano napunta diyan ang usapan? Mag half bath na nga kayong kambal ang dumi niyo!"

"Tama ate niyo kaya umakyat na kayo sa taas" Nanay

"Yan kase lalaro ng basketball hindi naman marunong"

"Anong hindi marunong? MVP tong kaharap mo" John

"At tsaka 3 pointer ako kaya don't underestimate our skills" Mark

"Hala nay! Di pa umaakyat ang kambal"

"Ito na po" sabi ng kambal

Pumunta na ako sa kusina para tulungan si Nanay sa paghanda mg hapunan namin..

"Anak kailan ka ba ulit magkaboyfriend?" Nanay

"Ma.. Ayoko muna sa ganyan"

"Anak marami naman nagkakagusto sayo di mo naman pinapansin" Nanay

"Nay, darating din ang araw na aabot ako sa ganyan pero sa ngayon pag-aaral muna"

At maya maya pa dumating na si Synthia na nagmamadali..

"Speaking of boyfriend ma nandito na ang magandang dalaga niyo"

"Synthia ba't nagmamadali ka?" Nanay

Nagmamadali siyang mag-on ng tv.. Napano tong batang to?

"Nay kasi naman may guesting si Luke sa isang show" Synthia

"Sinong Luke?" Nanay

"Naku nay, yun yung kinahuhumalingan ni Synthia ngayon yung bagong artista"

"Yun pala akala ko boyfriend niya" Nanay

At ilang sandali pa at dumating na rin si Tatay..

"Nandito na ako" Tatay

"Uyy tay buti nandito na kayo kahahanda na namin ni nanay ang hapunan"

At nagmano naman kami sa aming tatay..

"Synthia ba't di ka pa nagbihis?" Tatay

"Naku yang anak mo may bagong binabaliwan" Nanay

"Naku mas gwapo pa ako diyan eh" Tatay

"Naman tay, walang papantay sayo"

"Dumating na ba ang kambal?" Tatay

"Oo nandun sila sa itaas nagbibihis siguro yun" Nanay

"Kumain na po  tayo siguro?"

At ayun pumunta na ang lahat sa hapag kainan, bago kumain siyempre nanalangin muna kami sa mga biyaya na binigay sa amin at pagkatapos kumain kami ng hapunan at may kwentohan..

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon