Chapter 8 ♡

60 4 0
                                    

leaaannplanet's note : Yo colliders ! :) Pinalitan ng cute niyong author (echos lang) yung username niya ♥ hahahahhaha. Ge pagbigyan -___- 

Enjooy 

--------♡--------♡--------♡-------

Kathryn's POV

Sa totoo lang ? Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Siguro nagulat lang ako kasi akalaing kumakanta pala yung lecheng unggoy na 'yun.

"Ang drama mo po " sabi ko sa kanya ng natatawa-tawa pa. Ngumiti naman ito.

Tina-tap niya yung space na katabi niya na parang sinasabing 'Halika upo ka, tabi tayo' 

Alangan namang tumayo lang ako dito porebs? 

Itinabi niya yung gitara para makaupo ako.

Pagbibigyan ko muna ngayon tutal ngayon lang naman 'to. Kaya umupo na ko

 "Anong ginagawa mo dito??" tanong niya sa akin.

Seriously, Ewan ko nga kung bakit ako nandito eh. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya sinundan.

"Ah....eh hinanap ka."  simpleng sagot ko.

Nanahimik naman siya.

Ipinatong niya yung dalawa niyang kamay sa sandalan ng bench na parang naka akbay [A/n: Gets? :) ]  Tapos ipinikit yung mga mata niya habang naka tingala.

Masyadong nakakabingi yung katahimikan.

"May problema ka ba?" tanong ko. Ewan ko kung bakit. Nahawa ako sa page-emote nitong lalaking 'to.

"Wala." simpleng sagot nito.

" Eh bakit ka nagwalk-out kanina?" sorry curious lang ho. Peace

Hindi ito sumagot

 "Kung ano man 'yang nasa isip mo? O kung ano man 'yang nararamdaman mo, minsan dapat sinasabi mo rin sa iba. Masama yung magkikimkim ka ng problema." sabi ko. 

Napadilat ito ng mata pero hindi siya nakatingin sa akin.

"May naalala lang ako" sabi nito.

Bakas sa mga mata niya ang lungkot. Grabe ano bang nakain ko at nahahawa ako sa kanya? 

Naalala? Hmmmm? ano kaya yun?

"Mahal mo talaga siguro si Zharm no?" Tanong ko.

Napatitig siya sa akin. At kumunot pa ang noo.

Pero umiwas din siya ng tingin.

"Tsss hindi no" sabi nito.

??????

"Wala naman talaga akong minahal ng totoo" pahabol niyang sabi.

Nakikinig lang ako sa kanya. As in wala talaga? GRABE.

"Pare-pareho lang naman sila. Lahat sila iniiwan lang ako" So, ganon pala?

 Kahit pala ganito 'tong mokong na 'to, may pinagdadaanan rin pala.

"Alam mo, hindi naman lahat iniiwan ka. Andiyan ang mga kaibigan mo at pamilya. I know nandyan lang sila para suportahan ka. Darating rin yung taong magmamahal sa'yo, ay marami na pala hehehe. What I mean is yung nandiyan lagi hindi ka iiwan tiwala lang"  Oh 'di ba? Dakilang tagapayo lang ang peg ko? Ang haba ng speech ko

Two Worlds Collide™ ♡ (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon