Chapter 11 ♡

57 3 8
                                    

A/n : Hello Colliders! :D Enjoy my new update.

---------♡---------♡---------♡---------

Chapter 11 

 Julia Montes' POV

"Hoy Juls ! saan ka galing kahapon?" tanong ni Kath

Nandito kami sa room. Mamaya pa kasi yung assembly para sa flag ceremony.

Naka-upo ako dun sa upuan ni Julia at nakaharap kay Kath. Kakarating lang din namin

Kaya eto, kinukulit ako ng lokang 'to kung saan ba daw ako galing kahapon.

"Sa mall! Potek ang kulit mo ha!" Sabi ko.

Inirapan lang ako.

Tignan mo 'to, siya yung makulit na tanong ng tanong tapos siya pa yung may ganang mang-irap.

"Eh kasi sana sumabay ka nalang sa amin kahapon. Dun rin ho kaya kami pumunta. Ayan lutang ka kasi lagi"  Tapos kinurot niya pa ang pisngi ko ng kay pagkalakas-lakas. 

"Aray ha?! Nakakasakit ka na ho! Aray! Potek!" Ang sakit. Tinanggal ko kaagad yung kamay niya.

Kinuha ko yung face mirror ko , ayan namumula .

Binigyan ko si Kath ng isang matinding death glare.

"Sooorry poooo" tapos tumawa pa siya.

"teka, sino ba kasi yung kasama mo kahapon?"  Napatigil ako sa paghimas ko ng pisngi ko.

Eeeeeeeeeeeeeeeeeee! Nikikilig ako hahahhahahaha ♥ 

Parang lahat ata ng dugo ko umakyat sa mga pisngi ko.

"Montes?, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" nakapamewang na tanong ni Kath. Tapos nagtaas pa ito ng kilay.

Haaaaay Fine!.

"Halika nga dito" sabi ko.

"Bakit Trip ko dito sa upuan ko eh. Diyan ka nalang. Nakikiupo ka na nga lang sa upuan ni Julia eh" Ang arte ha? Aisssh

"Ayy potek!" Umalis ako dun sa inuupuan ko at lumipat doon sa upuan na katabi ni Kath.

Sa upuan ni Daniel.

Buti nga wala masyadong mga clowns dito kundi patay ako.

"Gaano ba ka-importante 'yang sasabihin mo at kailangan mo pang lumipat ng upuan at ibulong 'yan sa akin ha?" Pucha ang ingay talaga neto ni Kath eh.

"Quiet ka lang okay? Pwede bang tumahimik? O hindi ko nalang kaya ikuwento?" 

"Joke lang uy! Game na dali oh. Sino ba kasi 'yun?" At tumahimik rin siya.

Okay Juls, keri mo 'yan. Hingang malalim.

Inhale 

Exhale

"Juls, uso toothbrush"  Kath

Tapos tinakpan niya pa yung ilong niya.

"Potek naman Kathryn!"  Tapos hagalpak ang tawa niya.

Okay? Anong nakakatawa? 

"Ayoko na nga!"  Aalis na nga sana ko pero hinigit niya parin yung kamay ko.

"J-joke lang Juls. Hahahhaha. Ayiiee tampo na 'yan" tapos kiniliti pa niya yung tagiliran ko.

Tapos tinapik ko yun hahahaha.

Two Worlds Collide™ ♡ (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon