Chapter 13 ♡

41 3 0
                                    

A/n : Dedicated to her ♥ Salamat sa pagsubabay ng story ko pati sa mga feedbacks ♥ Thanks chabs :")

Anyway, Enjoy ♥

--------♡--------♡--------♡--------

Chapter 13 

 Kathryn's POV

"Kuyaaaaaa! Gising na !" Kasalukuyan kong ginigising ang kuya ko dahil inutos ng pinakamamahal kong mommy. Breakfast na daw muna kami.

"Kath naman, 5 minutes pa" Tsss si kuya naman oh. 

Teka? Biruin ko kaya?

"Kuya, nasa labas si Julia. Bilisan mo hinahanap ka" Bigla namang tumayo si kuya at inayos pa yung buhok sa harap ng salamin hahaha. Tapos agad-agad siyang bumaba. Sumunod naman ako

Pumunta pa siya sa sala tapos pumunta sa kusina

"Nasaan siya?" Tanong ni Kuya sa akin .

Pffft. Nagpipigil ako ng tawa baka mabatukan ako neto hahahahaha.

"Sinong siya Khalil? Halika na dito magbreakfast na tayo" Sabi naman ni mama.

Nagdeath-glare sa akin si kuya hahaha. Lul

Ang tagal ba namang bumangon?

"Ikaw talaga Kathryn. Pasalamat ka love kita kundi" bulong sa akin ni kuya hahaha

May gusto kasi talaga siya kay Julia simula palang. Kaso torps este torpe kase siya masyado hahaha.

Nginitian ko nalang siya at kumain.

Naalala ko tuloy yung election ng class officers. Sino kaya yung mga naelect? Naalala ko din tuloy si Padilla. Pagpasok kase niya sa room sinuot niya lang yung beats niya at nagbasa ng libro tapos maya-maya nakatulog na pala hahaha. Buti nagising siya sa ingay ba naman ng classmates k--- TEKA NGA?! Bakit ko ba iniisip yung unggoy na yon?

Aisssh panira ng mood. -_-

Daniel's POV

*Atchuu!  Pambihira naman oh -_-

Marami atang nakakaalala sa akin kaya ko bumahing -_-

Hirap maging gwapo.

"Tol tara na" Seth. Wala trip niya lang akong puntahan dito sa condo ko -_- 

Aissh ang aga pa eh

"Ge"

Fast Forward ~ At School 7:15 am

Kakatapos lang ng flag ceremony. Lahat kami nasa room na kaso wala pa si ma'am

"Excited na kong malaman yung mga naelect !" Ang aga aga ang ingay ni Juls -_-

"Ako nga rin eh. Tignan mo Juls! Ako ang magiging president!" Sabi naman ni Katsumi.

"Ewan ko sayo" sabi ni Juls sabay irap.

Ang ingay nilang dalawa puro nagtatalo. Si JC busy kay Gab, (Girlfriend niya) Sila Lester, Julia at Seth nag-uusap. Si Kath katabi ko nagbabasa. Ako bored -_-

"Andiyan na si Ma'am!" sigaw ng isa kong kaklase kaya naman nagsibalikan yung mga classmates ko sa mga kani-kanilang upuan. Haaay mga estudyante nga naman -_-

"Good morning class." Bati ni ma'am at binati rin namin siya pabalik.

"Oo nga pala you have a new classmate. Halika" At pumasok naman.

Two Worlds Collide™ ♡ (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon