Masarap na Masakit: Unang yugto.

12.2K 51 1
                                    

"Haaaay. Ang gwapo nya talaga noh? Ang sarap nya pang tignan.." Bulong sakin ng bestfriend kong si Ali.

"Gwapo nga pangit naman ang ugali.. wala rin. Tignan mo yan si Buboy, simple lang, masaya pa kasama, mabait pa... kaya lang..."

"kaya lang ano? oh, bakit hindi mo ituloy?"

"Wala, nevermind.." sagot ko sa tanong nya..

"Nako ha, tumigil ka na nga jan Hana, basta ako ang gusto ko si Darwin.."

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong nagustuhan ni Ali dun sa darwin nayon eh, bukod sa syempre sa maganda mukha at kutis nun.. Bali-balita naman sa school na madami nang nalokong babae yun eh at karamihan pa ng nabibiktima nya ay yung mga babaeng may gusto at patay na patay talaga sa kanya.. kaya naman ganun nalang ang takot ko para kay Ali. Bilang bestfriend nya, ayaw kong makikita ko syang naghihirap at nasasaktan ng dahil lang sa lalaking yun.. Baka kasi sa sobrang pagkagusto ni Ali sa lalaking yun ay mabilog sya agad agad parang bola lang..

Araw-araw bago kami umuwi ni Ali, nagpupunta muna kami ng court, susulyapan nya si Darwin.. player kasi yun ng school namin, tambay sa court, parang hindi na nga nag-aaral eh.

Isang araw, napag-usapan namin ni Ali si darwin habang naglalakad pauwi..

"Hana, tingin mo may pag-asa kayang maging magkaibigan kami ni Darwin?" tanong sakin ni Ali.

"Siguro, hindi ko naman alam kung nag-eentertain ng kaibigangf babae yun si darwin eh. Isa pa hindi ako interesado malaman.. Alam mo namang aya na ayaw ko dun sa lalaking yun.."

"Ito naman nagtatanong lang naman teh? Masama? Galit agad? Haha" Sagot sakin ni Ali.

"Nako ha, bakit mo naman natanong yan aber?!" Nagtatakang tanong ko sa kanya..

"Eh kasi.. uhmmm. kasi ano eh...." (Saglit na katahimikan ang bumalot samin..)

"Eh kasi ano Ali?!" tanong ko ulit..

"Kasi kinuha ko yung number nya ehh.."

Nagulat ako bigla.. Nahinto pero siguro isang segundo lang..

"NUMBER NI DARWIN?! Bakit mo naman kinuha yung number nun! Anong balak mo? Itetext mo sya? Tapos kakaibiganin mo sya? Tapos sasabihin mong may gusto ka sa kanya? Ha ganun ba ang balak mong gawin ha?!"

"Ang dami mo namang sinabi, syempre kakaibiganin ko lang naman sya. hindi pa naman ako ganun katanga para sabihin sa kanyang may gusto ako sa kanya.."

"oh eh mabutinaman kung ganun... eh pero kahit na!"

"Sige na pagbigyan mo na ko.. gusto ko lang talaga sya maging kaibigan.. hindi naman siguro masama yun diba?"

"Oo hindi nga masama, ang masama dun kapag na-fall ka sa kanya.. tsaka pano kapag nalaman nyang may gusto ka sakany, for sure lalandiin ka na nun, at sa kadahilanang may gusto ka sa kanya, mafafall ka na.. nako, alam ko na yan.. maniwala ka sa kin.. tapos mapapabilang ka dun sa mga babaeng pinaluha nya nang dahil lang sa mga kasinungalingan nya.."

"wow ha! grabeng advance talaga dapat? wala pa ngang nagyayari may resulta na agad? malay mo naman iba ang tadhana ko sa kanila.. hahaha"

"at nakuha mo pa talagang tumawa ha, sige nga, sabihin mo nga sakin kung anong pinagkaiba mo sa kanila?"

"Hmmmm. kaya kong paibigin si darwin.."

"Ha? anong sabi mo? paibigin?! Eh si chelsea nga binasura lang nya eh. alam naman natin kung gaano kaganda yun si chelsea, hindi pa din tumalab sa damuhong darwin na yon!"

" Grabehan lang makapagkumpara teh? Hahaha. basta watch me baby,  hindi naman sa ganda lang ng mukha nakukuha ang lalaki, may iba naman na sa ugali tumitingin.. Yung ibang babae kasi akala mo foundation day palagi.. kung maka-foundation sa mukha wala ng bukas? dinaig pa ang geisha sa red lipstick at sa puti ng mukha.. hahahaha" 

"Basta ako Ali, sinabihan na kita.. kapag nakita kitang umiiyak at tinanong ko kung bakit at sinabi mong sya ang dahilan, sasapakin kita!"

"Truelaloo? sasapakin mo ko?"

"gaga! syempre hindi noh.."

"Nakita mo lang.." confident na sagot sakin ni Ali.

"nagbago isip ko, tatadyakan nalang pala kita!"sagot ko sa kanya..

"Walangya ka talaga palaka ka hana.. hahaha" natatawang sagot ni ali sa akin..

Ganyan lang talaga kami mag-usap ng bestfriend ko.. Hanggang sa ayun nga, hindi ko sya napigilan sa gusto nyang gawin.. at hindi na din ako umeksena pa.. nagkakatext na sila nung darwin, halos araw-araw na yata. pero ang pinagtataka ko lang, hindi pa sya nilalandi ni Darwin.. Hindi ko alam kung bakit..

"Bakit kaya ganun si darwin kay ali.. di kaya may gusto din sya kay ali? kaya hindi nya ito nilalandi? o di naman kaya di nya type landiin si ali.. hay bakit ko nga ba iniisip yung mga ganun bagay.. (sandalingf napahinto si hana...) o di naman dahil kaya................"

(itutuoloy...)

Masarap na Masakit: Unang yugto.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon