Masarap na Masakit: Ang Pag-amin.

3.4K 12 0
                                    

Aaminin ko. Napahinto ako sa tanong ali sakin..

Hindi ko alam kung anong isasagot ko dun sa tanong nya..

Bigla akong naguluhan na ewan. Basta hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko sa kanya..

Parang gusto kong umiyak, pero naiisip ko, bakit ako iiyak?

-------------------

"ano hana? Bat di ka makasagot sa tanong ko?" tanong sakin ni ali..

"ali.."

"ano? Siguro tama ako, mahal mo pa din si darwin hanggang ngayon kaya sinekreto mo din sakin ang tungkol sa inyo dati diba?!"

"hindi naman ali eh."

"anong hindi naman ali eh. Umamin ka na! Huling-huli ka na, kunware ayaw mo sa kanya, pero ikaw pala tong patay na patay sakanya!"

"sige! Kung gusto mo! OO MAHAL KO PA SYA! Ano masaya ka na?"

sa sobrang inis ko nasabi ko na..

Dala ng init ng ulo ko, punong-puno na din ako sa mga sinasabi ni ali, alam ko kahit masasaktan sya. Mas magandang sabihin ko na din ang totoong nararamdaman ko kay darwin..

"tignan mo. I knew it! I knew it hana."

"pero ali wala na yun. Nakaraan na yun. Ang mahalaga ngayon yung kayong dalawa.."

"pero mahal mo pa din sya! And you lied to me! Tama na, hindi ko na kaya. Goodbye."

"ali, wait, wag kang umalis, pag-usapan natin toh."

"no, get rid of me! Wala na tayong dapat pag-usapan!"

------------------

hinayaan ko nang umalis si ali, alam ko one day, lalamig din ang ulo nya at maiintindihan nya ako..

Tama lang naman yung ginawa kong pag-amin.. Kaysa itago ko pa sa kanya.. Hay. Buhay. Bakit ka ganito...

Pati ang nakaraan, binabalik mo........

(itutuloy..)

Masarap na Masakit: Unang yugto.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon