Masarap na Masakit: Habol.

3.3K 25 6
                                    

Kina-umagahan, pinuntahan ko si Ali para ikwento yung nangyari kagabi..

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Ali kung magkekwento ako ng ganun. Baka naman kasi magselos sya sa nangyari. Pero kahit na alam kong may posibilidad na mangyari nga yun alam kong dapat ko pa ding sabihin sa kanya para masagot lang yung curiousity ko sa mga nangyari. Baka sakaling may alam si Ali..

Pagdating ko sa bahay nila Ali, nasa may sala lang sya, nanunuod ng dvd.

Wala si tita..

"Oh, darwin napadalaw ka?" Bati sakin ni ali.

"Ah kasi ali, may gusto lang sana akong sabihin at itanong sayo."

"Oh ano naman yun?"

"Pero magpromise ka sa kin na hindi mo lalagyan ng malisya yung sasabihin ko, nagtataka lang kasi talaga ako.."

"uhhm. o sige.. ano ba yun?"

"uhm kasi si hana, nagpunta sya sa bahay kagabi.. dinalhan nya ko ng ulam, tapos sabay kaming kumain, nagkakwentuhan din ng kaunti.. dun palang nag-iisip na ko, kasi hindi nya naman yun ginagawa netong nasa pinas na kami, tapos ang pinaka=pinagtataka ko pa talaga dun eh nung papaalis na sya.. sabi nya sakin, last time na daw yun, hindi na daw mauulit.. so nagtaka naman ako dun.. ano kaya sa tingin mo?"

"Ahm hindi ko alam, baka last time na nyang lalandiin ka."

"Ali naman.."

"Eh yun yung naiisip ko eh."

"try to think seriously naman.."

"eh masisisi mo ba ako?"

"hanggang ngayon pa din ba."

"oo hanggang ngayon pa din at sa mga susunod na bukas pa."

"ali. please. pls let your heart forgive your bestfriend."

"someday."

"hay ali, sige kung hindi mo ko matutulungan, aalis nalang muna ako."

"sige."

"sige ingat ka jan."

-------------------------------------------------------------------

Nagpasya na kong umalis bago pa ako mainis.

Baka naman kasi kung san pa mapunta yung usapan na yun at pag-awayan pa namin ni ali. Ayoko naman na mangyari yun..

So, bumalik ako sa bahay ko.

Sa kwarto lang ako nagstay at iniisip ko pa din yung mga sinabi ni hana..

hirap na hirap talaga akong isipin kung bakit sya ganun magsalita nung gabing yun..

I know lahat ng yun may meaning.

Hindi lang ako sigurado..

Napagod akong mag-isip. Kaya nagpasya ako na mag-ayos nalang muna ng mga gamit ko sa cabinet..

Habang tinatanggal ko yung mga gamit ko sa cabinet..

biglang may nalaglag na papel..

pagkatingin ko kung ano yun..

sulat na galing kay hana..

sulat na binigay nya sakin nung nasa ibang bansa pa kami..

tinignan ko yun, harap at likod.. tapos nag-decide ako na itago sya.

nilapag ko muna sa desk ko, at tinuloy kong ayusin yung cabinet ko...

siguro, mga 3pm na din ako natapos mag-ayos.

tapos umupo na muna ako sa harap ng desk ko para magpahinga kung saan nakalagay yung sulat..

binasa ko ule ito..

nung tinignan ko yung date 4-15..

habang binabasa ko yun, naka-idlip ako..

-------------------------------------------------------------------------------

bigla bigla akong nanaginip..

nakita ko si hannah.

may hawak na maleta

tapos nagbbye sya sakin..

-----------------------------------------------------------------------

nung maalimpungatan ako,

tinignan ko agad yung oras.

shit! isang oras din pala akong naka-idlip.

nagbihis ako agad agad.

at dali dali akong pumunta sa airport.

alam ko na,

alam ko na kung saan sya papunta..

babalik sya..

babalik sya sa lugar kung saan nagsimula ang lahat..

sa lugar kung saan kami unang nagkita..

(itutuloy...)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Masarap na Masakit: Unang yugto.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon