Napansin ko din kay migz na parang nanlalamig na siya sa akin yung tipong pumasok sa isip ko na yun lang yung habol niya sa akin na pagkatapos niyang gawin yon basta basta niya na lang ako iiwan.. sabi ko sa sarili ko " bat ba ako nag iisip ng ganyan mahal ko si migz at mahal na mahal niya ako"
Napansin ko na delay ako ng 3 months natakot ako.. Bumili ako ng PT ( Pregnancy Test ) nagpatulong pa nga ako sa best friend ko kung pano gumamit ee.. nang matapos kong gamitin nakakita ako ng 2 lines tinanong ko sa best friend ko kung ano yung ibig sabihin nun hinawakan niya ko ng mahigpit at sinabi na buntis daw ako.. nang malaman ko yun parang gumuho na ang mundo ko yung tipong nawalan ako ng pag-asa yung pumasok sa isip ko na wala na akong kinabukasan..
pumasok din sa isip ko na ipalalag ung bata or pa abort na lng pero nakokonsensya ako.. hindi ko alam kung ano gagawin ko takot na takot ako baka malaman ng mga magulang ko.. bka itakwil nila ako bilang isang anak.. paano na ako ngayon hindi ko alam ang gagawin ko.. sinubukan kong tawagan si migz ilang araw bgo ko siya makausap sa sobrang bc niya hindi dahil sa thesis kung di sa bagong GF niya.. nang makausap ko siya eto ang sabi niya..
Me: hon, may sasabihin ako sayo importante :'(
Migz: may sasabihin din ako sayo mas importante sa sasabihin mo..
Me: ano ba yun hon ?
Migz: hindi na kita mahal may mahal na akong iba.. sori sa mga nagawa ko..
.. yung sinabe niya un mas lalong gumuho ang mundo ko hindi ko alam ang gagawin ko parang gusto ko ng magpakamatay kasama ng baby namin..
Me: migz, hindi mo pwedeng gawin sakin yan..
Migz: bat ba ang kulet mu sinabe ko na hindi na kita mahal masyado ka pang bata para sa kagaya ko..
Me: migz buntis ako at ikaw ang tatay ng dinadala ko
Migz: sigurado ka ilang beses pa lang natin ginagawa yun mag pa check up ka para malaman mu ung sinasabe mong kabaliwan,..
Me: hindi 2 kabaliwan buntis ako 3 months migz at ikaw ang tatay
Migz: panong ako papalayasin at itatakwil ako ng mga magulang ko pag nalaman nilang nakabuntis ako ng batang kagaya mo baka hindi sa akin yan baka sa barkada mo yan baka may bf kang iba at sa akin mo binibintang ang nagawa niya..
nang sabihin niya yun parang naloka ako.. hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa mga magulang ko na buntis ako pano kung malaman nila ano kaya gagawin nila sa akin pano ko mapapalaki yung magiging anak namin kung ako mag isa ayokong lumaki ang anak ko na walang kinikilalang tunay na ama ayokong magaya siya sa akin ayokong mamulat siya sa kasinungalingan ..
napansin ng mama ko na ang lakas ko daw kumaen ng strawberry samantalang hate na hate ko yun pero ngayon daw naging favorite ko yun at vanilla ice cream.. nagulat ako sa sinabe niya at dito ako natakot sa sinabe niya..
Mama: krishia, bat hindi pa yata nababawasan ung binili kong napkin
Me: aa.. m-mama kc po,bumili po ako nakalimutan ko po na meron po pala kayong binili
Mama: sigurado ka ah.. ayoko muna magkaapo masisira ang beauty ng mama mo..
Me: ma, pano kung nabuntis ako sa ganitong edad ano po gagawin niyo sa akin ?
Mama: naku! wag mu ng pangarapin.. itatakwil kitang anak ko sisirain mo pamilya natin.
Me: ganun po ma, ikakahiya niyo ko bilang anak niyo
Mama: Ou.. kc parang hindi kita pinalaki ng maayos parang naging pabayang ina ako sayo anak,, teka! bat mo tinatanong yan..
.. nung sabihin ni mama sa akin kung bakit ko tinatanong un namutla ako nanlambot yung tuhod ko sa sobrang takot at sa sobrang pag iisip kung pano ko ito sasabihin sa knya.. natulala ako hndi dahil sa takot ko kung di dahil nagdadasal ako na sana bigyan ako ng lakas ng loob na sabihin ito sa mama ko ng maayos yung tipong hindi siya magagalet yung tanggap niya kung anong nangyari sa anak niya..
To Be continued... =)