"Pouring Rain" by UnderratedGirlAuthor - Review Part 2

23 2 1
                                    

           

WP Name: UnderratedGirlAuthor

Title: Pouring Rain

Word Count (per chapter): 1.6k to 2.2k

Genres: Teen fiction, romance

Mature?: No

Chapter No.: 3, 4, 5, and 6

LINK/DOCUMENT/PDF: https://www.wattpad.com/story/37300016-pouring-rain

Chapter Three:

Grammar and Spelling: Again, tenses. So far, yun pa lang naman ang kailangan mo talaga i-improve.

Format: Katulad din sa pagi-insert ng text conversation, ganoon din ang gagawin mo sa mga FB status. Leave at least one blank space para mas maging klaro sa readers.

Again, sa scene breaks. Leave either a blank space or kahit anong symbols para maipahiwatig mo na susunod na scene na.


Chapter Four:

(Short note: Pansin mo siguro umuunti itong sinusulat ko every chapter. Mayroong lang mga bagay na na-mention ko na in the past reviews. Para challenging, iniiwan ko na sa iyo ang responsibilidad na hanapin yung mga bagay na iyon at i-correct)

Grammar and Spelling: Kapag nagi-indicate ka ng action, palagi mong uunahin ang adverb sa verb. Example, imbes na I ate rapidly, gawing I rapidly ate. Remember, adverb before verb.

Nalilito ka rin siguro sa mga auxiliary verbs na ginagamit mo. Pati sa tenses na ginagamit mo sa mga auxiliary verbs mo. Kapag plural ang noun, pang-plural rin ang gamitin mo helping verb. I will give you an example from your own work:

His eyes (1) doesn't (2) have mouth but (3) it says something.

(1) Dapat don't ang ginamit mo. You only use does or doesn't if the noun is singular.

(2) Have a mouth. Nakalimutan mong isingit ang article na a, since iisang bibig lang naman ang tinutukoy mo.

(3) Since dalawang mata ang tinutukoy mo, 'matic na plural yan. Hindi ka gagamit ng it, since pang-singular lang siya. Gagamit ka ng they.

Kung ia-apply mo ang tatlong bagay na iyan, ganito na ang sentence mo: His eyes don't have a mouth, but they say something. Other than that, always use a comma before the words for, and, nor, but, or, and yet. (F.A.N.B.O.Y)

Tuloy tayo sa auxiliary verbs mo. Kapag past tense na ang auxiliary verb mo, hindi mo na kailangang gawing past tense pa ang verb mo. Katulad nito: Why did I said those words?

Did na ang ginamit mo, kaya unnecessary na gawin mo pang said and supposedly say.


Chapter Five:

Pareho lang sa Chapter Four, lalong lalo na yung auxiliary verbs.


Chapter Six:

Characters: Ngayon ko lang napapansin, pero dahil sa common mong paggamit ng unisex names, naco-confuse yung readers kung babae ba or lalaki. Specify mo. Bibigyan kita ng ehemplo.

Pagpasok ko ng room, narinig ko agad ang matining na tili ni MJ.

"SELINE!!!" sigaw ni MJ. She's my bestfriend since kindergarten. Buang, burara, pero maganda.

Kahit English, okay lang. I know, mahihirapan ka sa tagalog kasi walang gender-definite pronouns ang Filipino. Kaya gumamit ka nalang ng he at she.

Grammar and Spelling: Iwasan mong gumamit ng masyadong malalalim na salita, katulad ng palapulsuhan.

May mga iba kang Filipino words na nami-misspell. Katulad ng pakialam.

"The Road To 5/5." : Offering Free Services of Critiquing and ReviewsWhere stories live. Discover now