Celine's P.O.V
Tinitignan ko ang mukha ng binatang ito. Pamilyar ang boses nya. Parang narinig kona. Di ko makita ng maayos ang kanyang mukha. Dahil sa dilim o dahil sa blurry ang paningin ko gawa ng alcohol.
"Miss wag mokong titigan, baka't ako'y matunaw." Wika ng lalaking nasa tabi ko.
"Ahh. P-para kasing k-kilala kita." Asik ko.
"Uhmm. Ma'am' sir. Here's your orders." Singit ng Bar tender. Nakita ko namang binigyan ni- ano nang pangalan non. Basta binigyan nya ng tip yung Bar tender.
"Thank you." Sabi ng katabi ko.
"Cel. Here's your black currant." Sabay abot nya sa akin ng baso.
"T-thank you." Yan lang ang nasabi ko sa kanya. "So s-sino ka? Bat mo ako kilala?" Sunod sunod na tanong ko.
"La? Ang nag-i-isang Justin Fuente. Di mo kilala?" Wika nya habang natawa.
Loading..........
Loading..........
Loading..........
Yan ginagawa ng utak ko ngayon. Unti unti ko na syang natatandaan. Si Justin! Kababata ko!
"Ahhhhh! Justin! Ano ginagawa mo rito?!" Tanong ko.
"My Father owns this bar, right." Sabi nya.
"Ahhhhh. Sa inyo to?" Tanong ko.
"Ay hindi, kakasabi lang diba." Sagot nya.
"Hehe, sorry." Ayan nalang ang nasabi ko sa kanya. Oo nga kakasabi nya palang. Wala ka din utak minsan e ano Celine.
"Andon si Angel a. Sinabi kasi nya sa akin na andito ka daw." sabi nya.
"Uhm. Where's Ica?" Tanong ko.
"Andon nga." Biro nya.
"Ha ha. Funny. San don I mean."
"Tara."
At naglakad na kami papunta sa kinaroroonan ng bruha. Ayun nagsasasayaw sa gitna ng dancefloor.
"Ica! Come on. Let's go na. It's late na." Sabi ko.
Aba hindi parin ako pinapansin. Ayun nilapitan ko sya at hinawakan sa braso. Malakas na tama ng babaeng 'to. Kaylangan na harasin. Char.
"Tara na. Ica, lasing kana o." Wika ko sabay hila sa kanya.
"Wait please, I'm enjoying this night." Pigil nya sa akin.
"No. Uuwi na tayo. Kung ayaw mong malaman to ng parents mo." Wika ko sa tanong nagbabanta.
"Ughh. You're so kj." Di ko na pinansin ang sinabi nya.
Naglakad na kami papuntang parking lot ng Bar. Infairness maganda ang Bar nila Justin. Malaki ang space nito. Malinis ito kumpara sa ibang bars dyan.
Speaking of Justin.
"Just. Can you please drive us home. We didn't bring a car e." Pakiusap ko kay Justin.
"Ok." Sabi nya. "Come. Follow me." Sabi nya sabay naglakad sa isang magarang kotse. Siguro binilhan nanaman sya ng parents nya. Mayaman kasi talaga yan sila Justin. What he wants, he gets. Pero di sya spoiled. Gulo e.
Sumakay na kami sa kotse nya. Nasa likod naman si Angelica. Nasa unahan naman ako.
"So, Cel san tayo?" Tanong ni Just.
"Uhm. Kila Ica please. Dun kasi muna ako mag-i-istay." Sagot ko.
"Ah. Balita ko may pinuntahan parents mo a. Sa business. Kasama parents ni Axle." Sabi nya.
"Ah oo e. Kaya nga don muna ako mag-i-istay. Kasi sa amin nag-stay si Axle."
"Nasa inyo si Axle?!" Gulat na tanong ni Justin.
"Ahh. Oo bakit?
"Wala. Wala." Sagot nya.
"Asige."
Napuno ng katahimikan ang kotse ng biglang magsalita si Justin.
"Andito na tayo." Sabi nya.
"Asige. Thank you Justin." Wika ko.
Ginising kona si Ica na nakatulog na pala sa likod. Kaya pala ang tahimik ni gaga.
Papasok na kami ni Ica ng biglang mag salita si Justin.
"Bye!"
"Salamat Just!" Sabi ko.
"T-tenk yu." Bulong ni Ica na lasing na. Buti di ako sinuka-.
*bwaheaoblobkwnzha*
"Ay letse." Sabi ko.
"So-sori." Sabi ni Ica.
Tuluyan na akong sinukahan ni gaga. Hays.
"Tara na maligo ka don. Tas magpahinga kana." Sabi ko kay Ica.
"Osige."
"Bilisan mo ha."
"Opo." At pumasok na sya sa Cr.
"Hys. Makapagpalit na nga muna." Sabi ko sa sarili ko. At pumunta sa kwarto ko. Yep. May kwarto ako kila Ica. Syempre. Ako pa. Bestprend ih.
Pagkatapos kong magpalit ng damit. Pinuntahan ko si Ica sa Cr.
"Hoy ano? Tapos kana?" Tanong ko kasabay ng pag katok.
"Oo! Wait lang." Sabi nya.
"Hintayin nalang kita sa baba a."
~~~
a|n: so sorry sa short update. At natagalan po. Tatry ko mag P.O.V ng iba next chapter. Pero maikli lang. So sana po magandahan kayo.
Ps. Sorry sa mga mali. Beginner ih.
BINABASA MO ANG
Hatred Soulmate
AbenteuerCeline Forcepriana, ang babaeng walang inuurungan, ang babaeng gagawin ang lahat para sa taong mahal nya, ang babaeng kaya kang ipaglaban hanggang kamatayan nya, ang babaeng hinding hindi mo gugustuhing magalit, ang babaeng iingatan ka at papangalag...