Chapter Twenty-Nine// Partners.

1.2K 37 2
                                    

Cathy's POV

After that day hindi muna kami pinag tabi ni Ian for 2 days. Nasa kwarto ako nag-iisip. Kailangan kong makaganti! May biglang tumama sa noo ko kaya nawala ako sa concentration ko at napatingin sa unahan. 

Nakita ko si Ian na nakatitig lang sakin at ngumiti pero inirapan ko lang siya. Ayaw na ayaw ko talaga sa view nato...at least for now.

"Cathy, galit ka pa ba?" Bigla niyang tanong.

Tumango lang ako at nag isip ulit.

"Cathy, sorry na!" Sigaw niya kaya sinamaan ko siya nang tingin.

"Tseh!" 

"Miss na kita." Bigla niyang sabi na siyang ikinagulat ko.

"Ano sabi mo?!" Naiinis kong tanong.

Ngumiti naman siya na para bang nag-aasar kaya agad akong napasimangot.

"Eiih, kinilig siya!" Pang-aasar niya sakin.

Isinara ko nalang ang bintana ko at ang kurtina ko para hindi na siya makapang distorbo. Nakakainis siya uggh!

"Cathy! Mag merienda ka muna." Biglang sulpot ni Mama sa kwarto ko.

"Nice." Matamlay kong sabi at bumaba na para kumain.

Tahimik kami ni Mama habang kumakain ng merienda hanggang sa nagsalita si Mama.

"Anak, patawarin mo na si Ian."

"Mamaya na." Sagot ko tapos ininom ang juice.

"Mamaya? As in later?" Mama na excited na excited sa sinabi ko.

Napa sigh nalang ako at tinignan siya.

"Mamaya na kung hindi na ako galit." Sabi ko at umalis na.

Hindi na ako galit, gusto ko lang gumanti para quits na kami pareho.

Mamaya na kung makapag higanti na ako.

Pagbalik ko sa kwarto ko, napatingin ako sa kabilang bintana ko at nakita si Ian na nag ska-skateboard. Ino-obserbahan ko siya nang maigi and LIGHT BULB!

Napangiti ako nang masama at napansing may nakatitig na pala sakin...

"Oh shit." Sabi ko at nagmadaling umalis sa bintana.

Nakita niya ako! Nakita ako, patay na! Pano yung plano ko?!

Mayamaya kumatok si Mama sa pintuan ko kaya binuksan ko.

"Bakit po?" Tanong ko.

"May bisita, kaibigan ni Ian." Mama at umalis papunta sa kwarto niya.

Napabuntong hinga nalang ako at matamlay na bumaba papunta sa sala at andon nakita ko siyang tumitingin sa mga pictures namin.

"Anong kailangan mo?" Matamlay kong tanong.

Humarap siya sakin at ngumiti nang masama kaya umayos ako ng tayo.

"A-ano?!" Kinakabahan kong tanong.

"May plano ka!" Ken.

Yes, it's Ken! Si Ken na nakakita sakin na nakangiti na para bang may imu-murder ako mamaya!

"Oh ano naman dun?" Pagtataray ko sa kanya.

"Isali mo ko. Para friends na tayo!" Siya at umupo sa sofa nami.

"Hindi ko kailangan ang tulong mo. Aron masayod ka. (For your information.)" Sabi  ko sa kanya.

"Di diay ko bi! (Eh sa ayaw ko!) Gusto kong tumulong!"

Napa-irap naman ako sa kawalan at umupo sa tabi niya. Ang tigas ng ulo! Ba't ba ang mga kakilala kong bisaya dito eh matitigas ang ulo? Eh nung nasa Cagayan de Oro ako eh konti lang silang matitigas ang ulo?

"Sige nga, kung palpak to malilintikan kita!" Sabi ko sa kanya matching pakita ng fist ko sa kanya.

"Sure, ako pa!" Masigla niyang sabi at humarap sakin. "Anong gagawin natin?" Tanong niya.

"Skateboard ni Ian, sisirain natin in front of him!" Sabi ko at sinundan pa ito ng evil laugh. Bigla akong sinapak ni Ken kaya sinapak ko siya pabalik. Eh sa masakit!

"Mahal niya yun! Huwag yung skateboard!" Ken habang hawak-hawak ang parteng nasapak ko.

"Hindi naman talaga yung totoong skateboard yung sisirain natin! May luma akong skateboard, yun ang gagamitin natin!" Naiinis kong sabi.

"May design yung kay Ian." 

"Edi gayahin."

Sasambat sana siya kaso ngumiti siya nang masama, napangiti rin ako ng masama tapos nag fist bump kami.

"Make sure itatali mo siya, ah basta! Yung pipigilan mo siya while I do the rest of the work." Sabi ko with an evil smile.

"Sureee." Ken.

"Partners?" Tanong ko sabay lend sa kamay ko.

"Partners." Ken at nakipag hand shake sakin.


Lois' Corner: Ken at the top! My bias wrecker! 

My Naughty NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon