Ian's POV
Night time, kakatapos lang namin mag-dinner at kasalukuyang nagsho-shower si Cathy sa banyo kasi mainit daw. Tapos na rin akong naghalf-bath, sa CR sa baba na ako naghalf-bath para hindi ko na maisturbo si Cathy mamaya tapos ang tanggal niya rin sa banyo.
Bored akong nakahiga sa kama ko kaya napagisipan ko na mag-cellphone. Habang nag-scroscroll ako sa feed nang FB ko, biglang nag-notify ang phone ko na nag message si Josh kaya agad ko itong tinignan
Joshua: Nagpost ang school nang listahan para sa pumasa,
kasali si Cathy tapos may interview bukas.Ge, sasabihin ko sa kanya maya-maya. Salamat.
Dude, 'kala ko di tumatanggap ang school natin nang mga
bagong estudyante, lalo na pag Grade 12.Akala ko nga rin, pero buti nalang pumayag sila.
Ang sabihin mo, happy ka dahil makakasama mo siya. Ayiiie lover boii.
Ganda pa naman nang make-up mo kanina HAHAHAH kala mo di ko
nakita?!Huwag mo na akong guluhin, matulog ka na nga.
Sige,sige. Good night lover boii, mwuah! Love you!
Pakyo.
Napatawa muna ako bago ko ipinatong ang phone ko sa bedside table ko. Saktong lumabas naman si Cathy na naka-pajama at nagpapatuyo nang buhok.
"Pano ka makakatulog niyan kung basa pa ang buhok mo?" Tanong ko na nakakunot-noo.
Umirap naman siya, umiiral na naman ang pagtataray.
"Pinapatuyo na nga oh!" Annoyed niyang sagot at umupo sa tabi ko.
Napa-smirk naman ako bago umupo.
"Nagtatampo ka ba dahil hindi natuloy yung gagawin natin kanina?" Pang-aasar ko.
Agad namang namula ang mukha niya at hinampas ang towel sa mukha ko.
"Gag* ka! Diba sabi ko sayo, f-friends nga muna!" Nauutal at namumula niyang sabi.
"Sayang," Nakangisi kong sabi, "Mukhang ready na ready ka pa naman magpahalik kanina." Dagdag ko pa kaya pinagpapalo na niya ang braso ko.
Natatawa naman akong pinigilan ang kakasapak niya sakin, hawak-hawak ko na siya kaya huminahon na siya pero ang sama pa rin nang tingin.
"What? Totoo naman ang sinabi ko ah." Dagdag ko.
Marahas naman niyang binawi ang mga kamay niya at humiga na patalikod sakin.
"Bahala ka sa buhay mo! E-off mo nga yung ilaw, matutulog na ako." Naiinis niyang sambit.
"Okay babe." Natatawa kong sagot.
Agad akong tumayo para patayin na ang ilaw at nagmadali ding humiga sa kama para makatabi na siya.
"Cathy..." Mahina kong sambit habang nakatingin sa likod niya.
"Ano na naman manyak." Sagot niya.
"May interview ka bukas sa school." Sabi ko naman kaya agad siyang humarap sakin at nagulat pa nung nagkalapit ang mukha namin.
Kahit na medyo madilim, nakikita ko pa rin ang pamumula niya dahil sa ilaw ng buwan at ng poste sa labas. Hindi ko napigilang ngumiti kaya inirapan na naman niya ako.
"Pano mo nasabi?" Tanong niya.
"Tinext ni Josh sakin," Sagot ko naman at niyakap siya. Papalag sana siya kaso mas malakas ako e kaya hinayaan na niya ako. "Pasama ka?" Tanong ko.
"Okay," Deretso niyang sagot kaya kumalas ako sa yakapan namin para tignan siya na nang-aasar. "B-baka mawala ako, huwag kang f-feeling!" Namumula niyang sagot.
Napa-chuckle nalang ako sa pagka-defensive niya at di namalayang napatitig sa mga labi niya. Sht, kailangan ko talagang magpigil.
"Umiiral na naman ang pagkamanyak mo." Bigla niyang sabi at ngumiti.
Tinignan ko naman siya sa kanyang mata, her deep brown eyes staring back at me.
"I really want to kiss you right now." Mahina kong sabi.
Napatahimik naman kaming dalawa kaya nag-assume na ako na ayaw niya. Nabigla naman ako nang binigyan niya ako nang halik sa pisngi tapos nagtago sa ilalim nang kumot.
"What the--" Natatawa kong sabi at sinusubukang tanggalin ang kumot.
"No! Good night na!" Nahihiya niyang sabi at pinalo pa ang kamay ko.
"Dapat kong suklian yon!" Natatawa kong sabi.
Pero hindi nagpapatinag si Cathy kaya nagpailalim na rin ako sa kumot para makita ang mukha niya.
"The heck, Ian!" Naiinis niyang sigaw sakin nung nagkaharap muli ang mukha namin.
"What? I just want to see you, plus ayaw mong makita ang isang gwapong nilalang na katulad ko?" Pang-aasar ko naman bago siya niyakap.
"Ugh, okay na sana kaso pinairal mo pa talaga ang pagkakabagyo mo." Naiinis niyang sagot.
"Well, mahal ko sarili ko e." Sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. "At mahal din kita. Good night, love." Mahina kong sabi at pinikit na ang mga mata ko.
"I-Ian, stop hugging me!" Cathy sabay tulak palayo sakin pero hindi ako nagpapatinag.
"Just hug me back. Alam kong ginugusto mo rin to."
"Whatever!" Inis niyang sambit.
After a few minutes, napangiti naman ako nang naramdaman ko na niyakap na ako ni Cathy pabalik.
BINABASA MO ANG
My Naughty Neighbor
HumorNaughty Series # 1 { status: on going } Bagong lipat lang si Catherine at ang kapitbahay niya ay ubod nang gwapo pero super bad boy na si Ian. Story Cover By: -94princehun