Cathy's POV
Tahimik kaming kumain ni Ian sa hapagkainan habang ang mga nanay namin puro chika lang ang nalalaman.
"Ay! Oo nga, Cathy." Mader dear matching palakpak pa yan. Naku! Mader, mag mukha kang seal diyan.
"Po?"
"May trabaho na ako. Sabay kami ng Tita Cecilia mo." Masayang sabi ni Mama.
Ngumiti naman ako. "Wow, congrats." Tapos ay bumalik sa pagkain.
"Yun lang, nak?" Tanong ni Mama.
'Aba ano pa ba sasabihin ko?' Tanong ko na nagbigay ng instant award galing ka Mader. Dejk lang, sa isip ko lang yun.
"Wow! Amazing~ Galing mo mother dear! Libre ka mamaya ha?" Plastic kong sabi with a little bit of sarcasm.
Inis na inis naman si Mama sakin at nag action na tapunan ako ng kutsara niya na siyang tinigilan ni Tita Cecil.
"Ay, highblood mare, kalma ka lang." Tita sabay pakalma kay mader.
"Nako! Tung batang to'" Mama sabay pinapaypay ang sarili gamit ang kanyang mga kamay.
"Aba mare, nag congrats na nga yung bata, gusto mo pang magpadagdag nang sinabi. Aba ano ba sasabihin niya?" Tita.
Aba tumpak! YEZ, I LOVE NA TALAGA TITA.
"Huwag kang ngiti-ngiti dyan!" Suway si Mama sakin kaya ay nag peace sign nalang ako.
Naunang natapos si Ian sa almusal at nag volunteer pang siya na raw ang mag hugas sa mga pinagkaina na siyang ikinatuwa ng mga nanay namin.
Nung natapos na akong kumain, nilagay ko na ang pinagkainan ko at nag hugas ng kamay.
"Fairness." Sabi ko sa kanya.
"Shut up Cath." Seryosong sabi ni Ian habang sinasabon ang pinggan.
Tumawa naman ako tapos dinuro-duro pa siya sabay sabing. "Hahahaha! Guilty, guilty si Ian."
"Tumigil ka nga sa pang-aasar mo." Ian tapos tinulak ako.
"Eiii, Ian~ Guilty baby boy~" Pangungulit ko sa kanya.
"Tumigil ka, hahalikan kita!"
'Sige ba' Ew, Cathy, nahawa ka na sa pagka manyak nitong Ian na to.
Sasambat sana ako ng pumasok si Mama at may ibinigay na listahan.
"Huwag mong guluhin si Ian. Heto! Mag grocery ka." Mama.
"Mag isa?"
"Oo! Mag-isa!" Pagtataray ni Mama tapos umalis.
"MAMA NAMAN EH!"
Tumawa naman si Ian tapos siya na naman ang nang-aasar.
Ian's POV
Tapos na akong maligo at nagpapahinga sa sala ng bahay namin.
"Yan, gusto mo maligo sa pool?" Mama habang nagluluto ng desserts.
"Sige ba." Half-hearted kong sagot.
"Alam kong may pero." Mama habang inilagay ang cake sa oven.
Napa chuckle nalang ako at kinuha ang phone ko at ipinakita kay mama.
"Pero, kailangan nandito ang barkada. Game?" Nakangiti kong sabi.
"Game, basta iimbitahin ko rin sila Cathy at Tita Liza mo." Nakangiting sabi ni Mama.
"Ma." Nauumay kong sagot.
"Sige na Yan."
Hindi naman masama kung nandito sa Cathy. Hindi rin sa nakakasawang tignan o kausap. Baka kung ano magawa ng barkada ko sa kanya lalo na nung inasar niya si John, I'm 100% sure kawawa talaga siya pagsasama siya.
"Sure." Masayang sabi ko.
"Thank you! Hala! Pupuntahan ko muna sila!" Mama sabay alis.
Tinext ko naman ang barkada at matapos ma send ay napangiti ako ng masama.
*ting!
Tinignan ko naman ang mga reply ng barkada at napangiti.
[Joshua]
- Noice one dude! Kasama si Cathy? ;)
[John]
- Ge.
[Ralph]
- Sige ba, magdadala nalang ako ng pizza.
[Ken]
- Kasama ba si Cathy?
[To: All]
- Kasali si Cath, may gagawin ako mamaya, sali kayo?
[John]
- Game.
[Joshua, Ken, Ralph]
- Ge ba.
Muli akong napangiti nang masama at pumunta sa basement ng bahay at kumuha ng supplies na kailangan ko. Nang makumpleto ko na ay lumabas na ako.
"Patay ka sakin mamaya, Catherine."
BINABASA MO ANG
My Naughty Neighbor
HumorNaughty Series # 1 { status: on going } Bagong lipat lang si Catherine at ang kapitbahay niya ay ubod nang gwapo pero super bad boy na si Ian. Story Cover By: -94princehun