Napaluhod na lamang ako sa damo habang tumatagaktak ang pawis sa aking mukha
“Nasan na ba kasi ang daan palabas?” inis na tanong ko sa sarili
“Hindi ka na makakatakas pa dito!” sambit ng isang babae at mala-demonyong humalakhak na rinig sa buong kagubatan
“Ano ba kaseng kailangan niyo’t ayaw niyo akong palabasin?” paasik kong tanong at napairap
Ngayong araw dapat ang uwi ko sa amin, dahil iyon ang napagkasunduan namin ng mga kaibigan ko
FLASHBACK
Napagkasunduan namin mag-spin the bottle, sa akin unang tumapat ang bote at ang aking napili ay dare
“Ano nga bang papagawa natin kay patricia?” nakangising tanong ni jane sa buong barkada
Nagkumpulan sila at nagbulungan, nang matapos sila’y bumalik na sila sa kanilang inuupuan
“Patricia, alam mo ba ang Gates of Hell?” nakangiting tanong ni miko
Nakaramdam ako ng kaba ngunit isinantabi ko na lamang iyon at umiling
“Hindi.” tanging sagot ko na lalong nagpalawak ng ngiti sa kanyang mukha
“Ang dare namin sa iyo ay pumunta ka doon at dun ka rin magpalipas ng gabi!” nakangising sambit nito
END OF FLASHBACK
Napatingin ako sa babae na nakatingin na rin pala sa akin bigla itong napangisi na nagpatindig ng aking mga balahibo
“Pinasok mo ang Gates of Hell at ang nag-iisang patakaran dito ay pagpumasok ka hindi kana muling makakalabas pa.” malungkot itong ngumiti na pinaltan agad ng ngisi
Guni-guni ko lang siguro habang umiiling
“Hawakan mo to at sumakay ka dyan!” utos niya sa akin, binigay niya sakin ang isang broomstick at napilitang sumakay doon
Unti-unting umangat ang aking paa at napangisi ako
“Huwag mong isiping tumakas gamit ang bagay na iyan kung ayaw mong mamatay ng maaga!” may pananakot nitong sambit
‘Nababasa ba niya ang iniisip ko?’
“Oo, kaya huwag kang magtatangkang tumakas kung ayaw mong mamatay agad.” nakangisi niyang sagot
“Saan nga pala tayo pupunta?” tanong ko sa kanya
“Babalik na tayo ulit sa Gates of Hell.” sagot nito habang malawak na napangisi na muling nagpatindig sa aking balahibo'
Unti-unting bumalot ang kaba sa aking buong katawan at mga tanong na nakapalibot sa aking isipan
Nang makarating kami sa Gates of Hell ay tinuro sa akin nun babae ang aking kwarto, hindi ko na pinansin pa ang iba niyang sinabi at dumeretso na lamang sa kwarto’t dali daling humiga dahil sa pagod
Nang makaramdam ako ng antok ay tuluyan na akong nakatulog
YOU ARE READING
Gates of Hell (ONGOING)
Misteri / ThrillerPotions. Wands. Demons. Witches. Magic. Ang 'Gates of Hell' ay isang pampublikong atraksyon noon na tinatawag na 'Gates of Heaven' ngunit sa bali-balitang ang mga taong pumapasok dito ay hindi na nakakabalik pa dahil sa pinapatay ito. Ito'y ginawang...