Chapter 1: Memories

1 1 0
                                    

Masaya kong nilalaro ang isang manika. Maya-maya ay nakita kong tumatakbo ng mabilis ang mama ko papalapit sa akin. Takot na takot si mama. Umiiyak siya.

"Jzaisha! Tumakbo ka na anak!"-sigaw ni mama tapos humagulgol.

Ano ba ang sinasabi ni mama? Bakit? Bakit siya natatakot?

Nagsimula na ring magkagulo ang mga tao. Maraming nagsisigawan, maraming nagsisitakbo at hinahanap ang kanilang pamilya.

"Ano po ba ang nangyayari??"-tanong ko tapos napaiyak na rin dahil sa taranta. Biglang nawala sa paningin ko si mama

"Mama!!!"-I shouted and then everything went black.

.....................................................

Hayst. Nanaginip na naman ako.
No, It was a memory. Di ko makakalimutan ang araw na iyon kung kailan nasira ang lahat.

I sighed tapos tumayo. Nakatulog na naman ako dito sa ilalim ng puno.

Nag-inat ako tapos dinampot ang bow at arrow na nakalapag sa damohan.

Sakto namang tumunog ang orasan sa sentro nitong bayan. Alas tres na pala ng hapon.

Kanina pa akong ala una nandito, nagsanay kasi ako sa paggamit nitong pana.

Napatingin ako sa mataas na metal na pader na nakapaligid dito sa district 8.
"Makakalabas rin ako dito at iisa-isahin ko kayo."-I grinned

Papanain ko na sana ang labas ng wall nang bigla kong maalala ang kapatid ko. Kailangan ko na palang umuwi.

Nagmamadali akong tumakbo papalabas sa kakahoyan. Hindi naman ito gaanong malawak pero maraming hayop ang nandito. More than enough para sa pagkain ng mga tao sa bayan na ito. Meron ring fishpond sa kabila kung saan naman nangingisda ang mga tao.

Sa lugar na ito simple lang ang pamumuhay namin, but we're not happy. Dahil sa mga walls na ito, we're isolated from other districts. May 17 districts sa bansang ito but sa pagkakaalam ko may district nang tuloyang nalagas because of the undeads. Lahat ng tao doon ay infected na.

Every district ay mayroong 12 na bayan kaya naman masasabing mas dumami na sila ngayon. At dahil diyan mas lalong lumalaki ang chance na tuloyang mainfect ang iba pang distrito. More chances of losing humanity.

Mabilis kong narating ang bahay namin. For the past 6 years halos walang nagbago sa hitsura ng bahay pero It was never been the same simula noong mawala sina mama at papa. Wala na yung masasayang tawanan namin. Wala na yung pakiramdam ng pagmamahalan bilang isang pamilya. Wala na.

Pagkapasok ko ay tinitigan ako ng mabuti ni Jane. Mukhang kagigising niya lang.

"Ate saan ka po galing?"-tanong niya while rubbing her eyes...

"Sa gubat."-I answered

Ngumiti lang siya tapos yinakap ang ang braso ko. She's only 9 years old pero masasabi kong matangkad siya.
She's  adorable at maganda ang kanyang blue eyes. Mahaba naman at kulot ang kanyamg brownish na buhok. Malayo sa greenish kong mata at dark blue kong straight na buhok.

"Ate nasaan na yung pasalubong?"-she asked sweetly tapos nagpuppy eyes.

"Ofcourse di ko makakalimutan yun. Here."-sabi ko tapos inilapag sa mesa ang paborito niyang red velvet na cupcake.

Ang totoo niyan mahal ang cupcake na iyan. Limited kasi ang source ng pagkain dito sa bayan at di kami pwedeng lumabas.

Her eyes sparkled dahil sa tuwa.

"Wow! Ate salamat!"-she said and grabbed the cupcake and took a bite.

"Sige Jane, pagud si ate eh. Magpapahinga lang ako."-sabi ko tapos naglakad na papunta sa taas.

"Sige po ate."-sagot niya na halos nagkalat ang icing sa mukha niya...

I smiled tapos pumasok na sa kwarto ko.

Inilapag ko ang pana sa mesa pagkatapos ay humiga sa kama.

Absent minded akong nakatingin sa ilaw sa itaas.

Ano kaya ang ginagawa namin ngayon kung sakaling...kung buhay pa sila?

Tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang kaliwa kong kamay.

*Deepbreath*

Kahit naman gustohin ko wala na akong magagawa. Wala na sila. Matagal na silang wala.

Inalis ko ang nakapatong na kamay sa mukha ko.

Pagkatapos ay dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko.

....................................................

"Ma! Ma nasaan ka na?!"-sigaw ko habang umiiyak

Halos mabangga na ako ng ibang mga tao.

Lumingon lingon ako para mahanap si mama pero di ako humakbang ni isa.

Everyone was crying out loud.
Everyone was in great fear.

Umiyak nalang ako nang umiyak hanggang sa makita ko si mama na nakadapa sa di kalayoan kung saan nagmumula ang mga taong nagsisitakbohan.

"Ma?"-me

Hinang-hina si mama habang patuloy sa pag-iyak.

Tuloy tuloy na rin ang pag-agos ng mga luha ko.

Sa munti kong mga paa ay nilapitan ko si mama.

"Anak! Huwag kang lalapit! T-tumakbo ka na! A-Anak!"-sigaw ni mama pero tila nabibingi ako

Napuno ng iyak at sigawan ang paligid, pati narin ang pag-iyak ko.

Bago pa man ako tuloyang makalapit kay mama ay nagulat ako nang makita ko sila. Ang mga kakaibang nilalang. Nakakatakot sila. Mas mataas sila ng kaunti sa tao. Nanlilisik ang kanilang berdeng mga mata. Matutulis ang mga ngipin at at namumutla ang balat.

Bigla akong nakaramdam ng takot.
Napatingin ulit ako kay mama.

"Anak! Anak umalis ka na!"-sigaw niya

Pero di ako makagalaw sa kinatatayoan ko. Nanghihina ang buong katawan ko.

Mama.

Biglang hinila si mama ng mga nilalang na iyon at tuloyan na siyang nawala sa paningin ko.

"M-mama!!! Mama!!!"-napaiyak nalang ako habang nakatayo parin doon.

Nakaramdam ako ng lungkot, ng galit, ng matinding galit! Gusto kong gumanti! Gusto kong lumaban! Kinuha nila ang mama ko! Galit ako sa kanila!

May lalaking dumampot sakin.

"Bata halika na!"-sigaw nito tapos kinarga ako...

"Aaaaaahhhh!!! Ibalik niyo ang mama ko!"-sa sobrang galit ko ay ibinato ko sa kanila ang dala kong manika.

Muntik na kaming maabotan ng mga nilalang na iyon pero agad namang naisolate ang kalahati ng bayan dahil sa mga harang, sa mga pader.

Pader na hanggang ngayon ay nandiyan parin. Nandiyan parin para ihiwalay kami.

.......................................

Those memories keeps on bothering me. Sila ang parating laman ng mga panaginip ko.

Kaya naman kahit ilang taon na ang nakaraan simula nang mangyari iyon ay ganun parin ang hinanakit na nararamdaman ko.

Tumayo ako tapos tinitigan ang larawan namin.

Ma, Pa, sisiguradohin kong maipaghihiganti ko kayo. At sisiguradohin kong wala nang matutulad sa akin. Ayokong may masaktan na naman. Pinapangako ko po yan.

—————–——————————
Nagustohan niyo po ba yung first chapter??

Hahah hope so.
Medyo maikli nga lang siya. Yung susunod siguro mas mahaba. :3

Anyways, sino mga anime lovers diyan? Kaway kaway mga Otaku!! Wooooaahhh! Mag ingay!!! Ahahaha ;)
Hello rin sa mga Kpop at Jpop!! Hart hart!

-See you in the next chapter guys!! ahehe :3

BlueWingedOtaku17 out~

The Undead Battle Game (Undead Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon