Chapter 2: The Game

0 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa pamilihan, bibili kasi ako ng pagkain namin mamaya ni Jane.

Hmmm...may bronze coins pa naman  ako dito galing sa kita ko kahapon sa paghuhunt ko ng mga hayop sa gubat.

Bronze ang may pinakamaliit na halaga at gold coins naman ang may pinakamalaking halaga. Meron ring silver coins, mas malaki ang halaga nito kaysa sa bronze.

Ano kaya ang masarap iulam ngayon? Hmm...

Patingin-tingin lang ako sa mga stall ng mga pagkain. As usual maingay dito sa pamilihan. Maraming maaaring mabili dito kahit na limited lang ang source namin dito sa ika-labingdalawang bayan sa district 8.

"Oy hija, bumili ka na nitong gulay. Sariwa ito, kaaani palang!"-sabi ng isang babae na nasa 40's na.

"Magkano po ba ito?"-tanong ko tapos ininspeksyon naman ito kung sariwa pa talaga.

"Limang bronseng barya lang iyan. Murang-mura."-sabi niya

Ano ba yan sampong barya nalang ang nandito sakin. Bibili pa ako ng para sa agahan.

"Naku, pwede po bang apat barya nalang?"-me

"Ha? Eh...Oh sige sige."-sagot niya tapos inayos na yung mga isda.

"Salamat po."-sabi ko habang iniaabot niya yung plastic bag sa akin.

Pagkatapos ay naglakad ako papunta sa isang restobar.

Di naman ako mag iinum dito, di pa kasi ako in legal age at saka ipinagbabawal rin yan kapag minor de edad pa.

Madalas akong tumambay dito kasi dito nagtatrabaho yung kaibigan kong si Aira and pag-aari rin ito ng tito niya.

Umupo muna ako tapos hinintay siya.

Maya-maya ay lumabas na siya mula sa kusina dala-dala ang tatlong bote ng alak at pinaghahagis-hagis ito na parang nag jujuggling.

Ayan. Nagpapakitang gilas na naman siya. Ampf

"Oh Ysha, ano ang sadya mo dito? Makikipag-inuman ka ba?"-natatawang tanong niya habang kumukuha ng silya tapos umupo na.

"Tch. As if naman umiinum ako."-sabi ko sabay cross arms.

"Whatever. Alam mo ikaw, ang kj mo talaga! You never do something fun except sa pakikipaglaro sa kapatid mo. Hmmp."-sabi niya tapos nagcross arms rin.

Ayy? Nag emo si lola niyo oh. -_-

"Drama mo ha? Eh atleast ikaw 18 years old ka na, legal age ka na. At saka alam mo namang di talaga ako bubbly na tao."-me

"Owws?? Talaga ba, Jzaisha Hazley??"-pang-aasar niya habang inilalapit yung mukha niya sakin...

"Ilayo mo nga yang pagmumukha mo sakin."-medyo naiiritang sabi ko sabay tulak sa mukha niya palayo. Di naman kami magkaaway, ganito lang talaga kaming magkaibigan kalag naglalambingan. Hahah weird ba?

"Alam ko namang deep inside bubbly ka. Naaalala ko nga noong mga bata pa tayo ikaw yung madalas na magyaya sakin na maglaro sa labas! Haha, ang kulit kulit mo nga noon eh. Palagi kang nadadapa sa sobrang hyper mo. Hayy naku, such precious memories."-feel na feel na pagkukwento niya habang nakatingala pa sa bobongan at natatawa...

Napahinto siya nang makita akong tahimik lang at nakatingin sa ibaba.

"Oy Ysha, ok ka lang ba? May nasabi ba akong masama? Naku, malamang naalala mo na naman. Sorry ha? Ang daldal ko talaga. Sorry talaga Ysha."-hinawakan niya ang kamay ko

Nagsmile naman ako sa kanya.

"Okay lang naman ako. Wag kang mag alala."-me

She sighed in relief at bumitiw sa mga kamay ko...

The Undead Battle Game (Undead Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon