Chapter 3- The Game 2

0 0 0
                                    

Tahimik lang akong naglalakad. Kagagaling ko lang sa Barangay Headquarters at ngayon naman ay papunta ako sa simbahan.

Luckily, natanggap ako. Registered na ako. Magiging player na ako ng Undead Battle Game.

Alam ko na na makikipaglaban kami sa mga undead sa labas but weird yun ah. I mean, marami sila. Papaano naman sila mauubos?? Papaano may madedeklarang panalo?? Hmm. Malalaman ko rin naman yan pag pumunta na kami sa District headquarters.

Siya nga pala...oo...paano ako nakapagregister?

Well...di naman talaga ako si Jaira Anderson. I'm Jzaiha. Pero dahil 17 palang ako which means di pa ako pwede, gumawa ako ng paraan.

...................

[Flashback]

"Alam ko na Aira! Alam ko na ang dapat kong gawin!"-bulalas ko sabay hawak sa mga kamay niya...

"S-sana pumayag ka..."-I looked in to her eyes...

"Ha? Ano yun Ysha?!"-gulat na tanong niya.

I cleared my throat and started to whisper.

"Aira, hindi ba wala namang nakakakila sa tunay kong pangalan dito sa bayan? Ysha ang tawag sa akin ng iba at ang alam nila ay nickname ko lang iyon. Ikaw naman, Aira ang pagkakakilala ng iba sa iyo. Pero hindi ba ako lang at ang pamilya mo ang may alam sa tunay mong pangalan? JAIRA ANDERSON, hindi ba?"-me

Napatulala naman siya habang sinasabi ko iyon...

"O-oo nga. Oh tapos?"-tila nagugulohang tanong niya

"Walang may alam sa mga tunay nating pangalan. That means I can use your real name since legal age ka na"-bulong ko pa sa kanya

Huminto naman siya at inisip ang sinabi ko...

"So...ibig mong sabihin na magpapanggap ka bilang ako? Bilang...Jaira?"-she asked confusely

"Shh. Hinaan mo lang ang boses mo baka may makarinig. Oo tama, ganun nga."-me

"Pero...hindi ba pandaraya tong gagawin natin?"-Aira

Napatahimik muna ako dahil sa sinabi niya.

"Eh...wala naman tayong inaapi dito di ba? We're just exchanging names para lang maipaghiganti ang mga magulang ko. Masama ba yun? Mali bang maghangad ako ng katarungan? At saka buhay ko naman ang itinataya dito eh."-me

"A-ahh..."-napansin ko sa mga mata niya na nakafeel siya ng guilt.

"Oo tama ka, sorry. Sige pumapayag na ako. Basta siguradohin mo lang na babalik ka."-Aira

Tumayo ako sa kinauupoan ko tapos yinakap siya.

"Salamat bestfriend. The best ka talaga."-I almost cried

"Hayy naku tama na nga yang kadramahan natin."-hinimas niya ang likod ko

"Pero teka...paano naman yung kapatid mo?"-napabitaw ako dahil sa tanong niya.

Pambihira naman oh -_- kung kailan nagdidiwang na ako saka naman ito dumadagdag ng problema. Aira talaga oh. Tsk. Pero anyway mabuti ring pinaalala niya ang tungkol doon sa kapatid ko. Di ko nga pala siya kayang iwanan nalang ng basta basta.

Pero... Hayssst ano ba ang magagawa ko? Kailangang may magbanbantay o mag alaga sa kanya...isa lang naman ang naiisip kong tao...

Tinitigan ko si Aira at ngitian. Sinamahan ko na rin ng puppy eyes at medyo kunting kunting a little slight na pagpapacute...

"Hmmm...di na umuubra yan."-nagcross arms siya tapos nagtaray

Patuloy lang naman ako sa pagpapacute sa kanya.

The Undead Battle Game (Undead Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon