Kabanata 3

549 8 0
                                    

Kinabukasan ay lalo akong natuwa dahil nagising akong katabi pa rin si Charlie at mahigpit na nakayakap sa akin habang tulog. Pumikit akong muli at nangingiting sumiksik pa lalo sa kanyang dibdib.

I want to savor this moment.

Sa mga nakalipas na buwan ay masyado akong kinain ng sarili kong mga takot at ngayon lamang ako nakaramdam ng ginhawa't paglaya mula sa mga ito. Ang simpleng pananatili niya sa tabi ko ngayong umaga ay naghatid ng kakaibang seguridad sa akin.

Naramdaman ko siyang gumalaw at narinig ko ring umungol kaya naman ay tiningala ko siya para tignan. Nakita ko siyang unti-unti nang nagmumulat ng mga mata. Inihanda ko na ang aking matamis na ngiti, gusto kong ito ang una niyang masilayan sa umaga.

"Good morning love!"

"Morning..." Aniya sa namamaos pang boses, ngumiti din siya at pumikit muli matapos akong bigyan ng isang halik sa noo. Bumangon ako ng kaunti at umusog paitaas upang pumantay sa kanyang mukha.

"I love you..." Salubong ko pagkamulat niya nang maramdaman ang aking paggalaw. Nakita ko ang kanyang pagngiti sa aking sinabi kaya naman ay napunta ang atensyon ko sa kanyang mga labi. Hindi ko napigilan ang sarili, pinatakan ko siya ng isang mabilis na halik sa labi. Lalong lumapad ang kanyang ngiti at hindi ko inasahan nang habulin niya ang aking labi.

We kissed as though we haven't kissed in ages, not minding how our breaths smell.

"I love you too." Sagot niya matapos nang pinagsaluhan naming halik.

Napangiti akong muli sa hindi na mabilang na pagkakataon. This is such a wonderful start for a long day!

Natigilan ako sa naisip at agad na nilingon ang orasan. It's already 9 in the morning! Nataranta ako at agad na bumangon.

"Get up! Late ka na sa trabaho. Go take a shower now, ihahanda ko na ang susuotin mo and I'll prepare you coffee and bread na lang for breakfast then dadalhin ko nalang din dito." Nilingon ko siya nang marinig ko ang kanyang tawa. Nangunot ang noo ko nang nakitang nakahiga pa rin siya at ni hindi man lang gumalaw.

"Dalian mo na kaya! Late ka na! 9AM na baka may meeting ka pa."

Natawa siya ulit at hinila ako. Napasalampak ako sa kanyang dibdib dahil sa kanyang ginawa.

"Ano ba!" Reklamo ko at pinilit tumayo ngunit hila hila niya pa rin ako kaya masyadong mabigat.

"I'm not going to work today..." Masuyo niyang saad. Natigilan ako sa pagpipilit bumangon. I think I didn't quite hear what he said. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya ng may nagtatanong na ekspresyon.

"What?" Natatawa niyang tanong nang makita ang aking reaksyon.

"Come here and let's cuddle some more..." Aniya ngunit para talaga akong nanigas kaya hindi ko siya sinunod.

"You are not going to work?" Inulit ko ang kanyang sinabi sa hindi pa rin makapaniwalang tono. Umiling siya at pilit muli akong hinihila pahiga.

"You heard it right the first time, love. Hindi ako papasok sa trabaho. I wanna spend this day with you. It's 'you and me' time..." Bumagsak ako pahiga nang tuluyan akong magpatianod sa kanyang paghila dahil lubos akong nanghina sa kanyang sinabi. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata kaya naman ay niyakap ko siya ng mahigpit upang hindi niya makitang naiiyak ako.

Halos manatili lamang kami sa loob ng aming kwarto buong maghapon. Ginugol namin ang oras na nakahigang magkayakap sa ilalim ng kumot habang nagkukwentuhan o di kaya naman ay nanonood ng pelikula mula sa television sa aming kwarto. Maging ang pagkain ay pinaaakyat na lamang namin sa katulong.

Downward SpiralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon