Wakas

1K 25 22
                                    

Walang mag-aakala na ang isang matapang at matatag na babaeng gaya ni Suzanna ay magagawa iyon. She has always been smart and tough. Hindi naisip ng sinuman na magpapatalo ito sa kahit anong pagsubok sa buhay.

"Did you know why?" Malamig na tanong ni Armando sa matalik na kaibigan ng kanyang anak na si Dhin. Humikbi ang huli at nagsisising tumango.

"I'm sorry, Tito..." sagot ni Dhin sa basag na boses. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil hindi niya natulungan ang kaibigan. Wala siyang nagawa upang pigilan at iligtas ito.

Alam niyang mali na ang paraan ng pagmamahal nito. Nakita niya kung paanong handa itong tanggapin lahat ng sakit para lamang mapasaya ang asawa. Hindi niya pinilit ang kanyang opinyon dahil ayaw niyang pangunahan ito. Hindi niya pinakialaman ito kahit na iyon ang tama at dapat niyang gawin. Hinayaan niya dahil malaki ang tiwala niya nang sabihin nitong kaya nito.

She trusted that her friend can handle the pain and that was where she went wrong. She forgot that Suzanna was only human who can only take enough. She never imagined she'll give up like this. Not like this.

"Then why, Dhin?" Seryosong tanong ni Sigmund.

He still get shivers every time he remembers when he found his sister. He wants to know why his sister said those words. He will never forget how sorrowful, tired and painful she sounded. Wala siyang alam sa pinagdadaanan ng kapatid ngunit sa mga huling binitiwan nitong salita ay damang dama niya ang hirap nito.

Tahimik ang lahat na nakinig sa ginawang pagkukwento ni Dhin tungkol sa mga totoong nangyayari sa buhay ni Suzanna at ni Charlie. Sa sobrang bigat ng pakiramdam nila ay wala ni isang nagsalita.

Sigmund's jaw clenched several times in deep anger. Naisip niyang kaya pala. Mas malinaw ngayon ang lahat para sa kanya.

Nanatili namang walang reaksyon si Armando, nakikinig lamang at iniisip ang posibilidad na hirap na pinagdaanan ng anak. Hindi niya mapapatawad ang gumawa nito kay Suzanna. Galit siya ngunit ang tanging makakapagsabi noon ay ang kanyang mga kamaong mariin na nakakuyom.

"We didn't think something was wrong with them...she never said anything..." ani Criselda sa mahinang boses. Muli na naman siyang naiyak dahil natanto niya kung bakit nagawa ng anak ang bagay na ito.

Alam niya ang hirap ng damdamin ng anak sa tuwing mabibigo ito sa pagbubuntis. Alam niya din kung gaano nito kamahal si Charlie. At ngayong nalaman nila ang nangyari sa dalawa, hindi niya lubos maisip ang pinagdaanan at naramdaman ng anak.

Suzanna must have felt so miserable and alone. Hindi niya masisi ang anak sa ginawa nito sa sarili dahil naiintindihan niya ngunit hinding-hindi niya matatanggap ang naging pagkukulang nila bilang pamilya nito.

They weren't there when she needed them the most. As her mother, she should have asked, should have tried to reach out even when she thought that everything was okay because she knew...She always knew how those failed pregnancies shook her daughter's faith.

"Suzanna..." tanging nasambit ni Criselda sa paghihinagpis.

Ang dating puso ni Suzanna na puno ng pagmamahal at pag-unawa ay unti-unting pinamahayan ng takot. Natutong magalit at magtanim ng sama ng loob.

The rejections and failures she felt easily etched on her weakened heart. She started questioning her faith as well.

Bakit sa lahat ng taong pwedeng makaranas ng mga bagay na ito ay siya pa? O kaya naman ay bakit kailangan pang iparanas sa kanya ang mga bagay na pwede rin namang mawala, bawiin o ibigay sa iba?

She was robbed of all the good things but she still chose to give her everything even when there was nothing else she can give.

Sa bawat ngiting binitawan niya ay sapilitang pagtuyo ng mga luhang hindi niya nagawang iiyak. Sa tuwing sasabihin niyang kaya niya pa ay isang malaking kasinungalingang pilit niyang pinagtatakpan. At, ang mga binitawang 'mahal kita' ay apoy na inuupos ang pagmamahal niya na tila isang kandila. Pagmamahal na kahit para sa sarili ay handa niyang ibinigay wag lang maubos ang kaya niyang ibigay sa asawa.

She deprived herself of the love she deserves just to give Charlie the love she thought he needed from her. Huwag lang siyang iwan ng asawa ngunit huli na ng kanyang natanto na mas higit na mahalaga dito ang anak kaysa sa pagmamahal na kaya niyang ibigay.

Wala siyang itinira at wala ring natira. Talo siya. Her mind became a black hole, draining all the good and bad. The memories and the moments. The hows and the whats.

There was no other way but to let herself sink together with them. Journey together to a downward spiral. No second thoughts because a life promised after is better than facing tomorrow with nothing.

"She must have been depressed..." Nakita ng doktor ang gulat na rumehistro sa mga mukha ng pamilya ng pasyente. "...and apparently no one noticed." Umiiling na dugtong ng doctor sa apat na taong naroon. He's disappointed yet understands that depression is sometimes hard to detect. It slowly creeps within the mind and strikes in surprise.

Maaring nakukuha ng mga taong may depression ang ngumiti. Nakukuhang magsaya paminsan-minsan at sa harap ng ibang tao ngunit hindi sa pag-iisa. Depression is a silent killer like an assassin hiding in the dark.

Silence enveloped the hallway. No one dared to speak because no one thought and no one knew about her depression. Suzanna hid it well with her smiles and her assuring words.

Naitago niyang mabuti ngunit hindi niya matagumpay na nalabanan. Natalo si Suzanna dahil ang tanging taong inasahan niyang sasagip sa kanya ay ang mismong taong nagtulak sa kanya sa dilim.

"I am going to kill that son of a bitch!" Sigmund said with bloodshot eyes expressing his anger and hatred but most of all, pain. He is hurting for his sister.

Tumayo si Armando at tinignan ng seryoso ang anak na lalake.

"We will..." mahina ngunit puno ng kumbiksyon na pahayag niya.

END


Notes:
🖤 Depression is not the kind of sad that is just sad. It's the sad that runs deep within your soul. It's the sad that eats the good and leaves the bad. It's the sad that does not know happy. It is a serious mental illness unbeknownst to some but it does not make you less of a human. It is curable. Whenever you feel down and sad, it's not bad to talk to someone. Ask help because humans hurt and bleed naturally. And if someone needs help kindly lend an ear to listen.

🖤Please be aware and do not be afraid. You can save lives or you can save your own life!

🖤Yes, this is the end of Downward Spiral but obviously not the end of the story. I hope you'll stick around for book 2! Thank you!

Downward SpiralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon