Simula

19 1 0
                                    

Ako si Nathan Adecer. 17 years old at may kapatid akong si Natasha Adecer. May kakaibang panlasa ang nanay ko sa mga bagay na luma.Minsan nga eh nakakainis na kasi lahat ng madaanan na luma ay kanyang kinukuha Haysss.

Mula noong magtayo ng antique shop sa tabi ng sakayan ng traysikel malapit sa amin, nagsimula syang "maaliw" sa mga lumang bagay. Hindi mapigilan ang kati ng kanyang kamay sa pagbili ng mga lumang bagay.

Kaya dumating ang oras na linggu-lingo na sya kung magpasama sa akin para manghanting ng mga antique shops sa mga sulok-sulok ng Makati City.

Kapag pumunta ka sa bahay namin,lilitaw ang mga ebidensya ng mga nauuwing antique ni nanay.Naroon ang malalaking Santo at Kerubin na babati sa iyo sa bungad ng aming bahay.Naroon ang mga malalaking vase na naka displey sa paligid ng sala, at yung mga manika at kandelabra sa binibili nyang lumang estante.

Para bang may kung anong bagay ang humihila sa kanya para bumili ng mga pinaglumaan ng kung sino (may binili run syang sepia photographs ng mga taong hindi naman nya kilala ;karamihan sa kanila ay malamng abo na).Siguro nga ay may 'old soul' ang nanay ko,tulad ng sabi ng iilan.

Pero dumating ang araw na ako na ang kusang sumuko same sarili kong nanay.

Bakit kaya sya sumuko? Sundan sa susunod na kabanata.

Ang AparadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon