Ikaapat na Kabanata

4 0 0
                                    

Kinabukasan ikinuwento ko kay nanay ang nangyari hindi naman daw sya lumabas ng ganoong oras kahit si natasha di rin lumabas ng kwarto nya.

Nakakapagtaka talaga pilit kong kinakalimutan ang nangyari nung gabing yon para hinde ren matakot si Natasha.Akala ko doon na matatapos ang lahat.Hindi pa pala, kasi yun lang pala ang simula.

Hapon na nang ako ay makauwi sa bahay galing school.Paakyat ako sa kwarto ko nang may narinig akong mga boses, humahagikgik, at maguusap usap.Akala ko sila Natasha at ang kanyang mga kalaro na naglalaro sa kwarto ko kaya sa sobrang inis ko ay galit kong binuksan ko ang pinto.Ngunit pagbukas ko ay walang katao-tao sa kwarto ko.

"Natasha lumabas ka jan!!" sigaw ko "Di ako nakikipaglaro sayo lumabas ka na!"sigaw ko ulit.

"Kuya bakit po?" sabi nya sa tapat ng pinto."Di naman po ako pumasok jaan eh kasi baka magalit ka." sabi nya na parang iiyak na kaya inamo ko sya "Sorry my princess" ay muli syang ngumiti sakin.Ang cute talaga ni Natasha.

Pero nagtataka talaga ako.Ano!!! walang tao kung ganoon ay sino yung mga narinig kong tumatawa. Hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng mga kakaibang bagay dito sa bahay kundi pati sila nanay at Natasha.

Isang araw pumasok si nanay para kuhain ang basket na lalagyan ng maduduming damit.Papalabas na sya ng may narinig syang kalabog.Napatingin sya sa Aparador sa may bandang salamin at may nakita syang batang babae na nakasilip same kanya.

Bigla raw nawala ang batang babae nang napansin nya ito.Hindi makalimutan ni nanay ang mga matang iyong nakatitig sa kanya mula sa salamin.

sundan sa susunod na kabanata~

Ang AparadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon