Ikalawang Kabanata

17 0 0
                                    

Isang hapon,kauuwi ko lang galing school.Naabutan ko ang nanay ko sa sala na nanonood ng T.V

  "Nathan" sabi nya,"umakyat ka      sa kwarto mo."

Nagulat ako sa sinabi ng nanay ko.Ano kaya ang meron nakakapagtaka naman si nanay.
   
  "Bakit po?" pagtataka kong sagot kay nanay.

Tumayo sya at pumunta sa likod ko.Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko saka ako pilit na pinapaakyat sa kwarto ko.

"Bakit nga po nay hahha may problema po ba?"natatawa kong tanong kay nanay may nabubuong idea na sa aking isip.Ganito kasi si nanay pag sobrang excited sa kanyang bagong nadiskubreng syang bagay galing sa antique shop.

Hanggang sa huminto na kami sa tapat ng aking pintuan ng kwarto,nakahawak na si nanay sa pihitan ng pinto.Pagkabukas ko ng pinto ako ay nagulat sa aking nakita' NAWAWALA ANG APARADOR KO!!! lakas kong sigaw at tiningnan si nanay ng may pagtataka

"Nay nasan po ang aparador ko?at bakit may lumang aparador dito? nay?" tanong ko kay nanay.

"Anak pinamigay ko sa kapit bahay naten maganda kase itong aparador ehh" sagot naman ni nanay.ano ipinamigay nya para sa lumang aparador na to pinagpalit nya aisshhh nakakainis naman to si nanay.sabi ko sa aking isip.

Nahalata siguro ni nanay na galit ako kaya"Pwede naman nating ibalik yan kung hindi mo nagustuhan ang aparador nayan" sabi agad ni nanay.pero syempre  nakakahiya na diba dahil nabayaran na ehh...

Agad ko namang pinagmasdan ang malaking aparador.may salamin ito.Tiningnan ko ang repleksyon namin doon ni nanay,May kakaiba akong nararamdaman sa sa Aparador na ito.Parang may kung ano.

Yumuko ako para buksan isa-isa  ang mga drawers.napagalaman ko naman na ito ay pambababae kaya namn sabi ko kay nanay eh kanya na lang sabi naman nya ay bumili ren sya hayss kaya di nakakaipon si nanay ehh kung saan saan kasi napupunta.


Sundan sa susunod na kabanata~~

Ang AparadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon