Minsan sumagi sa isipan ko, pa'no kaya kung 'di ako isinilang sa mundo?
Para hindi ako nasaktan ng gan'to
Para 'yung sakit na naramdaman ko ay 'di na rin marandaman ng kahit sino
Yung sakit na parang pinapatay ka't pinipiga
Na sa bawat tusok ng kutsilyo'y puro dugo ng pait ang kita
Ayaw ko na--- tigil na.
Ngunit, isang malaking ilusyon lang pag nakataon ito
Ilusyon na 'di totoo at 'di kailanman mangyayari
Dahil sa huli tanging sakit lang ang magiging epekto sa sarili.
Kaya susubukan kong baguhin ang takbo
Nang buhay na minsan'y naging magulo
At tatahakin, ang landas patungo sa paraiso
Na walang sakit at pangamba
At tanging ngiti lang ang sisilay sa'yong mata
------