Baka sakali?
Kung titignan, sa bawat salita na namumutawi, sa iyong mga labi
at ang paghangang aking nadarama sa t'wing kapilang ka.
Baka sakali?
Na ikaw din pala ay magpatingin sa akin sinta, na ako ay gusto mo rin pala.
Pero paano kung hindi maamin ang nararamdaman?
Paano kung ang kaba ng puso at dibdib ang nanginigbabaw?
Ayaw kong matapos ang bawat araw, na 'di ka makita
Na 'di marining ang boses mong kahali-halina
At ang paghaplos at pagwahak sa iyong mga kamay
ang nagpapasaya at nagpapangiti sa aking buhay.
Kung bibigyan ng pagkakataon ay nais ko ng umamin,
ngunit paano kung natotorpe sa t'wing ikaw'y lalapit?
Paano nga ba mawawala ang kaba at torpe,
Hay! Bakit may gan'to pa bang feelings pare?
