Sadyang kay ganda na magkaroon ng inspirasyon
Iyong babaunin sa bawat panahon
Ako'y hangang hanga sa istilo ng iyong pagsusulat
Kung kaya't kahit tula gusto ko sa iyo ay ilagak .
Una kong nabigyan ng tingin ang kwento ng isang Nobody
Na minsan kong napanood sa aming TV
Pag iibigan nila Chelsea at Kyle Shin - Woo
Pagkabasa ko pa lang ako'y nainganyo
Kung kaya't tinutukan hanggang dulo.
Sabi ko nga sa sarili dapat si Adrian na lang
Wag na si Kyle na mahangin at mayabang
Pero ala eh yan ang agos ng istorya
Kung kaya't ako'y naghintay na magbreak ang dalawa
Kaya lang alang nangyari sila talaga
Naalala ko pa nga ng natamaan si Kyle ng bola
Kaya't sa pagamutan siya ay dinala
Nagalit kay Nobody dahil hindi siya ang inuuna
Kundi ang isa sa Tigers na nagpupush-up na.
Ang Marry You naman ni Yumiko at Lance Abellano
Sadyang ako'y nagandahan sa iyong naging prologo
Pano ba naman si LANCE ay isang malamig na tao
Samantalang si YUMIKO ay kabaligtaran nito .
Author na si Ate Pinky
Ingat ka palagi
Maraming mambabasa laging naghihintay
Sa iyong pag-uupdate sa iyong mga istoryang hinihimlay .
