Chapter 1: Transfer Student

1.8K 15 4
                                    

Jecko's POV

"Magandang umaga sainyo bago tayo magsimula gusto kong makilala nyo ang bagong transfer student from Cavite na si Jecko Mendiola," sinenyasan na ako ni Ms.Gratuito na pumasok na sa loob.

Dahan-dahan akong pumasok sa room habang naka yuko kasi nahihiya ako pumasok. Pagdating ko sa harapan tumingala ako at ngumiti.. nginitian din nila ako yung ngiting winewelcome nila ako.

"Magandang umaga po, ako nga po pala si Jecko Mendiola pero tawagin nyo nalang ako jecko, nice to meet you all," binigyan ko sila ng matamis na ngiti at binawian din nila ako ng matamis ng ngiti.

At umupo na ako sa may bakanteng upuan medyo malapit sa dulo.

"Hi," nagulat ako bigla sa nang may kumalabit saakin sa likod mukha siyang mabait at palakaibigan.

Ngayon ko lang napansin na magaganda at mga gwapo ang mga estudyante dito sa sektion na ito.

"Mackenzie Ziegler, pinakamakulit at palakaibigan ako dito," inabot nya yung kamay nya at nginitian ako tanda ng pakikipagkaibigan. 

Kinuha ko naman yung kamay at nginitian ko rin siya"Jecko Mendiola, mahiyain pero friendly rin."

Bago matapos ang oras ni Mam Gratiuto sabi nya saamin absent daw ang secong period namin kasi daw may sakit "Ok class good bye," pagpapaalam nya saamin at lumabas na.

Umingay biga yung room kasi nga walang teacher kaya ayun bangayan, ganun pala dito pag may teacher parang may patay sa sobrang tahimik, pag wala naman bangayan yung tipong wala ng bukas sa sobrang ingay... Puro kwentuhan. Kinalabit ako ni Mackenzie "Tara jecko kwentuhan tayo about sa life." sabay ngiti saakin parang interesadong malaman ung storya ko.

"Bat ka pala nagtransfer dito?" tanong nya saakin habang nilalaro nya ung ballpen nya.

"Nagtransfer ako dito kasi lumipat kami dito sa caloocan kaya dito ako nagaral" sagot ko sakanya sabay ngiti.

"Ah ok ilang taon kana pala? Kailan birthday mo?" sunod-sunod na tanong nya saakin.

"12 palang ako tapos January 12, 2004 yung birthday... Ikaw ilang taon kana, kailan birthday mo?" sunod-sunod ko ring tanong sakanya.

"Ah 12 palang din ako, June 4, 2004 ang birthday ko mas matanda ka saakin ng month," sabay tawa.

"Magrerecess na pala, ano yun pati ung pangatlong teacher natin hindi pumasok dito," pagtataka nyang sabi "Oo nga no," pagtataka koring sagot.

"Sabay tayo magrecess," aya nya saakin.

"Sige sige."

Recess na nag bell na eh, inaya na ako ni mackenzie bumaba pinagmamadali nya ako "Bilisan mo naman jecko bilis."

"May hinahabol kaba?" tanong ko sakanya kasi parang may gusto siyang habulin.

"Wala naman nagugutom na kasi ako eh," habang tumatalon na nagamamadaling lumakad.

"Sabi kona eh," napachuckle ako bigla.

"Bat ka tumawatawa?" naiinis nyang tanong "Ah eh wala lang tara nanga magmadali na tayo baka makain mo pa ako" sabay tawa.

Tapos na ang recess at natapos na lahat hanggang sa last period na.

"Ok class bukas magkakaroon kayo ng Class Officer" sabi ni Sir Deguzman at nagpaalam na saamin.


----------

A/N:
Grabe hirap magisip ng pangalan kaya ginamit ko na lang na mga pangalan ay ang pangalan ko at ng mga kaklase ko. AHAHAHAH happy reading guys :)

Class PictureWhere stories live. Discover now